COPYING, REPOSTING, SHARING, AND EXPORTING POSTS FROM PINOY HORROR STORIES TO OTHER WEBSITES OR FORUMS ARE ALLOWED AS LONG AS YOU PROPERLY CREDIT IT TO US. THANK YOU AND GOD BLESS!

Share

Miyerkules, Oktubre 31, 2012

Santa Monica: A Filipino Ghost Story Chapter VII: Ang Larawan


Alas kwatro ng hapon, Martes.

g hindi pinasukan pagkat abala siya sa paghahanap ng mga diyaryo o artikulo tungkol sa taong 1980 ng Santa Monica.

Kahit gaano katikom at kahit gaanong pilit na itinatago ng mga taga Santa Monica ang nangyari sa bayan noong dekada otsenta ay, dahil na rin sa espesyal na talento ni Steve, alam niyang mayroong nangyari noon, at ang mga nangyari noon ay direktang konektado sa mga nangyayari ngayon sa Santa Monica. Alam ni Steve na may alam ang kanyang lola, ngunit pinili niyang hindi magtanong pagkat ayaw niya itong matakot.

Halos nasuyod na niya ang buong silid aklatan ngunit kahit isang artikulo o kwento man lamang tungkol sa dekada otsenta ng Santa Monica ay wala siyang nahanap. Nang sinubukan niyang tanungin ang librarian ay binigyan lamang siya nito ng blangkong ekspresyon at sinabing wala nang natirang mga dokumento sa library tungkol sa taong 1980 pagkat nasunog itong lahat sa taong 1981.

Pero alam ni Steve na nagsisinungaling ang librarian. Gayun pa man ay hindi niya na ito pinilit na magbigay ng impormasyon.

May isa pang librarian sa library na parang nag aayos ng mga libro sa mga shelves. Lalapitan na sana ito ni Steve, ngunit napansin niyang hindi na natatanaw ang mga paa ng librarian at ito ay isa lamang aparisyon ng taong yumao na.

Dismayado, paalis na sana si Steve sa library nang masilayan niya ang isang malaking larawan sa may pader ng malaking silid aklatan. Agad siyang nagkaroon ng “pakiramdam” tungkol sa larawan, at maaring nasa larawang iyon lamang ang natatangi niyang pag-asa upang malaman ang mga nangyari noon sa Santa Monica…o upang mapigilan ang nagbabadyang panganib sa bayan.

***

Mag isa si Dr. Mark sa kanyang kwarto sa ospital ng Santa Monica. Nakabukas ang TV ngunit ang kanyang isipan ay wala sa kanyang pinapanood. Iniisip niya pa rin ang sinabi ng nurse na si Raymond tungkol sa mga narinig nitong nag uusap sa kanyang kwarto bago siya bumalik sa ospital.

Bilang isang doktor at alagad ng siyensya ay hindi naniniwala si Dr. Mark sa mga multo at iba pang mga superstisyon na popular sa mga Pilipino. Ngunit sa mga naririnig niyang mga kwento sa nagdaang mga araw ay nagdadalawang isip na ang doktor sa kanyang mga paniniwala.

“Maaring niloloko lamang ako ni Raymond, pero paano kung hindi?” tanong niya sa sarili.

Di naglaon ay nakaramdam ng pagka-antok ang doktor. Napahiga siya sa sofa na kanyang kinauupuan. Maiidlip na sana siya ng bigla na lamang siyang may narinig na pag-hagikhik na parang nagmula sa isang batang babae sa likod ng kanyang sofa. Agad na napatayo ang doktor at tinignan kung kanino nagmula ang tunog.

Sa likod ng sofa ay may nakita siyang isang batang babaeng naka-damit pang-pasyente ng ospital.

Nagulat ang doktor sa kanyang nasilayan. Hindi siya makapaniwala. Walang salita ang lumabas sa kanyang bibig at ilang segundo siyang natulala sa batang babae.

Tumingin sa kanya ang batang babae at nakangiti pa rin ito at tumatawa. Kung tutuusin ay walang nakakatakot sa batang babae. Maliban na lang na pasyente ito ni Dr. Mark. May leukemia ang bata at sumakabilang buhay ito tatlong araw na ang lumipas.

“Doktor?” may narinig siyang pagkatok mula sa pintuan ng kanyang kwarto. “Dr. Mark?”

Napatingin si Dr. Mark sa may pintuan at sinabing “Bukas yan.” Nang muling tiningnan ng doktor ang likod ng sofa ay wala na ang batang babae.


***

Ang larawan na nakita ni Steve sa library ay tungkol sa mayor ng Santa Monica na nagsilbi sa loob ng halos dalawang dekada, mula 1965 hanggang 1985, si Sebastian Santos. Ang dating alkalde ay nakuhaan na nakangiti habang nagtatanim ng puno para sa isang pang-kalikasang proyekto sa Santa Monica noong taong 1980. May pirma pa ng dating mayor sa may bandang ibaba ang larawan, katabi ang petsa kung kalian kinuha ang litrato.

Pamilyar si Steve sa pangalang “Sebastian Santos” pagkat kilala pa rin ang mga Santos sa Santa Monica sa kasalukuyang panahon, bagkus ay wala na sa kanilang pamilya ang gobyerno sa bayan. 2003 nang pumanaw ang isa sa mga itinuturing na pinaka-magagaling na mayor ng Santa Monica.

Ngunit ang pinagmulan ng “bisyon” ni Steve sa larawan ay hindi tungkol sa alkalde. Ito ay tungkol sa kung nasaan ang dating mayor; nasa kakahuyan ito ng La Oscuridad, na nasa hilagang bahagi ng Santa Monica.

Ayon sa “instinct” ni Steve, maaring nasa La Oscuridad ang sagot sa kanyang mga katanungan.

Nabuhayan ng loob si Steve dahil sa clue na kanyang nakuha. Pag tingin niya sa orasan ng library ay doon lamang niya nalaman na labasan na pala. 4:30 na nang hapon.

Agad niyang nilisan ang silid aklatan at nagmadali siyang bumalik sa kanilang classroom pagkat naroon pa ang kanyang mga gamit.

***

Nang dumating si Steve sa classroom ay wala na ang kanyang mga kaklase. Kinuha niya ang kanyang bag at nagmadali siyang umuwi.

Pag baba niya ay halos wala ng tao sa loob ng paaralan. Sa mga ganitong oras dati ay marami pa rin ang mga estudyante sa quadrangle, ngunit sa nakikita ni Steve ay mangilan ngilan nalang ang mga tao. Napaisip tuloy si Steve na marahil ay maaga nang umuuwi ang mga estudyante dahil sa mga di maipaliwanag na pangyayari sa Santa Monica.

Dahil doon ay naalala ni Steve si Josephine, ang high school student na natagpuan niyang walang malay sa 2nd floor ng MQ building. Ayon sa kanilang guro ay nakauwi na si Josephine sa kanilang bahay at babalik ito sa paaralan sa susunod na linggo.

Bagamat dati ay kinailangan ni Steve na kausapin si Josephine tungkol sa nakita nito noong hapon ng Lunes, ngayon ay hindi na. Kani-kanina lamang ng paakyat si Steve ay nalaman niya kung ano ang nakita ni Josephine, kung sino ito, at kung ano ang itsura nito.

Nagkaroon si Steve ng pangitain sa pangalawang palapag ng MQ building. Hindi niya nakita ang “multo”, ngunit sa kanyang isip, nakita niya lahat ng nangyari.

Ang pangalan ng estudyante ay Rico, running for valedictorian sana ito ng batch 1964 ng Santa Monica high school. Ngunit isang hapon, napag-tripan ito ng tatlo niyang mga kaklase. Walang ideya ang mga estudyante, mga guro, at mga pulis noon sa kung sino ang gumawa ng karumaldumal na bagay kay Rico.

Ang katawan ni Rico ay natagpuan sa CR ng mga babae sa pangalawang palapag ng MQ building. Maraming hiwa ng matatalas na bagay ang katawan ni Rico, bugbog sarado ito at nakatahi ang labi.

Imbes na matakot ay matinding pagka-lungkot at pagkaawa ang naramdaman ni Steve para kay Rico, lalo na’t hanggang ngayon ay hindi pa tumatawid sa kabilang banda ang kaluluwa nito.

Habang naglalakad sa quadrangle ay nakita ni Steve si Ella sa may gate ng paaralan. Walang kasama si Ella at pawang nakatayo lamang at may hinihintay.

“Si Ella!” bulong ni Steve sa sarili. “Ito na ang pagkakataon kong kausapin siya!”
Binilisan ni Steve ang paglalakad, halos tumatakbo na siya patungo sa dalaga. Pero habang naglalakad ay may napansin siyang isang lukot na papel sa ground ng quadrangle. Tumigil siya sa paglalakad at pinulot ang papel pagkat naramdaman niyang kailangan niya itong mabasa.

Binuksan niya ang lukot na papel at laking gulat na lamang niya sa nakita.

“Mas humahaba ang buhay ng mga taong hindi masyadong mahilig makialam.”

Ganung ganun ang sinabi sa kanya ng kahinahinalang lalakeng sumunod sa kanya noong Lunes ng gabi. At ang pahina ng papel ay kay Ella, nabatid ni Steve.
Pagtingin niya sa gate ay naroon pa rin si Ella at marahil ay hinihintay pa rin ang sundo nito. Agad na tumakbo si Steve, halos sigurado na siya na may nalalaman si Ella.

Ngunit bago pa man niya marating ang kinaroroonan ni Ella ay napatigil nanaman si Steve.

“Steve! Saan ka pupunta? Nagmamadali ka ah?” sabi ng isang binata.

Pag lingon ni Steve ay nakita niya si Deo Paul, isa sa kanyang mga kaibigan sa paaralan.

“Deo Paul?” medyo hinihingal pa si Steve.

“Bat di ka naka-uniform? Hindi ka ba pumasok?”

“Ah wala.  Saan ka pupunta, Steve? Hingal na hingal ka ah?” sabi ni Deo Paul na nakangiti pa.

“Pasensya na, pare, wrong timing lang. Nagmamadali ako eh.”

Paalis na sana si Steve, ngunit biglang kinuha ni Deo Paul ang papel na kanyang hawak. “Oy, ano to?”

“Deo!” sabi ni Steve habang sinusubukang kunin ang papel. “Akin na yan!”

“Teka lang, pare. ‘Mas humahaba ang buhay ng mga taong hindi masyadong mahilig makialam.’ Ano to? Ikaw ba nagsulat nito?”

“Hindi. Pero pare, akin na yan. Next time ko na lang ipapaliwanag sayo.”

Ibinalik ni Deo Paul ang papel. “Kaduda-duda ka ngayon ah.” Natatawang sabi ni Deo Paul.

Hindi sumagot si Steve. Muli na sana siyang tatakbo ngunit pag tingin niya sa may gate ay wala na si Ella.

 “Kainis.” Sambit ni Steve sa sarili.

Chapter VIII: Simbahan of Santa Monica: A Filipino Ghost Story is already available on Wattpad. Click here to read in advance.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Your Ad Here

Disclaimer

The pictures and videos posted here in PHS aren't our properties unless stated. We get pictures and videos from the internet and post it here. Some stories also came from the internet and we carefully credit the stories to its respectful owners or sources. However, if you have or if you own something here in PHS, you can tell us to remove it and we will do so if we have confirmed that you're the owner. Tell us at pinoyhorrorstories@gmail.com

Some stories/videos/pictures of PHS are properties of PHS. It can be written by PHS authors, or submitted by a PHS reader.

We allow the readers to share the posts and stories posted here in PHS to other websites as long as they properly SOURCE or CREDIT the story to us.

STORIES, VIDEOS, OR PICTURES that are posted here can either be FICTIONAL or a REAL ENCOUNTER.

WE ARE TERRIBLY SORRY FOR SOME MINOR GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS IN THIS BLOG. WE ARE NOT PROFESSIONAL WRITERS, WE HOPE YOU UNDERSTAND. THANK YOU.

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP