COPYING, REPOSTING, SHARING, AND EXPORTING POSTS FROM PINOY HORROR STORIES TO OTHER WEBSITES OR FORUMS ARE ALLOWED AS LONG AS YOU PROPERLY CREDIT IT TO US. THANK YOU AND GOD BLESS!

Share

Biyernes, Setyembre 21, 2012

Santa Monica: A Filipino Ghost Story Chapter V: Ang Hardin


Martes, alas nuebe ng umaga.

Masaya, matao at maingay nanaman sa loob ng Santa Monica high school. Tuwing recess ng mga estudyante ay hindi mahulugang karayom ang campus grounds. May mga estudyante na nag aaral, nag uusap, nagtatawanan sa halos buong paaralan.

Habang ang karamihan ay ine-enjoy ang kani-kanilang break ay tahimik na iniikot ni Steve ang paaralan. Hinahanap niya ang lalakeng nahuli niyang sumusunod sa kanya sa nagdaang gabi.

Nararamdaman niya na may kinalaman ang lalakeng iyon sa mga kakaibang pangyayari sa Santa Monica. Tila ba ay susi ang kaduda-dudang lalake sa mga tanong na kasalukuyang nasa isip ni Steve.

Habang ang kanyang isip ay puno ng mga tanong ay napansin ni Steve si Ella. Ang dalaga ay mag isang nakaupo sa isang bench sa ilalim ng malaking puno. Kahit na mukhang mas maayos na ang lagay ng dalaga ay mayroon pa ring alapaap ng misteryo ang bumabalot kay Ella.

Hindi mawari at hindi mabasa ni Steve ang iniisip ni Ella. Isa sa mga kakayahan ni Steve ay ang mabasa o maramdaman ang laman ng mga isip ng mga tao, ngunit ang kakayahan niyang iyon ay kusang nangyayari at wala sa kanyang control.

“Kailangan kong makausap si Ella. Sa tingin ko ay may alam siya na makakasagot sa ilang mga katanungan sa aking isip.” Bulong ni Steve sa sarili.

Ngunit nagdalawang isip ang binata. Kahit na naging kaklase ni Steve si Ella simula pa noong mga bata sila ay kailanman hindi naging malapit si Steve kay Ella. Bilang si Ella ay mayaman, maganda, at popular, samantalang si Steve naman ay tahimik, mahiyain, at simple lamang.

Kalauna’y naglakas loob si Steve.

Nagsimula na siyang maglakad palapit sa nalulumbay na dalaga ng bigla na lamang dumating sa eksena ang isang matangkad at mistisong lalake.

Kumunot ang noo ni Steve. “Riley.”

“Hi, Ella. Ba’t parang ang lungkot mo?” tanong ni Riley sabay upo sa tabi ni Ella.

***

“Magandang umaga po,” bati ni Olivia sa waitress ng Lucia’s Finest. Ayon kasi kay Aling Rosing, sa restaurant na iyon mahahanap ang pinaka-masasarap na pagkain sa bayan. Naisipan ni Olivia na kumain sa labas sa umagang iyon.

“Magandang umaga rin po.” Bati ng waitress. “Ano po ang order nila?”

Sandaling tinignan ni Olivia ang menu atsaka niya sinabi ang kanyang order.

“Ma’am, dayo po ba kayo dito sa Santa Monica? Ngayon ko lang po kasi kayo nakita.” Tanong ng waitress matapos niyang makuha ang order ni Olivia.

“Ah, oo.” Nakangiting sagot ni Olivia. “Nagbabakasyon lang ako.”

“Saan po kayo nakatira?”

“Ah, nirerentahan ko sa ngayon ang bahay ng mga Razon.”

“Ah, sa red house po pala kayo nakatira.” Sabi ng waitress na tila ba ay natakot sa narinig.

Ipinagtaka ni Olivia ang sinabi ng waitress pagkat hindi naman pula ang bahay ng mga Razon. “Red house?”

Napalunok ang waitress. “A-ah, wala po. Sige po, paki hintay nalang po ang order niyo. Thank you po.”

Sa likod ng table ni Olivia ay si kasalukuyang kumakain rin si Dr. Mark. Narinig niya ang sinabi ng waitress at ang naging reaksyon ng babaeng dayo. Napangiti nalang siya. Ang mga palayaw na ibinibigay sa mga bahay ay may kinalaman sa mga nangyari rito.

***

Halos sabay na natapos kumain at nagbayad ng bill si Dr. Mark at Olivia. Halos sabay rin silang tumayo sa kanya-kanyang mga table.

Doon sa unang pagkakataon ay nagkita ang dalawa.Nagulat si Dr. Mark nang makita niya ang kagandahan ni Olivia na hindi niya napansing natulala na pala siya habang ang kanyang bibig ay nakabukas.

Napansin ni Olivia na nakatitig sa kanya ang lalakeng hindi niya kilala. Napangiti si Olivia pagkat nakanganga ang doktor.

“Excuse me?” natatawang sabi ni Olivia.

“A-ah..” nagulat ang doktor. “A-a-ah, sorry.”

Nilapitan ni Dr. Mark si Olivia. Iniabot ng doktor ang kanyang kamay. “Hi. Ako nga pala si Mark.”

“Hello, Dr. Mark. Ako si Olivia.” Natatawa pa ring sabi ni Olivia, sabay abot ng sariling kamay. Natawa rin si Mark.

“Paano mo nalamang doktor ako?”

“Uhm, yung blazer mo kasi, may nakaburdang ‘Dr. Mark Elizalde’.’”

“Ahhh. Kaya pala.”

Natawa silang pareho sa isa’t isa.

***

Maaliwalas at presko ang panahon sa buong bayan ng Santa Monica.

Nagwawalis-walis at nagdidilig ng mga halaman si Aling Rosing sa hardin ng “red house” noong umagang iyon.

Bilang caretaker ng bahay sa loob ng mahabang panahon ay alam na alam na ni Aling Rosing ang kasaysayan ng bahay. Alam niya kung sino sino ang mga dating may ari nito at kung ano anong uri ng mga tao ang dating nanirahan dito. Alam niya rin kung bakit “Red House” ang tawag sa bahay na iyon ng mga taga Santa Monica.

Habang nagdidilig ay may narinig si Aling Rosing na kakaibang tunog mula sa isang tuyong balon.

Sa may bandang likuran ng hardin ay may isang malaking puno ng mangga. Sa ilalim nito ay may isang lumang balon na matagal nang tuyo at hindi nagagamit.

Ang unang narinig ng caretaker ay tunog ng parang isang bumagsak na katawan. Ngunit nagbago ang tunog sa tunog ng parang umaagos na tubig. Nagtaka si Aling Rosing pagkat matagal na matagal nang hindi nagagamit ang balon, at hindi rin naman umuulan upang magkaroon ng umaagos na tubig sa loob ng balon.

Pansamantalang pinatay ni Aling Rosing ang hose na kanyang ginagamit upang lapitan ang balon. Habang papalapit siya ay palakas ng palakas ang tunog ng tubig na hindi niya mawari kung saan nagmumula.

Napatigil si Aling Rosing mga isang metro ang layo mula sa balon. Nagulat siya sa nakita. Ang tubig mula sa balon ay biglang nagsimulang umapaw. Natulala ang matanda sa kanyang nasilayan.

Sa di kalauna’y may isang katawan ang lumabas mula sa balon. Isang napaka-payat na lalake na may napaka-pulang mata ang gumapang palabas sa umaapaw na balon.Ang balat ng lalake ay kulay berde, nabubulok at inuuod na.

“Bakit di mo ako samahan dito, tanda?” sambit ng lalake sa caretaker na iniaabot pa ang kanyang halos buto nang kamay. Ang tinig ng lalake ay malalaim, garalgal, at nakakatakot.

Pakiramdam ni Aling Rosing ay umikot ang kanyang sikmura sa nakita, ngunit pakiramdam din niya ay tinakasan na siya ng kanyang katinuan.

“Aaaaahhhhhhhhhhhh!” napasigaw ang matanda.

Sinubukan niyang tumakbo palayo mula sa balon, ngunit sa kanyang pagtalikod ay may nakaharap siyang mag-nanay na kapwa duguan.

Isang babaeng nasa edad 30 ang nakaakbay sa isang batang lalakeng nasa edad 5. Ang nanay ay nakasuot ng dilaw na blouse at puting apron na punong puno ng dugo. Ang mukha ng babae ay halos puti na at walang dugo. Ang kanyang dibdib ay tadtad ng mga saksak. Ang batang lalake ay nakayakap sa baywang ng kanyang nanay, ang ulo ng bata ay basang basa hindi ng tubig ngunit ng napaka-pulang dugo na tumutulo pa sa mukha nito. Nakatitig ang dalawa kay Aling Rosing; ang kanilang mga mukha ay walang emosyon ngunit pakiramdam ng caretaker ay nakatingin ang dalawa diretso sa kanyang kaluluwa.

May narinig rin na ingay si Aling Rosing mula sa isang bintana sa ikalawang palapag ng red house. Kahit na halos mabaliw na ang caretaker ay napalingon pa rin siya sa kung ano ang pinagmulan ng ingay.

Doon niya nakita ang isang matandang babaeng may napakahaba at napaka-puting buhok. Nakasuot ito ng itim na damit, at halos abot tenga ang ngiti. Literal na halos abot tenga ang ngiti. Ang mata ng matandang babae ay puti lahat, ang kanyang pisngi ay may hiwa hanggang sa bandang tainga, at ito ay lumuluha ng dugo.

Nagpakawala ng sobrang lakas na sigaw si Aling Rosing bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Chapter VI: Mga Palaisipan of Santa Monica: A Filipino Ghost Story is already available on Wattpad. Click here to read in advance.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Your Ad Here

Disclaimer

The pictures and videos posted here in PHS aren't our properties unless stated. We get pictures and videos from the internet and post it here. Some stories also came from the internet and we carefully credit the stories to its respectful owners or sources. However, if you have or if you own something here in PHS, you can tell us to remove it and we will do so if we have confirmed that you're the owner. Tell us at pinoyhorrorstories@gmail.com

Some stories/videos/pictures of PHS are properties of PHS. It can be written by PHS authors, or submitted by a PHS reader.

We allow the readers to share the posts and stories posted here in PHS to other websites as long as they properly SOURCE or CREDIT the story to us.

STORIES, VIDEOS, OR PICTURES that are posted here can either be FICTIONAL or a REAL ENCOUNTER.

WE ARE TERRIBLY SORRY FOR SOME MINOR GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS IN THIS BLOG. WE ARE NOT PROFESSIONAL WRITERS, WE HOPE YOU UNDERSTAND. THANK YOU.

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP