COPYING, REPOSTING, SHARING, AND EXPORTING POSTS FROM PINOY HORROR STORIES TO OTHER WEBSITES OR FORUMS ARE ALLOWED AS LONG AS YOU PROPERLY CREDIT IT TO US. THANK YOU AND GOD BLESS!

Share

Lunes, Disyembre 31, 2012

Taxi No. 45

February 16, 2008

    It was a dark night when Julie and Chris are walking by the Bayside Road. It has been a cold night and having only a few vehicles passing through this road made it even colder.

    “Sabi ko na sayo! Dapat hinintay natin si Gary doon sa party para may masakyan tayo pauwi. Eh nahihirapan tuloy tayong makahanap ng taxi sa lugar na ‘to. Wala atang dumadaan na taxi dito eh!” complains Julie to his boyfriend. Chris then replies “Jul, it’s getting late na and the party was getting a little boring already. Tapos parang ayaw pa umalis ni Gary eh. Hintay ka lang, may taxi din jan maya-maya.”

    Chris then notices a light from afar behind him. He thought to himself that it could finally be a taxi and that they can finally go home. And as he thought, it appeared to be a taxi after all. Chris then hurriedly waves his hand to signal the vehicle to stop and give them a ride. As the taxi was a few feet away from them, Julie cries out “Ngek! May pasahero na Chris! Puno pa nga ang sasakyan eh.”

 As Chris heard this from his girlfriend, he took a close look to make sure that the public vehicle is indeed occupied and sure enough, what he saw was exactly what Julie told him; the taxi is packed with its passengers. But to the couple’s surprise, the taxi stopped a few meters away from them.

“Grabe naman tong driver na to. Puno na nga, magpapasakay pa.” Julie exclaimed. Chris then started to walk towards the vehicle and as he was doing so, he says to his girlfriend, “Baka dito na bababa ang mga pasahero niya.”

Julie then responds, “Ano? Eh wala namang bahay dito sa paligid ah. Tingnan mo nga. We’re practically in the middle of  nowhere.” As Chris heard this, he looked around and only saw an empty field on one side and a gloomy forest on the other.

    Right then and there, Chris thought that things started to get suspicious. He slowly approached the taxi. When he was near enough, he leaned down to take a look inside. To his shock, he saw no one on the passenger seat or on the backseat. There are no passengers in sight. He couldn’t believe it. There was no way both he and his girlfriend were just seeing things. His girlfriend confirmed it twice already. Even though he started to feel light-headed, he struggled to walk further forward to talk to the driver and possibly shed some light on what they’ve seen earlier.

As he was about to open the passenger door to speak to the driver, he took a look inside and to his horror, neither driver could be seen inside the vehicle. At this point, Chris already felt like his head had already swollen. It was like he is in a trance due to what he is experiencing at that moment. “Ano daw Chris?! Bababa na ba ang mga pasahero niya?” screamed Julie.

Somehow, his girlfriend’s voice snapped Chris out of his shock for a while and he was able to give Julie a look. Yet, Chris couldn’t gather enough strength to speak up. He could only take a deep breath and gulp through his throat. He is already thinking that this is too much for him to handle. Trying to convince himself that all of this are just illusions, he slowly took another look inside the taxi. This time, what he saw was even more horrific. The vehicle is once again filled with people. What’s more bizarre about is that all of them are just looking blankly forward and seemingly oblivious to Chris’ presence. Chris’ eyes started to bulge out in disbelief and as he started to walk backwards, all the people inside the vehicle slowly turned their heads toward Chris. Their eyes are so white; they look like they are glowing. That’s the moment when Chris started to walk anxiously towards his girlfriend. He then grabbed her by the hand and hurriedly walked away from the taxi.

Chris and Julie were only meters away from where the taxi was parked when he decided to look back. The vehicle was no longer there. Now he feels even less safe and all he wants to do is run away but as he turned back to look forward, a very familiar set of headlights pulled over right in front of them. Chris is terrified over the fact that the taxi might have followed them and now he has to confront it again. He can’t bear to see more of those horrific images he has seen earlier.

As Chris was about to run towards the opposite direction, he heard something that made him feel safe again, “Chris! Julie! Get in, I’ll take you guys home.” It was Gary’s car, which pulled over after all. Without any hesitations, Chris took his girlfriend and got in the car.

 In the car, Chris tried to calm himself down. He can’t wait to get out of that place.

“I told you guys na sabay na tayong umuwi. Bakit umalis kayo kaagad?” Gary scolded the couple.

“Eh eto naman kasing kaibigan mo, Gar! Gustong-gusto nang umuwi. Kesyo bored na daw siya doon.”, explained Julie. Then Gary said, “Di nyo ba alam na delikado dito?”

That statement caught Chris’ attention and he said “Di mo lang alam Gar! Hindi ka maniniwala sa nangyari sakin doon.”

Gary looked at his friend with heed and said “Anung sinasabi mo?” “Pare minulto ako doon!” cried Chris.

“Ano ano ano?” yelled Julie. Chris turned to look at his girlfriend and told her “Yung taxing pinara natin, paglapit ko, nawala ang mga tao sa loob pati ang driver. Tapos napalingon lang ako saglit, pagtingin ko uli, may mga tao na naman sa loob. Puro puti ang mga mata nila pero naramdaman kong nakatingin sila sa akin. Muntik na’kong himatayin dun sa takot!”

Julie was shocked to hear this and could only hold her hand up to cover her mouth and utter the words “Oh my God…” and when she could finally gathered herself back together she screamed “Chris huwag mo’kong takutin ng ganyan! Ayoko ng ganyang biro!”

After that, the couple simply heard “I believe you.”  Gary claimed to his friend. Even though he was certain with what he saw, Chris understood how the story could be so unbelievable so he stared at Gary and said “Talaga? How could you be sure?” “I know you, man. You don’t have the creativity to make this stuff up!” said Gary with a grin and proceeded to say “Plus you’re not the first one to experience that.”  “What do you mean?” asks Chris.

“Some of my classmates back in college covered this story once so I pretty much have an idea of what you are talking about. Malamang ang nakita mo tonight ay ang kinakatakutang ‘Taxi #45 ng Malaya Company.’ About five years ago, nadisgrasya dito mismo sa Bayside Road ang Taxing yun. Ang driver pati na ang apat niyang pasahero, patay nang sumalpok ang sasakyan sa puno. Pagkatpos ng disgrasya, marami nang mga kwentong kumakalat na may mga nakakakita pa rin ng taxing yun. May iba sinasabing nakita nilang bumangga ang taxi pro nawawala naman pag nilapitan. May mga kwento rin na tulad sayo, humihinto ang taxi pag pinara tapos pag sasakay na ang pumara, magpapakita yung mga namatay na pasahero. At meron pa. Minsan pag pinapara ang taxi, pinapasakay mismo ang pumara. Tapos bago pa makalabas ng Bayside Road, hihinto ang taxi. Pag tatanungin na ng nakasakay kung ano ang problema, lilingon ang driver pero makikita ng sumakay na walang mukha ang driver. Sinubukan na ng mga classmates ko na tanungin ang Malaya Taxi Company about sa Unit #45 nila pero ang sabi ng kompanya eh nandoon lang daw sa garahe nila ang taxi at di na magamit dahil total wreck na.” tells Gary. “Kung yun nga ang taxing pinara mo Chris, passlamat ka na lang na yun lang ang dinaanan mo.”

Chris took a deep breath and said, “ Diyos ko. Di talaga ako naniniwala sa mga ganitong bagay, Gar. Eh nanginginig pa nga ako hanggang ngayon. Ewan! Ngayon ‘pag iniisip ko yung nakita ko, parang bangungot ang pumapasok sa isip ko. Hindi ata ako makakatulog ng ilang araw nito. Yung mga mata nila, ‘di yun maaalis sa utak ko. Para silang umiilaw sa puti”

Gary quickly responds to what he heard from Chris, “Sabi ng iba, kaya daw ganun angmga mata nila kasi huli nilang nakita sa daan bago namatay ay high beam headlights ng isa pang sasakyan. Sabi nila baka nasilaw dun ang driver kaya sila nadigrasya.”

Julie then buts in, “Chris nahihilo ata ako sa kwento ninyo. Akala ko sa movies lang nagyayari ang mga ganun. Buti na lang hindi ako lumapit doon. Thank God things like those don’t happen to me pero Chris, nilalamig talaga ako ngayon. Nakakapangilabot talaga ang taxing yun.”

“Julie, just relax and lean back. It’s gonna be ok. Malapit na tayong makalampas sa Bayside Road. Wala pakong naririning na sightings ng taxi outside this road.” says Gary as he glanced at Julie through the rear view mirror.

As they were exiting the Bayside Road, Gary adds one more story he remembers about the cursed taxi, “May isa pa. Hindi lang yung taxi mismo ang nagpaparamdam sa mga dumadaan doon sa Bayside. Pati na ang mga namatay na pasahero nito ay naghahasik din ng lagim. May nagsasabing nagpapakita daw ang mga pasehero sa mga drivers ng mga sasakyang dumadaan doon. Makikita mo daw sila sa tabi ng daan na parang pinapara ka. Tapos ‘pag nakalampas ka na, magugulat ka na lang pag lingon mo sa rear view mirror. Makikita mo na lang na nakasakay na sila sa likod.”

“Anak ng… Eh anung gagawin ng driver?!” screams Chris.

“Marami sa mga drivers, lumalabas sa sasakyan at tumatakbo. Kaya maraming nachochop-chop na sasakyan diyan sa Bayside kasi iniiwan na lang.” Gary glanced at Chris and looks at Julie through the rear view mirror as he continues, “Meron namang mga driver na malalakas ang loob at pinapabayaan na lang daw. Pero may nangyayari sa mga pasahero ‘pag pinabayaan mo lang silang sumakay. Nawawala daw sila isa-isa at nangyayari ito habang may dumadaan na sasakyan. Ang sabi ng iba, yung Taxi #45 ang nakakasalubong mo kaya’t nawawala yung mga multo sa likod ng sasakyan mo. Parang isa-isa silang sinusundo.”

“Grabe! Gulong-gulo talaga siguro ang mga kaluluwa nung mga namatay kaya’t ganun na lang sila kung pagparamdam.” says Chris. Gary nods at his friend and says “Sa tingin ko kaya nila ginagawa yung dahil ‘di nila maalala kung ano ang nagyari sa kanila. Paulit-ulit silang bumabyahe sa Bayside para maalala at matanggap ang sinapit nila. Kaya kung pakikiramdaman o pakikitaan ka man, pabayaan mo na lang. Isipin mo na lang na para mo na silang tinutulungan.”

Gary, Chris and Julie finally reached Julie’s house so the couple were dropped there. Gary escorts them to the door and bids them goodbye. Julie has entered the house and Chris shook Gary’s hand and said “Thanks man! Because of the things you’ve said, I kinda feel better about what happened tonight,”

Gary smiles and tells Chris “Don’t worry. All three of us shared your ordeal tonight. By the way, nakita ko rin sila ngayong gabi…”

Chris’ jaw dropped and whispered “What?!… How?! Where?!”

“Relax! I think I handled it pretty well. Just don’t tell Julie about it.” says Gary.

Chris then asks, “Ha? Bakit?”

Gary responded, “When I saw them, they were already inside.”

Chris’ eyes widened and Gary continued “Yes. They were inside my car but just couldn’t scare the hell out of your girlfriend. Kaya alam ko kung bakit siya nilalamig kanina. And don’t worry. You’re here now in her house. You’re safe and secured. We’re kilometers away from the Bayside Road. You have nothing to be scared of anymore.”

Chris then felt weakened with terror and sat on the porch steps where he and Gary were standing. Gary glances at his car and tells Chris “Yo I need to go! See you around.”

As Gary was walking away, Chris screamed “Whoa, Gar! Ayaw mo mag-stay?” Gary continued walking to his car and just yelled “No! I still have to go back!” Chris quickly replied “Wh.. WHAT? Sa Bayside?! Bakit?! Naloloko ka na ba? Umuwi ka na kaya!”

As Gary was entering the car, he looked at Chris with a serious look and said, “Trust me.” As Gary was driving away, Chris found the answer to why his friend needed to go back to the cursed road. A very familiar sight appeared before Chris. At Gary’s backseat, Chris saw that there was one more passenger that was left and looked at Chris with those same blinding, bright eyes. Gary needed to drop off one more passenger.

Source

Tales from the (Filipino) Dark Side

[Cropped from the original article. Check it here]
...

Perhaps the best example of the melding of old and new Filipino culture through the ghost story is the celebrity ghost story. When Filipinos find out that weird stuff happens to popular or famous people, it only adds to the veracity of the tale.

Take for example the tale of Andrea Torres, the lead star of GMA-7’s “Sana Ay Ikaw na Nga” remake. Torres started her career as the host of the now-defunct youth-oriented TV show called “Ka-Blog!” For its Halloween episode, the production crew shot scenes at an old building where, Torres claims, she heard voices talking in Korean or Vietnamese (she wasn’t sure). Interestingly, the only people in the old building were the staff and crew, and they didn’t hear the voices.

Or this spooky story from singer Sheree:

“It all started when I rented a place. It was just me and my yaya. I was surprised because the unit was cheap even if it was in a nice area, so I signed the lease for three years. During the first three days of my stay, I noticed that I was having bad dreams. I dreamt of weird characters like the queen and king in the deck of cards, a person without a head and ugly dwarfs. They asked me what my name was. I ignored it and thought maybe I was just tired from taping because at that time I was so busy with my shows and tapings.
But then it started happening almost every night. Then, I saw this black long-haired man standing in front of me with red eyes.

Another time, a friend from Cebu stayed at my place overnight. I again had the same dream.  So I woke up and at the edge of the bed, I saw this dark man standing there. A few minutes later, my friend woke up saying she had a nightmare where she saw this black man standing at the edge of the bed.

In another incident, my yaya woke up with half her face being black and blue like someone had beaten her up. She said that when she woke up, she accidentally hit her face on the edge of the wall. I thought that was impossible because the wall is way too far from her bed. I asked her to go home and rest. The night she left, I heard someone crying from her room. I thought it was our neighbor, then I found out from the security guard that our neighbor had left for Canada.

I decided to have the house blessed. I put a crucifix in the middle of the house just as the priest had told me. The scariest thing happened the next morning I woke up and saw that the hands of Jesus in the crucifix were broken and that the cross had been turned upside down.  I was so scared that I decided to look for another unit where I could transfer.

But things became worse. Delivery boys kept bringing five gallons of bottled water, saying that I had ordered them. But I had not called them! Then one time, my road manager and I were talking when we heard the gas oven being turned on.

I had a lot more scary experiences in that place. My best friend Odessa took a picture the night before I moved to another unit. When I checked the photo, I saw that someone else had joined the picture-taking, There was this figure standing in the back with big eyes and an open mouth, and covering his face like it was scared by the camera flash. I locked all the doors and we ran off.

The following day, the day I was leaving the unit, we were woken up by the banging on our door. It was so loud, as if someone was kicking and trying to break down the door. Then when the guards opened the door, nobody was there. That was the last day. I’m never going back to that unit ever again.”

Sometimes, the story isn’t an outright ghost story but a tale of strange and sometimes threatening situation.
Model Solenn Heussaff, host of “Fashbook,” has had close calls that were scary in themselves. The first was at a shoot for a product endorsement. From out of nowhere, a huge piece of metal almost fell on her and would certainly have caused serious injury if she had not moved away just seconds before the metal piece fell.

At another shoot for her show, huge lights came crashing on the chair that she had just vacated because she had to go the bathroom. Solenn is hoping that she would be as lucky should another perilous experience happen to her.
...
Originally written by Ruel S. De Vera, Niño Mark Sablan from Inquirer Lifestyle.


Lunes, Disyembre 3, 2012

Santa Monica: A Filipino Ghost Story Chapter IX: La Oscuridad


Ala una ng madaling araw, Miyerkules.

Naabot na ni Steve ang bahagi ng Santa Monica kung saa’y halos wala nang nakatira. Maliit lamang ang bayan ng Santa Monica, ngunit ang malaking bahagi nito ay hindi pa rin okupado ng mga tao.

Ang hilagang bahagi ng Santa Monica ang pinaka-tahimik sa buong bayan. Habang naglalakad si Steve patungo sa La Oscuridad ay hindi mawaglit ang matindi niyang pakiramdam na may mga matang nakasunod sa kanyang paglalakad, at ang kanyang tinutungong daan ay magdadala lamang ng kapahamakan sa kanya.
Di gaya ng mga ordinaryong tao, ang mga pakiramdam ni Steve sa mga bagay bagay ay hindi lamang basta pakiramdam. Ang espesyal na abilidad ng binata ay higit na mas makapangyarihan sa nakararami. Hindi lang niya kayang makakita ng multo o mga supernatural na mga elemento, kaya niya ring makita ang nalalapit na hinaharap o mga bagay na nagdaan na o kaya naman ay maramdaman kung ano ang iniisip o nararamdaman ng mga tao. Ngunit ang mga abilidad niyang ito ay hindi niya nako-kontrol. Nagkakaroon lamang si Steve ng “instinct” o mga “pakiramdam” kung kailan lamang, at hindi kung kalian niya ito gustong gamitin.

Habang naglalakad sa isang madilim na daan patungo sa kakahuyan ay palakas ng palakas ang kutob ni Steve na may masamang mangyayari sa kanya, ngunit palakas rin ng palakas ang kanyang pakiramdam na papalapit siya ng papalapit sa sagot na kanyang hinahanap, sa bagay o impormasyon na tutulong sa kanya upang mapigilan ang nalalapit na pagkagat ng dilim sa Santa Monica.

At kung ano man ang mangyayari kay Steve, handa siyang isugal ang kahit ano kapalit ang kaligtasan ng Santa Monica.

***

Narating na ni Steve ang daanan papasok sa La Oscuridad. Dala ang isang maliit na flashlight at ang kanyang backpack, maingat na pumasok si Steve sa pagitan ng mga barbwires papasok sa La Oscuridad, kung saan ang katahimikan ay nakakabingi.

Napakadilim at napakalamig sa kakahuyan. Maingat niyang binaybay ang daanan, at habang siya ay naglalakad papasok sa kakahuyan ay pakapal din ng pakapal ang mga puno na siyang tumatakip sa mahinang liwanag ng buwan.

Di gaya ng ibang kakahuyan, talagang walang ingay na naririnig si Steve; walang ingay ng mga dahon ng puno na sumasayaw sa pag ihip ng hangin, walang ingay ng mga insekto, walang ingay ng mga mababangis na hayop. Ang katahimikan ay sadyang kaduda-duda.

Maingat na naglakad si Steve sa kakahuyan ng La Oscuridad, halos lahat ng dako na kanyang nadadaanan ay iniilawan niya ng kanyang flashlight upang masigurong walang sinuman ang malapit sa kanya o walang kahit anong nakaambang panganib ang nasa paligid niya.

Pero alam niyang kahit hindi malapit sa kanya ang panganib sa kasalukuyan, ay darating at darating pa rin ito. Sigurado siya sa bagay na iyon.

***

Naglalakad si Ella sa lugar na hindi niya batid kung saan. Nakasuot ito ng pantulog, at walang saplot ang kanyang mga paa. Dahil sa layo ng nilakad ni Ella, ang kanyang mga paa ay duguan at sugatan na.

Wala pa rin siya sa kanyang sarili. Ang tinig na tumatawag sa kanya ay dinadala ang kanyang mga paa sa lugar na kailanman ay hindi niya akalaing pupuntahan niya.

Kahit pa siya ay nasa napaka-dilim na lugar sa napaka-delikadong oras ay, dahil sa boses na naririnig, tila ba walang takot sa kanyang dibdib. Parang ang tinig na kanyang naririnig ay ang tinig na magdadala sa kanya sa kung saan siya nararapat, at kung saan siya pinaka-ligtas.

Doon siya nagkakamali.

***

Mga tatlumpung minuto na ang lumipas mula ng mapasok ni Steve ang La Oscuridad ay narating niya ang isang bilugang patag na napapaligiran ng mga puno. Nagtaka si Steve pagkat kalianman ay di pa niya narinig na may ganitong bahagi ang La Oscuridad.

Habang sinusuri ang paligid ay napansin ni Steve na sa gitna ng patag ay may isang napakalaking puno. Sa pagkakataong nakita ito ni Steve ay bigla na lamang siyang nagkaroon ng napaka-lakas na pakiramdam; ang sagot! Ang sagot ay nasa puno!

Agad na tinakbo ni Steve ang malaking puno na halos ay nasa isang daang metro ang layo mula sa kanya. Hindi niya mapigilang matuwa sa nakita, ngunit habang siya ay tumatakbo papalapit sa malaking puno ay naramdaman din niyang muli ang papalapit na panganib.

***

Dumating na si Ella sa lugar kung saan siya nais na dalhin ng tinig na tumatawag sa kanya.

Napaka-lamig ng gabi, ngunit hindi ito iniinda ni Ella. Ang kanyang mga mata ay nakatingin lamang sa isang lugar, at gustuhin niya man ay hindi niya maalis ang kanyang pagtitig dito.

“Dito ka lamang, Ella, walang masamang mangyayari sa’yo. Mayroon lamang tayong hinihintay.” Paulit ulit na sabi ng malumanay at malalim na tinig na naririnig ni Ella.

Wala pa rin siya sa kanyang sarili, ngunit unti unti na siyang bumabalik. At habang unti unti siyang bumabalik sa kanyang sarili ay patindi rin ng patindi ang takot na kanyang nararamdaman.

Gustuhin niya mang mag-pumiglas o sumigaw ay hindi niya magawa. Ang tinig na nagdidikta sa kanya ay higit na mas makapangyarihan sa sarili niyang isipan.

Ang tinitignan ni Ella ay isang treehouse sa isang napakalaking puno, at siya ay nasa kakahuyan din ng La Oscuridad.

***

Ilang metro mula sa malaking puno ay napansin ni Steve na may isang babaeng nakaputi ang nakatayo sa ilalim nito. Agad niyang nakilala kung sino ito.

“Ella!” bulong nito.

Dahil sa nakita ay lalo pa niyang binilisan ang kanyang pagtakbo.

Bakit narito si Ella?

Labis ang kaba na nararamdaman ni Steve habang papalapit siya ng papalapit sa malaking puno, lalo pa’t nasa kakahuyan rin pala si Ella. Dahil narito rin ang dalaga ay kapwa na buhay nila ang nasa kapahamakan.
“Ella? Ella?” sabi ni Steve ng maabot nito si Ella. Nagtaka ito pagkat napaka-misteryoso ng itsura ng babae, hindi ito sumasagot o gumagalaw. Sinubukan niyang yugyugin si Ella upang gisingin ito pagkat parang nasa isang panaginip ito. “Ella? Ella? Bat ka narito?”

Hindi pa rin umimik ang dalaga. Naka-iling lamang ito sa taas ng puno. Nang mapansin ni Steve kung saan naka-iling si Ella ay tinignan niya ang direksyon nito.

Pansamantalang natigilan si Steve sa nakita: ang treehouse. Nang makita niya ang treehouse ay naramdaman niya ang napaka-lakas at napaka-itim na enerhiya na bumabalot rito. Malakas din ang kutob ni Steve na ang sagot ay nasa loob ng treehouse.

“Ang sagot,” bulong nito. “Ella, dito ka lang, wag kang aalis. Aakyat ako sa bahay.” Hindi sumagot si Ella at nanatili lamang ito sa kung saan ito nakatayo.

Agad na sinubukang akyatin ni Steve ang puno. Mano mano niyang inakyat ang treehouse pagkat sira na ang hagdang lubid na nagsisilbi sanang daanan paakyat rito.

Nang maakyat niya na ito ay dali dali niyang sinuyod ang maliit na treehouse gamit ang kanyang flashlight.
Luma na ang treehouse at halatang matagal nang walang nakatira. Nabubulok na ang mga gamit at marami na ring mga dahon at ugat ang tumubo sa loob nito, maging ang bubungan ay marami na ring butas.

Kinakabahan si Steve, pero dahil alam niyang ang sagot na kanyang hinahanap ay malapit na ay nilakasan na lamang niya ang kanyang loob.

Maya maya ay napansin ni Steve ang isang maliit na pintuan sa isang banda ng treehouse. Pinuntahan niya ito at binuksan. Dito’y natagpuan ni Steve ang isang maliit at napaka-lumang kwarto.

Sa loob ng kwarto ay may sirang higaan, bookshelf, at mesa. Lahat ng mga gamit ay pawang nabubulok na. Kapansin pansin rin ang hugis tatsulok na bintana sa loob ng kwarto. Ang bintana ay gawa sa salamin, at dahil na rin sa paglipas ng panahon ay puno na ito ng lumot.

Ang mga pader ng kwarto ay puno ng mga napaka-lumang iginuhit na larawan ng mga bagay na hindi kanaisnais makita, gaya ng isang babaeng nagbigti, isang batang babaeng may mapupulang mata, isang matandang lalakeng sumusuka ng dugo, at iba pa.

Matapos tingnan ang mga larawan ay sunod na sinuri ni Steve ang mga libro sa bookshelf. Karamihan sa mga libro ay nakasulat sa Latin, kaya hindi mawari ni Steve kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.

Paalis na sana si Steve sa loob ng kwarto ng mapansin niya ang isang napaka-liit na itim na librong nakasuksuk sa pinakasulok sa bandang kaliwa ng bookshelf. Halatang nais itong itago ng kung sino man ang may ari nito.

Agad na kinuha ni Steve ang maliit na libro at binuklat niya ito. Noon ay napag-alaman niyang isang diary ang libro. Binasa niya ito at siya’y nagimbal sa mga nakasulat dito.

“Ito ang sagot!” sambit ni Steve.

Isinara niya ang libro at nagmadali siyang lisanin ang lugar. Ang panganib na kanina pa niyang nararamdaman ay napaka-lapit na, halos nasa paligid na nila ito ni Ella.

“Ella! Nakuha ko na ang sagot!”

Si Ella ay tulala pa rin at nakatingin lamang sa treehouse.

Nagmadaling bumaba si Steve mula sa puno na halos ay malaglag na siya.
Nang makababa ay sinubukan muli ni Steve na gisingin si Ella.

“Ella, kailangan na nating umalis dito. Ella!” hindi pa rin sumasagot si Ella. Dahil dito ay kinuha na lamang ni Steve ang kamay ni Ella at sinubukan itong hilahin palayo sa lugar.

“Saan kayo pupunta?” isang malalim at nakakatakot na boses ang narinig ni Steve. Sa pagkakataon ding iyon ay nagising na si Ella. Tumingin tingin ang dalaga sa paligid, tiningnan niya si Steve.

“Steve?”

“Ella, gising ka na!” Sa loob ni Steve ay nagulat siya dahil alam ni Ella ang kanyang pangalan.

“Nasaan tayo? Bakit kasama kita? Anong ginagawa ko dito?”

“Hahaha.” Muli nilang narinig ang nakakatakot na boses. “Narito ka, Ella, upang mamatay kasama si Steve. Hahaha.”

Natatakot si Steve ngunit pinilit nitong lakasan ang kanyang loob. “Nasaan ka? Sino ka?” sambit ng binata.

“Steve, anong nangyayari? Sino yun?” tanong ni Ella, ang mga mata nito ay puno ng pangamba.

“Mahabang kwento. Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo. Sa ngayon ay kailangan nating lisanin ang kakahuyan!”

“Tumakbo kayo hanggang kaya niyo.” Sabi ng boses. “Pero hindi kayo makakatakas.”

Sa pagkakataong iyon ay nakita na ni Steve at ni Ella kung saan nagmumula ang boses. Sa di kalayuan, napansin nila ang isang anino.

“Hindi kayo makakatakas.” Muling sabi ng lalakeng di nila makilala, at sa pagkakataon ding iyon ay nagliyab ang mga mata nito.

Chapter X: Ang Demonyo of Santa Monica: A Filipino Ghost Story is already published on Wattpad. Click here to read in advance.

Lunes, Nobyembre 19, 2012

Sa Isang Madilim na Gubat ang Daan

Malalim ang kadiliman ng gabi, akoy naglalakad sa gilid ng kalsada. Ibat-ibang uri ng mga kotse, mga truck at jeepney, sadyang makulay ang paligid habang silay mabagal na umuusad sa kalsada.

Napansin ko na may ilang mga tao ding naglalakad sa kalsada, mga chicks, manong at mga kabataan. Hindi ko maisip na sa dami ng jeepney na umuusad, hindi nila piniling sumakay. Pinapagod nila ang kanilang sarili sa paglalakad.

Medyo traffic, naglalakad nga ako sa isang avenida. Diretso ang daan ng kalsada at medyo dumadami ang mga taong naglalakad. Nakakasalubong ko silang lahat mapungay ang mga mata at nakangiti.

Sinasabi nila sa kanilang mga mata at sa kanilang isipan sa akin habang isa-isa ko silang nakakasalubong. “Saan ang patungo mo, Kaibigan?.” Sinagot ko sila sa aking isip “Papunta ako sa aking kamag-anak”.

Malayo pa ang daan at patuloy ako sa paglalakad. Maganda ang lugar, puno ng ilaw at mga huni ng mga sasakyan sa kalsada samantalang tahimik ang mga tao sa paglalakad. Medyo weird ang mga nangyayari.

Walang dahilan bakit sa kamag-anak namin ang destinasyon ko. Sabi ko sa aking sarili “Bakit ko kailangang lakarin ang napaka-habang daan na ito samantalang may shortcut naman banda jan”, kaya naman pinili ko ang shortcut na daan.

May eskinita sa gilid ng daan. Pinili kong dumaan sa shortcut. Sa Dami ng beses na dinaanan ko na ang shortcut na ito, di ko mapagtanto na parang iba ang lugar na ito. Alam at alam kong eto ang tamang daan na lagi kong dinaraanan pero parang ang weird. Pinagpatuloy kong dumaan at medyo lumalamig.

Ang shortcut na dinaraanan ko ay isang gubat. Maraming puno, mga damo at panay kurba ang daan. May mga ilang bahay na kalahating bato at kalahating kahoy ang tuktok, yero ang mga bubong.

Sadyang madilim ang shortcut na ito habang akoy naglalakad. Ang tanging ilaw lang na maaaninag ay ang mga ilaw ng mga bahay, dilaw na ilaw ng mga bumbilya.

Sa aking paglalakad may humarang sa akin na isang napakalaking aso, kulay itim ito at umiilaw ang mga mata. Umaamba ang aso at kumuha naman ako ng malaking bato para ipagtanggol ko ang aking sarili.

Kumahol ang malaking aso. “Roar!!, Roar!!, Roar!!”. Handa naman ako sa isang mabilis na pagtakas papalayo, pero tumigil ang aso at pumasok sa bahay ng amo.

Kaya naman pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Lalong lumalamig at tumatayo ang aking mga balahibo sa balat. Sinabi ko sa aking sarili “Iba na tong mga nangyayari.”

Nakaramdam ako ng isang malakas na aura na sanhi ng malamig na pakiramdam at pagtaas ng aking mga balahibo. Alam ko sa sarili kong aura yun ng isang mangkukulam.

Nangangamba ako sa aking sarili na wag nang magpatuloy sa daan na yun. Pero nang tumingin ako pabalik sa pinanggalingang daan papalabas ng shortcut, wala na ang daan. Wala na akong maaninag, sobrang madilim, alam kong pag bumalik pa ako, mahuhulog ako sa isang napakalalim na hukay. Wala nang paraan para bumalik pa.

Sa isang malaking bahay, kalahating bato, kahoy ang tuktok ng bahay at yero ang bubong na may bumbilyang dilaw. Lumabas ang isang matandang babaeng mangkukulam na may dalang lampara, matabang babaeng nakaitim na medyo singkit ang mga mata.

Tiningnan niya ako sa aking mga mata at nanigas ang aking katawan, may pumasok na malamig na hangin. Siyay humihiyaw-hiya at nag-sisisigaw. Hindi ko maintindihan ang sinisigaw niya. Namutla ako na parang mamamatay.

Pinilit kong labanan ang kaniyang aura, sinigaw ko ang ganito “Isa kang mangkukulam!! Mangkukulam ka!! Layuan mo ako kung ayaw mong pumutok ang katabaan ng katawan mo!!.”

Umusok ang kaniyang katawan, kulay itim, mabaho ang amoy na hindi mo maintindihan. Kumaripas na ako ng takbo pabalik, palabas ng shortcut.

Lumiliwanag ang daan, galing sa kaitaasan. Naaninag ko na ang daan palabas. Ang bilis ng aking takbo, kumakaripas.

“Nasa anong uri ba ng lugar ako, bakit kakaiba ang mga nangyayari?”. “medyo nagagalak ako pakiramdam koy napatay ko ang mangkukulam”. Nakalabas na ako sa gubat, naaninag ko na muli ang siyudad puro ilaw at ang diretsong mahabang kalsada. Nang tumawid ako may nakasalubong akong isang lalaki, nagsalita siya at sinabing.

“Hindi mo dapat na dinaanan ang eskinitang iyon sapagkat sinumpa ang lugar na yun, Ililigaw ka sa gubat na pugad ng maraming mga mangkukulam, Wala nang iba pang nakalabas dun, silay ginawang hapunan ng mga mangkukulam at habang buhay na silang makukulong dun.”

Maya maya pa, naramdaman kong may kumalabog sa kusina. At akoy nagising sa panaginip. Hindi ko alam na panaginip lang pala yun. Sobrang nakakakilabot ang panaginip na yun, katulad ng isang bangungot.

Dumiretso ako sa kusina para uminom. Binuksan ko ang ref, kinuha ang malamig na tubig sa pitsel at uminom. Ang oras ay 12:30 ng medaling araw. Sa pagsara ko ng ref, tumingin ako sa taas.

Nakita ko ang aking uncle na nakabarong na puti at nakalutang sa taas ng refrigerator namin. Natumba ako sa sobrang takot, wala namang ibang tao sa bahay namin kundi ako lang. Nakatingin siya sa akin na parang nakangiti at unti unti siyang naglaho sa taas ng ref.

Kinabukasan nabalitaan ko, ang aking uncle ay patay na. Inatake siya sa puso sa kahabaan ng tour nila sa Zambales. Hindi na siya inabot na buhay sa Hospital.

Story by: erwinmilitar99@yahoo.com

Ang Pasyon ni Lola

Bata palang ako ng namulat na ako sa aming relihiyon, bininyagan kasi akong Katoliko. Malaking porsyento kasi ng mga Pilipino eh Roman Catholic. Di mawawala sa kanila ang tradisyong gumalang sa mga santo. Ang iba pinupunasan pa nila ng panyo. Ang iba pinapasan sa kanilang balikat.

May celebrasyon na tinatawag na Mahal na araw, uso na naman ang Pasyon. Inaalala nila ang pagkamatay ni kristo sa krus. Inilalabas nila ang mga rebulto at larawan ni kristo, naglalagay ng kandila sa altar, sinisindihan at binabasa ang bibliya na parang umaawit.

Isang dapit hapon kasama ko ang aking mga kaibigan na si Sarah at Mark labing isang taong gulang palang kami nung araw na yun. Naglalaro kami nang taguan nang may makita kaming isang malaking bahay na luma na, panahon pa ng mga kastila ang disenyo nito di kalayuan sa aming bahay.

Hindi namin maisip na may ganitong bahay pala dito sa subdibisyon na ganito ang disenyo at nag iisa lang ito sa maraming bahay.

Ako ang taya at kailangan kong hanapin sila Sarah. Nag-bilang ako ng isa hanggang sampo hanggang sa mawala sila Sarah at Mark. At oras na para hanapin ang mga kolokoy, pinasok ko ang malaking bahay na mukhang haunted house na walang pag aalinlangan. Nagbabakasakaling ma-taya ko ang aking mga kaibigan pero mukhang tahimik at walang sumasagot.

Nakita ko ang loob ng bahay, walang mga gamit at puro agiw sa kisame at medyo madilim. Mayamaya may narining akong tunog ng gitara na nag strum ng isang beses at nawala rin ang tunog. Gusto kong hanapin kong saan nagmula ang tunog.

Naglakad lakad ako at umakyat sa 2nd floor nito. Nakakatakot talaga ang loob ng matandang bahay na ito. Hinanap ko ang mga kaibigan ko pero parang wala namang tao sa loob.

At may nakita akong isang kwarto, may umaawit na pang pasyon sa loob na isang matanda, di ko maintindihan ang kanyang salita, pinasok ko ang kwarto. Bumungad sakin sa loob ng kwarto ang napakadaming Rebulto at larawan ng mga taong may ibat ibang mukha. Nakita ko rin ang mga kandilang kulay itim na may sindi. Nakakakilabot, nagsimula na akong manlamig at halos kulay violet na ang aking labi.

Nakita ko ang isang matandang babae na nakaluhod sa altar na may hawak na isang maliit na libro na parang bibliya pero ibang letra ang mga nakasulat. Bumubulong siya sa hangin na parang umaawit, di ko maintindihan ang salita na ginagamit niya, parang kastila o latin pero alam kong nagpapasyon siya.

Ang matanda ay lumingon sa akin. Siyay nakatalukbong ng itim, at sobrang kulukulubot na ang balat. Nakakatakot ang mga mata nito.

Akoy takot na takot at nanlalamig, at di makagalaw. Gusto kong tumakbo palabas pero hindi ako makagalaw at hinihigop ako papasok ng dahan dahan at parang may nagpipilit sakin na tumingin sa isang krus.

Isang Tao ang nakapako sa krus kulay itim ang mukha nito at maiksi ang buhok, nakasulat ang aking pangalan sa uluhan ng krus, nakalagay rin ang date ng birthday ko at isa pang date pero napakalabo at di ko mabasa, ang nabasa ko lang na word eh “Date Died:”

Pinipilit ko ang aking sariling makagalaw pero hinihigop ako ng altar papalapit sa matandang babaeng naka itim.

“Wag po! Wag po!! Ayaw ko pang mamatay!” akoy napasigaw sa takot hanggang sa madampi ko na ang kamay ng matandang babae na nag sasabing “Halika!! Halika!!” na ang boses niya ay parang isang ugong na nanggaling sa di ko malamang napakalalim at nakakatakot na lugar. Napakalamig ng kamay nito na parang multo ng isang kaluluwang patay na. Pinipilit ako ng matandang babae na magmano sa kanya sa harap ng altar.

Sabi ng nanay ko pag nasa bingit daw ako ng panganib o sa nakakatakot na lugar banggitin ko daw ang pangalan ni Kristo. Binanggit ko ang pangalan ni Kristo ng tatlong beses “Dios ko, Tulungan nyo po ako!” at unti unting uminit at lumuwag ang pakiramdam ko at nakatakas ako sa kamay ng matandang babae.

Kumaripas ako ng takbo pababa ng 2nd floor at takbo takbong lumabas palayo sa matandang bahay na inaamag na. Hindi ko na inisip na hanapin ko pa ang aking mga kaibigan.

Nang nakalabas na ako dinungaw ko ang matandang bahay at napansin ko na parang palabo ng palabo ang bahay hanggang sa naging transparent at nawala na parang bula.

Maya maya natagpuan ako ng aking mga kaibigan at sinabi sa akin.”Hoy Mathew, nandito ka lang pala? hinahanap ka na ng mama mo, isang araw ka nang nawawala!” nabigla ako sa sinabi nila, eh parang 10 minuto lang ang mga nangyari nung nasa loob ako ng matandang bahay eh. Hindi pa rin ako makapag salita hanggang sa dinala ako sa bahay namin at konti konti kong ikinuwento ang lahat sa kanila.

May nagkuwento rin sa amin na ang matandang bahay daw na iyon ay 50 years ng giniba dahil araw araw may nagpapakitang ligaw na kaluluwa ng isang matanda doon. Sa paglipas nang araw pinaganda ang lugar at ginawang subdibisyon. At matapos nun wala nang ibang balita pa tungkol sa matandang babae.

Story by: erwinmilitar99@yahoo.com

Biyernes, Nobyembre 16, 2012

Santa Monica: A Filipino Ghost Story Chapter VIII: Simbahan


Alas singko y medya, Martes.

Matumal ang daloy ng tao sa buong Santa Monica. Maagang nagsisiuwian ang mga tao, tila ba ay mayroon silang kinakatakutan.

Tuwing alas kwatro y medya hanggang ala sais ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes ang schedule ng pangungumpisal sa simbahan ng Santa Monica, ngunit sa tingin ni Father Castelo ay maaga siyang matatapos sa araw na iyon. Alas singko pa lamang ay halos wala nang tao sa harap ng simbahan, at ang ilang mga natitira ay nagsisimula nang magsialisan.

Dalawa lamang ang pari sa simbahan ng Santa Monica, at sa hapong iyon ay wala ang kasamahan ni Father Castelo at siya lamang ang nagpapa-kumpisal. Kakatapos lamang ng isang parokyanong mangumpisal, at paglabas nito ay sinilip ni Father Castelo sa kurtina kung ilan pa ang mga nakapila. Ang kalalabas lamang na nangumpisal ay dumiretso sa harap ng altar at lumuhod upang magdasal. Maliban dito ay may isang babaeng nakasuot ng puting belo na lamang ang nakapila para mangumpisal.

Ang babae ay tumayo mula sa kinauupuan nito at nagsimulang maglakad patungo sa confession booth.
Isinara ni Father Castelo ang kurtina at hinintay ang pag pasok ng matandang babae.

Pumasok ang babae at agad sinabing“ Tulungan niyo po ako padre.” Ang tinig nito tila ba ay puno ng pangamba, pagkabalisa at pagkatakot. Nagulat ang pari pagkat mukhang hindi pangkaraniwan ang babae.

“Sige, anak, sabihin mo kung ano ang iyong problema.” Bagamat ay medyo nagtataka, pinilit ni Father Castelo na magsalita ng malumanay para pakalmahin ang balisang babae.

“Pinatay ko po ang aking asawa.”

Nagulat ang pari at bahagyang natahimik sa sinabi ng babae.

“Tulungan niyo po ako, padre. Paano po ako patatawarin ng mahal na Panginoon?”

Hindi agad nakapagsalita si Father Castelo dahil sa mga rebelasyon ng babae. Ngunit di nagtagal ay pinilit nitong sagutin ang matandang babae. “Anak, sa mata ng Diyos, lahat tayo ay pantay pantay. Mahal Niya tayong lahat, at lahat tayo ay may espesyal na puwang sa Kanyang puso.”

“Dahil sa pag ibig sa atin ng Diyos, walang kasalanan ang hindi Niya kayang patawarin. Ngunit may mga bagay tayong—”

“Pero padre, nakapatay po ako ng tao. Pinatay ko po ang asawa ko!” Biglang sabat ng babae. “Ayoko ko pong mapunta sa impyerno, padre, tulungan niyo po ako, iligtas niyo po ako!” Dumating sa punto na binuksan ng babae ang kurtina ng screen sa pagitan nila ng pari at sinubukang abutin si Father Castelo. Ang mga kamay nito ay nakadiin sa screen.

“Anak, kumalma ka lam--”

“25 taon ko na po siyang asawa, at sa loob ng mga panahong iyon ay hindi siya tumigil sa panloloko sa akin. Maiintindihan naman po siguro ako ng Diyos, di ba po? Di ba?” nawawalan na ng kontrol sa sarili ang babae.

Sa sobrang pagkagulat ay walang nasambit si Father Castelo at tiningnan lamang ang babae, ang mga mata nito ay nanlalake sa takot.

“Bakit hindi kayo sumasagot, padre, bakit? Bakit!?” nagiging histerikal na ang babae. “BAKIT?” sigaw ng babae.

Nanigas sa pagkatakot si Father Castelo pagkat naalala niya ang insidenteng nangyari sa simbahan tatlong taon na ang nakaraan.

Isang hapon noong 2007 ay may isang matandang babaeng may kapayatan ang pumunta sa simbahan upang mangumpisal, parehong pareho ang deskripsyon nito sa kasalukuyang nangungumpisal kay Father Castelo.
Ang babaeng nangungumpisal noon ay mukha ring balisa at wala sa sarili. Ayon sa mga nakakita ay pumasok ang babae sa confession booth at wala namang iregular na nangyari noong una. Ngunit di nagtagal ay narinig na lamang nila ang pagsigaw ng babae na tila ba ay nababaliw na ito.

Mabilis ang sumunod na mga nangyari; lumabas sa booth ang babae at pumasok sa kung saan nakaupo ang pari at sinabing “Kung hindi niyo ako matutulungan, father, samahan niyo nalang ako sa impyerno!” At saka bumunot ng kutsilyo mula sa isang maliit na bag at sinaksak ang pari sa puso. Pagkatapos ay nilaslas nito ang sarili niyang leeg. Parehong namatay ang babae at ang pari. Samantala, ang sinasabing asawa ng babae ay natagpuang nakalibing sa likuran ng bahay nila, ang katawan ay pinagpuputol at ibinalot sa sako ng basura.
Isang taon pa lamang si Father Castelo sa simbahan ng Santa Monica ngunit marami na itong nalalaman sa bayan. Isa ang kwento tungkol sa babaeng nakapatay ng pari sa mga pinaka-tumatak sa isip ni Father Castelo. Dahil sa takot ay medyo nanakit ang dibdib ng pari.

Sa dalawampung taong paninilbihan ni Father Castelo sa simbahang katolika, sa Santa Monica lamang siya aktwal na natakot sa mga masasamang elemento.

Di nagtagal ay narinig niyang binuksan ng babae sa kabilang panig ng booth ang kurtina at lumabas ito. Halos di na makahinga si Father Castelo sa kaba sa kung anong sunod na mangyayari.

Ilang Segundo pa ang lumipas at bigla na lamang may nagbukas sa kurtina kung saan naka upo ang pari.
“Father Castelo? Ayos lang po ba kayo?” sabi ni Lola Perla sa pari. Pawisan, mabilis ang paghinga, at namumula ito sa takot.

***

“Father, nangangamba po ako para sa Santa Monica.” Sabi ni Lola Perla kay Father Castelo.

Batid ni Father Castelo kung ano ang nangyari sa Santa Monica tatlong dekada na ang lumipas. Ang Santa Monica ay binubuo ng mga relihiyosong tao, kaya pakiramdam ng mga matatandang taga-Santa Monica na dapat ipaalam sa mga nagiging pari sa bayan ang nangyari noong 1980.

Inimbitahan ni Father Castelo si Lola Perla na pumunta sa tirahan nito sa likod ng simbahan at mag-kape.
“Bakit naman po, Aling Perla?” tanong ng pari.

“Ang mga signos po, ang mga bulung bulungan ng mga taong bayan. Sigurado po akong nangyari na ito dati. Ang pulang buwan, ang mga hindi maipaliwanag na mga pangitain. Hindi ko po mapigilang mangamba. Parang nangyayari ulit ang mga nangyari noong 1980 dito sa bayan.” Sabi ni Lola Perla.

Hindi agad nagsalita sa Father Castelo, pagkat sa dalawang dekada niyang pagiging pari ay kailanman hindi pa siya nakakita ng multo, demonyo, o iba pang mga supernatural na mga bagay, ngunit nitong hapon lamang ay halos mamatay na siya sa takot. Kakaiba ang bayang ito, kakaiba talaga ang Santa Monica, sabi nito sa kanyang isip.

“Alam mo, Aling Perla, ang mga mangyayari ay mangyayari. Lahat ito ay alam ng Diyos, at naniniwala akong hindi Niya pababayaan ang mga tao dito sa Santa Monica.”

“Wag kang mag alala, Aling Perla, magiging maayos ang din ang lahat.” Ngunit hindi lubos na naniniwala si Father Castelo sa kanyang mga sinabi. Bagamat ay buo ang paniniwala at tiwala ng pari sa Diyos ay, hindi pa rin niya maikakaila na minsan talaga ay may mga masamang nangyayari, maaring hindi gawa o pinahintulutan ng Diyos, ngunit ng mga maiitim na puso ng mga tao.

***

Alas siyete ng gabi.

Mag isa lamang si Steve sa kanilang tahanan. Tumawag ang kanyang Lola Perla bandang mga alas singko y medya at nagsabing mahuhuli ito ng uwi pagkat mayroon itong mga dadaanan.

Nanonood lamang si Steve ng TV at nag iisip tungkol sa susunod niyang hakbang upang subukang pigilan ang masamang mangyayari sa Santa Monica.

Simula Miyerkules hanggang Biyernes ay kanselado na ang mga klase sa Santa Monica High School pagkat paghahandaan ng mga guro at mga estudyante ang nalalapit na prom night sa Sabado; ang mga dekorasyon, mga presentasyon at mga sayaw at iba pang mga bagay tungkol sa programa.

Bagamat ay ililista pa rin ang attendance ng mga estudyante (kakailanganin sila sa pag aayos para sa prom night at mga pag eensayo sa mga sayaw) ay planado na ni Steve ang kanyang mga gagawin sa mga susunod na araw. Sa pagpatak ng alas dose ng madaling araw ay tutungo ang binata sa La Oscuridad. Pag nakakuha siya ng sagot mula sa kakahuyan ay ibubuhos niya ang nalalabing oras upang pigilan ang kaaway na hindi niya batid kung sino, at kung saan at kalian ito aatake.

Alam niyang delikadong pumunta sa kakahuyan sa mga ganoong oras, pero wala siyang ibang mapagpipilian. Kapag umalis siya kung kalian ay gising pa o nasa bahay ang kanyang lola ay wala siyang magagawa kundi aminin ang totoo o mag-sinungaling, parehong bagay na ayaw niyang gawin. Hindi niya rin naman pwedeng ipagpabukas ang pagpunta sa kakahuyan dahil pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng oras.

***

Alas diyes ng gabi.

Nakahiga na si Ella at handa nang matulog ng mag isa sa kanyang kwarto. Bagamat ay may alinlangan, pinipilit pa rin ni Ella na maging matapang. Nag-alok ang yaya ni Ella na siya ay samahan ngunit kanya itong tinanggihan.

Nagdasal muna si Ella bago niya pinatay ang bedside lamp. Kahit na siya ay medyo natatakot, ipinikit ni Ella ang kanyang mga mata at nagsimula na siyang matulog.

***

Alas onse ng gabi.

Nagising si Olivia ng malalakas na pagkatok mula sa pintuan ng “red house”. Kahit na inaantok pa ay tumayo si Olivia sa kanyang higaan. Madilim na sa buong bahay at hindi na siya nag abala pa na magbukas ng mga ilaw pagkat kabisado niya na rin naman ang mga pasikot sikot sa bahay.

Habang naglalakad sa may dining area ng bahay ay parang may naramdaman siyang “presence” ng ibang tao, pero dahil may kumakatok ay hindi niya na lang ito pinansin.

“Olivia!” pagtawag ng isang lalake mula sa labas.

Binuksan ni Olivia ang pintuan.

“Dr. Mark?” sabi ni Olivia nang makita niya ang doktor.

“Olivia,” sabi ni Dr. Mark, bakas sa mukha nito ang pagka-sabik na makita si Olivia.

“Anong meron at naparito ka? Ang lalim ng gabi ah?” sabi ni Olivia. Bagamat ay nagtataka, sa kalooblooban niya ay natutuwa siyang makita muli ang doktor. “Ayos ka lang ba, Dr. Mark?”

“Mark na lang ang itawag mo sa akin, Olivia.” Sabi ng doktor, hindi niya mapigilang ngumiti dahil nasa harap niya muli si Olivia. “Yayayain sana kitang pumunta sa karatig bayan, sa Santa Theresa.”

Binuksan ni Olivia ang ilaw at inimbitahan si Dr. Mark sa loob.

“Upo ka. Dr. Mark…Este, Mark, gusto mo ba ng kape? Soft drinks?” sabi ni Olivia. Hindi niya alam kung bakit pero tuwing kasama niya si Dr. Mark, parang sumasabog ang kanyang puso sa tuwa.

“Ah, okay lang ako.” Sabi ni Dr. Mark. Umupo silang dalawa sa sofa at nag usap.

“Ano nga palang meron sa Santa Theresa at nagyayaya kang pumunta roon ng ganitong oras?” tanong ni Olivia.

“Naistorbo ba kita? Pasensya na—”

“Hindi ayos lang. So, ano nga bang meron doon?”

“Bisperas ngayon ng pista sa Santa Theresa, at tuwing bisperas ng gabi ay nagkakaroon doon ng sayawan, kainan, at iba pang mga pagdiriwang. Isa sa mga pinaka-dinarayo sa Santa Theresa ay ang magarbo nilang mga fireworks tuwing hatinggabi bago ang pista. At naisip ko lang naman dahil off duty naman ako ngayon, at narito ka sa lugar na malayo sa kung saan ka nakatira para mag-relax, na baka gusto mong sumama. May sasakyan naman ako, so pwede tayong pumunta o umalis sa Santa Theresa kung kalian natin gusto…”

Hindi agad nakasagot si Olivia. Itinatago lamang ni Olivia ang nararamdaman, pero sabik itong makasama si Dr. Mark.

“Pero kung ayaw mo, ayos lang rin naman.” Sabi ni Dr. Mark nang hindi agad nakasagot si Olivia.

“Ay, hindi. Gusto ko rin. Sasama ako, Mark.”

Napangiti si Dr. Mark sa narinig.

***

Alas dose ng madaling araw, Miyerkules.

Tulog na si Lola Perla at tahimik na sa buong bahay. Kakagising lang ni Steve. Handa na ang kanyang mga gamit at planado na niya ang kanyang mga gagawin.

Tahimik na lumabas si Steve sa kwarto at sa bahay. Tutungo na siya sa kakahuyan ng La Oscuridad.

***

“Ella…Ella…Ella…”

Nagising si Ella dahil sa kanyang narinig. Pero imbes na matakot ay tila ba napakalma pa siya ng misteryosong tinig.

Bumangon si Ella sa kanyang higaan at sinundan ang tinig na tumatawag sa kanyang pangalan.

Naglakad siya at sinundan ang tumatawag sa kanya. Hindi niya alam kung sino ito o kung bakit, pero ang bulong sa kanya ng kanyang isip ay dapat niyang sundan ang misteryosong tinig.

Wala si Ella sa kanyang sarili, at kung saan man siya dalhin ng misteryosong tinig, tadhana na ang huhusga kung ano ang maghihintay sa kanya roon.


Chapter IX: La Oscuridad of Santa Monica: A Filipino Ghost Story is already available on Wattpad. Click here to read in advance.

Miyerkules, Oktubre 31, 2012

Santa Monica: A Filipino Ghost Story Chapter VII: Ang Larawan


Alas kwatro ng hapon, Martes.

g hindi pinasukan pagkat abala siya sa paghahanap ng mga diyaryo o artikulo tungkol sa taong 1980 ng Santa Monica.

Kahit gaano katikom at kahit gaanong pilit na itinatago ng mga taga Santa Monica ang nangyari sa bayan noong dekada otsenta ay, dahil na rin sa espesyal na talento ni Steve, alam niyang mayroong nangyari noon, at ang mga nangyari noon ay direktang konektado sa mga nangyayari ngayon sa Santa Monica. Alam ni Steve na may alam ang kanyang lola, ngunit pinili niyang hindi magtanong pagkat ayaw niya itong matakot.

Halos nasuyod na niya ang buong silid aklatan ngunit kahit isang artikulo o kwento man lamang tungkol sa dekada otsenta ng Santa Monica ay wala siyang nahanap. Nang sinubukan niyang tanungin ang librarian ay binigyan lamang siya nito ng blangkong ekspresyon at sinabing wala nang natirang mga dokumento sa library tungkol sa taong 1980 pagkat nasunog itong lahat sa taong 1981.

Pero alam ni Steve na nagsisinungaling ang librarian. Gayun pa man ay hindi niya na ito pinilit na magbigay ng impormasyon.

May isa pang librarian sa library na parang nag aayos ng mga libro sa mga shelves. Lalapitan na sana ito ni Steve, ngunit napansin niyang hindi na natatanaw ang mga paa ng librarian at ito ay isa lamang aparisyon ng taong yumao na.

Dismayado, paalis na sana si Steve sa library nang masilayan niya ang isang malaking larawan sa may pader ng malaking silid aklatan. Agad siyang nagkaroon ng “pakiramdam” tungkol sa larawan, at maaring nasa larawang iyon lamang ang natatangi niyang pag-asa upang malaman ang mga nangyari noon sa Santa Monica…o upang mapigilan ang nagbabadyang panganib sa bayan.

***

Mag isa si Dr. Mark sa kanyang kwarto sa ospital ng Santa Monica. Nakabukas ang TV ngunit ang kanyang isipan ay wala sa kanyang pinapanood. Iniisip niya pa rin ang sinabi ng nurse na si Raymond tungkol sa mga narinig nitong nag uusap sa kanyang kwarto bago siya bumalik sa ospital.

Bilang isang doktor at alagad ng siyensya ay hindi naniniwala si Dr. Mark sa mga multo at iba pang mga superstisyon na popular sa mga Pilipino. Ngunit sa mga naririnig niyang mga kwento sa nagdaang mga araw ay nagdadalawang isip na ang doktor sa kanyang mga paniniwala.

“Maaring niloloko lamang ako ni Raymond, pero paano kung hindi?” tanong niya sa sarili.

Di naglaon ay nakaramdam ng pagka-antok ang doktor. Napahiga siya sa sofa na kanyang kinauupuan. Maiidlip na sana siya ng bigla na lamang siyang may narinig na pag-hagikhik na parang nagmula sa isang batang babae sa likod ng kanyang sofa. Agad na napatayo ang doktor at tinignan kung kanino nagmula ang tunog.

Sa likod ng sofa ay may nakita siyang isang batang babaeng naka-damit pang-pasyente ng ospital.

Nagulat ang doktor sa kanyang nasilayan. Hindi siya makapaniwala. Walang salita ang lumabas sa kanyang bibig at ilang segundo siyang natulala sa batang babae.

Tumingin sa kanya ang batang babae at nakangiti pa rin ito at tumatawa. Kung tutuusin ay walang nakakatakot sa batang babae. Maliban na lang na pasyente ito ni Dr. Mark. May leukemia ang bata at sumakabilang buhay ito tatlong araw na ang lumipas.

“Doktor?” may narinig siyang pagkatok mula sa pintuan ng kanyang kwarto. “Dr. Mark?”

Napatingin si Dr. Mark sa may pintuan at sinabing “Bukas yan.” Nang muling tiningnan ng doktor ang likod ng sofa ay wala na ang batang babae.


***

Ang larawan na nakita ni Steve sa library ay tungkol sa mayor ng Santa Monica na nagsilbi sa loob ng halos dalawang dekada, mula 1965 hanggang 1985, si Sebastian Santos. Ang dating alkalde ay nakuhaan na nakangiti habang nagtatanim ng puno para sa isang pang-kalikasang proyekto sa Santa Monica noong taong 1980. May pirma pa ng dating mayor sa may bandang ibaba ang larawan, katabi ang petsa kung kalian kinuha ang litrato.

Pamilyar si Steve sa pangalang “Sebastian Santos” pagkat kilala pa rin ang mga Santos sa Santa Monica sa kasalukuyang panahon, bagkus ay wala na sa kanilang pamilya ang gobyerno sa bayan. 2003 nang pumanaw ang isa sa mga itinuturing na pinaka-magagaling na mayor ng Santa Monica.

Ngunit ang pinagmulan ng “bisyon” ni Steve sa larawan ay hindi tungkol sa alkalde. Ito ay tungkol sa kung nasaan ang dating mayor; nasa kakahuyan ito ng La Oscuridad, na nasa hilagang bahagi ng Santa Monica.

Ayon sa “instinct” ni Steve, maaring nasa La Oscuridad ang sagot sa kanyang mga katanungan.

Nabuhayan ng loob si Steve dahil sa clue na kanyang nakuha. Pag tingin niya sa orasan ng library ay doon lamang niya nalaman na labasan na pala. 4:30 na nang hapon.

Agad niyang nilisan ang silid aklatan at nagmadali siyang bumalik sa kanilang classroom pagkat naroon pa ang kanyang mga gamit.

***

Nang dumating si Steve sa classroom ay wala na ang kanyang mga kaklase. Kinuha niya ang kanyang bag at nagmadali siyang umuwi.

Pag baba niya ay halos wala ng tao sa loob ng paaralan. Sa mga ganitong oras dati ay marami pa rin ang mga estudyante sa quadrangle, ngunit sa nakikita ni Steve ay mangilan ngilan nalang ang mga tao. Napaisip tuloy si Steve na marahil ay maaga nang umuuwi ang mga estudyante dahil sa mga di maipaliwanag na pangyayari sa Santa Monica.

Dahil doon ay naalala ni Steve si Josephine, ang high school student na natagpuan niyang walang malay sa 2nd floor ng MQ building. Ayon sa kanilang guro ay nakauwi na si Josephine sa kanilang bahay at babalik ito sa paaralan sa susunod na linggo.

Bagamat dati ay kinailangan ni Steve na kausapin si Josephine tungkol sa nakita nito noong hapon ng Lunes, ngayon ay hindi na. Kani-kanina lamang ng paakyat si Steve ay nalaman niya kung ano ang nakita ni Josephine, kung sino ito, at kung ano ang itsura nito.

Nagkaroon si Steve ng pangitain sa pangalawang palapag ng MQ building. Hindi niya nakita ang “multo”, ngunit sa kanyang isip, nakita niya lahat ng nangyari.

Ang pangalan ng estudyante ay Rico, running for valedictorian sana ito ng batch 1964 ng Santa Monica high school. Ngunit isang hapon, napag-tripan ito ng tatlo niyang mga kaklase. Walang ideya ang mga estudyante, mga guro, at mga pulis noon sa kung sino ang gumawa ng karumaldumal na bagay kay Rico.

Ang katawan ni Rico ay natagpuan sa CR ng mga babae sa pangalawang palapag ng MQ building. Maraming hiwa ng matatalas na bagay ang katawan ni Rico, bugbog sarado ito at nakatahi ang labi.

Imbes na matakot ay matinding pagka-lungkot at pagkaawa ang naramdaman ni Steve para kay Rico, lalo na’t hanggang ngayon ay hindi pa tumatawid sa kabilang banda ang kaluluwa nito.

Habang naglalakad sa quadrangle ay nakita ni Steve si Ella sa may gate ng paaralan. Walang kasama si Ella at pawang nakatayo lamang at may hinihintay.

“Si Ella!” bulong ni Steve sa sarili. “Ito na ang pagkakataon kong kausapin siya!”
Binilisan ni Steve ang paglalakad, halos tumatakbo na siya patungo sa dalaga. Pero habang naglalakad ay may napansin siyang isang lukot na papel sa ground ng quadrangle. Tumigil siya sa paglalakad at pinulot ang papel pagkat naramdaman niyang kailangan niya itong mabasa.

Binuksan niya ang lukot na papel at laking gulat na lamang niya sa nakita.

“Mas humahaba ang buhay ng mga taong hindi masyadong mahilig makialam.”

Ganung ganun ang sinabi sa kanya ng kahinahinalang lalakeng sumunod sa kanya noong Lunes ng gabi. At ang pahina ng papel ay kay Ella, nabatid ni Steve.
Pagtingin niya sa gate ay naroon pa rin si Ella at marahil ay hinihintay pa rin ang sundo nito. Agad na tumakbo si Steve, halos sigurado na siya na may nalalaman si Ella.

Ngunit bago pa man niya marating ang kinaroroonan ni Ella ay napatigil nanaman si Steve.

“Steve! Saan ka pupunta? Nagmamadali ka ah?” sabi ng isang binata.

Pag lingon ni Steve ay nakita niya si Deo Paul, isa sa kanyang mga kaibigan sa paaralan.

“Deo Paul?” medyo hinihingal pa si Steve.

“Bat di ka naka-uniform? Hindi ka ba pumasok?”

“Ah wala.  Saan ka pupunta, Steve? Hingal na hingal ka ah?” sabi ni Deo Paul na nakangiti pa.

“Pasensya na, pare, wrong timing lang. Nagmamadali ako eh.”

Paalis na sana si Steve, ngunit biglang kinuha ni Deo Paul ang papel na kanyang hawak. “Oy, ano to?”

“Deo!” sabi ni Steve habang sinusubukang kunin ang papel. “Akin na yan!”

“Teka lang, pare. ‘Mas humahaba ang buhay ng mga taong hindi masyadong mahilig makialam.’ Ano to? Ikaw ba nagsulat nito?”

“Hindi. Pero pare, akin na yan. Next time ko na lang ipapaliwanag sayo.”

Ibinalik ni Deo Paul ang papel. “Kaduda-duda ka ngayon ah.” Natatawang sabi ni Deo Paul.

Hindi sumagot si Steve. Muli na sana siyang tatakbo ngunit pag tingin niya sa may gate ay wala na si Ella.

 “Kainis.” Sambit ni Steve sa sarili.

Chapter VIII: Simbahan of Santa Monica: A Filipino Ghost Story is already available on Wattpad. Click here to read in advance.

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Your Ad Here

Disclaimer

The pictures and videos posted here in PHS aren't our properties unless stated. We get pictures and videos from the internet and post it here. Some stories also came from the internet and we carefully credit the stories to its respectful owners or sources. However, if you have or if you own something here in PHS, you can tell us to remove it and we will do so if we have confirmed that you're the owner. Tell us at pinoyhorrorstories@gmail.com

Some stories/videos/pictures of PHS are properties of PHS. It can be written by PHS authors, or submitted by a PHS reader.

We allow the readers to share the posts and stories posted here in PHS to other websites as long as they properly SOURCE or CREDIT the story to us.

STORIES, VIDEOS, OR PICTURES that are posted here can either be FICTIONAL or a REAL ENCOUNTER.

WE ARE TERRIBLY SORRY FOR SOME MINOR GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS IN THIS BLOG. WE ARE NOT PROFESSIONAL WRITERS, WE HOPE YOU UNDERSTAND. THANK YOU.

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP