COPYING, REPOSTING, SHARING, AND EXPORTING POSTS FROM PINOY HORROR STORIES TO OTHER WEBSITES OR FORUMS ARE ALLOWED AS LONG AS YOU PROPERLY CREDIT IT TO US. THANK YOU AND GOD BLESS!

Share

Sabado, Oktubre 20, 2012

Santa Monica: A Filipino Ghost Story Chapter VI: Mga Palaisipan


Alas dose ng tanghali, Martes.

Isang binatang lalake ang nag lalakad sa isang liblib na daan. Ang araw ay tirik at ang panahon ay ubod ng init, ngunit ipinagkikibit balikat lamang ito ng binata. Kagagaling lamang niya sa paaralan, ngunit plano niyang hindi na bumalik para sa mga panghapon niyang klase.

“May mga bagay na mas mahalaga akong gagawin kaysa magpanggap na isang high school student.” Bulong niya sa sarili, nakangiti ito at pasipol sipol pa habang naglalakad na tila ba ay may isang bagay siyang gusto na malapit niya nang makuha.

“Lahat ng mga plano ko ay matutupad. Kailangan ko lamang mag alis ng konting mga sagabal upang masigurado ang tagumpay ko sa pagkakatong ito.” Sabi niya, sabay tawa ng malakas.


***

Alas dos ng hapon ng bumalik si Dr. Mark sa ospital.

Napansin ng mga nurse at hospital crews na nakangiti ang doktor habang naglalakad na para bang kasisikat pa lamang ng araw matapos ang napaka-bigat at napaka-habang tag ulan.

“Oh, Dr. Mark, parang ang saya mo ngayon ah?” tanong ni Tina, isang nurse.
Pumasok ang doktor sa nurse’s station at umupo muna para makipag usap sa mga katrabaho. Ang ilan sa mga nurse ay kumakain pa lamang ng kanilang tanghalian.

“Ano meron?” isa pang nurse ang nagtanong.

“Wala, may nakilala lang ako. Isang bagong kaibigan.” Nakangiting pagsagot ng doktor.

“Asus, kaibigan raw. Kung kaibigan lang yan na bago mong kakilala, eh andito naman kami. Bat hindi ka ganyan kasaya araw araw?” sabi ni Tina. Nagtawanan ang mga nurses sa lounge.

“Hoy, hoy, tigilan niyo nga si Dr. Mark. Minsan lang yan magka apple of the eye, niloloko niyo pa.”

“Oy! Anong apple of the eye!” sabi ng doktor. Lalong lumakas ang tawanan sa lounge.

Bahagyang tumigil ang tawanan ng pumasok ang isang lalakeng nurse. Si Raymond.

“Dr. Mark?” sabi ni Raymond na tila ba ay nakakita ng multo.

“Ano meron, Raymond?” nagtaka si Dr. Mark.

“Kadadaan ko lang sa kwarto mo ah, parang may naririnig akong mga nag uusap. Kala ko nga may mga kasama ka eh.”

“Ha? Paano mangyayari yun eh kararating ko lang?”

Nagkatinginan ang mga nurses sa lounge.

***

Tuwing tanghali ay mag isa lamang si Steve sa kanilang tahanan. Yun ay dahil sa pinipili na lamang ni Lola Perla na sa pwesto nila sa palengke mananghalian dahil na rin sa malayo-layo ang kanyang bahay mula sa merkado. Ang mga paninda nila ay mga sari saring sangkap na pangluto. Dahil sa medyo mas mababa ang presyo ni Lola Perla sa iba ay hindi na rin nakakagulat kung bakit marami silang mga suki.

Dahil palaging matao sa palengke ay may napansin si Lola Perla. May kakaiba sa mga taga Santa Monica sa araw na iyon. Simula pa ng buksan ni Lola Perla ang kanyang pwesto ay napakarami na niyang kwentong naririnig.

Mga kwentong weirdo, kababalaghan, katatakutan, at kung ano ano pang mga kakaibang mga bulung-bulungan. Mayroon pa nga siyang isang matandang babaeng narinig na nagsabing “...mga senyas yan na malapit na ang katapusan ng mundo.”

Bagamat ay hindi masyadong mapag-paniwala si Lola Perla ay hindi niya pa rin mapigilang kabahan sa mga naririnig.

Ang pulang buwan, ang mga weirdong kwento…ano ang kasunod? Nangyayari na ba ulit sa Santa Monica ang mga bagay na nangyari dito tatlong dekada na ang lumipas?

Ngayon pa ba babalik ang bangungot kung kalian halos wala nang nakakaalala sa nakaraan? Kung kalian ang mga sugat ay nag hilom na? Kung kalian ang mga taong naapektuhan ay muli nang bumangon?
Bakit? Bakit pa? ang tanong ni Lola Perla.

***

Alas dos ng hapon ng umuwi si Olivia sa “red house”. Kahit na lumabas lamang si Olivia sa bahay para mag almusal ay medyo nahuli na ang kanyang pag uwi dahil na rin sa napasarap ang kanilang usapan ng bago niyang kaibigang si Dr. Mark.

Wala na si Aling Rosing ng dumating si Olivia. Wala nang bakas ng takot at pangamba ang bahay, parang wala lamang nangyari.

So sobrang init ng panahon ay parang biglang nahilo si Olivia pag pasok niya sa bahay, nandilim ang kanyang paningin. Bumaba siya upang kumuha ng tubig at agad na bumalik sa dining area upang lumanghap ng sariwang hangin.

Sa sobrang pagkahilo ay napa-upo si Olivia sa harap ng dining table at ipinahinga ang kanyang ulo sa mesa. Hindi nalang niya namalayan na siya ay naidlip na.


***

Pag gising ni Olivia ay nagsisimula nang kumagat ang dilim at halos wala na siyang matanaw sa dining room. Maayos na ang kanyang pakiramdam at handa niya sana siyang mag simulang mag sulat ng nobela.

Tumayo si Olivia at binuksan ang ilaw.

Nang magka-ilaw ay laking gulat na lamang niya ng makita niyang hindi siya nag iisa.

May mga taong nakaupo sa paligid ng dining table: isang babaeng may kasamang batang lalake, at isang lalakeng nakasuot ng napaka luma at napakaruming damit.

“S-sino kayo?” tanong ni Olivia sa mga tao. Kinabahan siya pagkat maaring kanina pa niya kasama ang mga tao habang siya ay natutulog.

Hindi sumagot ang mga tao, tumingin lamang ito sa kanya na para bang may nagawa siyang isang karumal-dumal na krimen.

Maya maya pa ay bigla nalamang may humawak sa balikat ni Ella, isang malamig at napaka-gaang kamay.

Pag lingon ni Ella ay halos matumba siya sa gulat; isang matandang babaeng may napaka-haba at napaka-puting buhok ang tumambad sa kanyang harapan. May hiwa ang labi ng matandang babae sa magkabilaan nitong pisngi kaya parang may napaka-laking ngiti sa mukha nito, ang mga mata nito’y purong puti.

Di naglaon ay nagsi-tayuan ang mga tao mula sa mesa at unti unting lumapit kay Olivia...ngunit iba na ang itsura ng mga ito. Ang babae at ang kasama nitong batang lalake ay pareho nang duguan, ang lalakeng may suot na lumang damit ay parang nabubulok na ang katawan.

Doon nagising si Olivia mula sa kanyang pagkaka-idlip, ang kanyang puso ay tumitibok ng mabilis, parang biglang lumamig sa kanyang paligid. Pag tingin niya sa oras ay alas tres na ng hapon.

Nagtaka siya sa kanyang napanaginipan, at doon muli ay naisip niya kung bakit nga ba “red house” ang tawag ng waitress sa bahay na iyon.


***

Alas dos y medya nang magising si Riley sa kanyang pagtulog. Hindi siya pumasok sa kanyang pang-hapong klase pagkat may tinatapos siyang isang larawan.

Kilala at hinahangaan ng maraming mga estudyante sa high school si Riley, ngunit dalawa sa mga bagay na hindi nila alam tungkol kay Riley ay ang talento nito sa pagpi-pinta at ang pagka-hilig nito sa mga weirdong bagay.

Mahilig si Riley sa mga nakakatakot na pelikula, mga palabas, mga libro, mga kwento. Mahilig siyang makakita ng dugo, mga pinapatay, mga namamatay...at mga mamamatay tao. At mga ganito ang tema ng mga larawang kanyang pinipinta.

Tumayo si Riley mula sa kanyang higaan at binuksan niya ang ilaw sa kanyang kwarto. Kinuha niya ang pintura mula sa sahig at naupo na siya sa harap ng canvas.

Tiningnan niya ang larawan, halos tapos na ito ngunit hindi siya kuntento sa kinalabasan. Para bang may kulang, ngunit hindi siya sigurado kung ano ito at paano niya ito tuluyang matatapos.

Ang larawan na kanyang ipininta ay tungkol sa isang lalakeng nakaupo sa ilalim ng isang malaking puno. Madilim at payapa ang paligid. Ang lalakeng nakaupo na sentro ng larawan ay nakasuot ng puting duguan na t-shirt. Ang kaliwang kamay ng lalake ay may dalang ulo ng isang babae, samantala ang kabilang kamay naman ay may hawak na isang malaking kutsilyo.

May mga iba pang larawan sa kanyang kwarto na pawang mga nakakatakot at madugo, pero ito ang kanyang partikular na paborito.

“Kung alam ko lang sana kung paano ko tatapusin ang larawang ito.”

Doon ay bigla siyang may naisip. Agad niyang pinulot ang paintbrush mula sa sahig at pumili siya ng isang kulay ng pintura at sinimulan niya nang tapusin ang larawan.

Mga sampung minuto ang lumipas ay natapos niya na rin ang niya larawan.

“Perfect. Ngayon, tapos ka na.”

Ginawa niyang pula ang mga mata ng lalake sa ilalim ng puno.

Chapter VII: Ang Larawan of Santa Monica: A Filipino Ghost Story is already available on Wattpad. Click here to read in advance.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Your Ad Here

Disclaimer

The pictures and videos posted here in PHS aren't our properties unless stated. We get pictures and videos from the internet and post it here. Some stories also came from the internet and we carefully credit the stories to its respectful owners or sources. However, if you have or if you own something here in PHS, you can tell us to remove it and we will do so if we have confirmed that you're the owner. Tell us at pinoyhorrorstories@gmail.com

Some stories/videos/pictures of PHS are properties of PHS. It can be written by PHS authors, or submitted by a PHS reader.

We allow the readers to share the posts and stories posted here in PHS to other websites as long as they properly SOURCE or CREDIT the story to us.

STORIES, VIDEOS, OR PICTURES that are posted here can either be FICTIONAL or a REAL ENCOUNTER.

WE ARE TERRIBLY SORRY FOR SOME MINOR GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS IN THIS BLOG. WE ARE NOT PROFESSIONAL WRITERS, WE HOPE YOU UNDERSTAND. THANK YOU.

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP