COPYING, REPOSTING, SHARING, AND EXPORTING POSTS FROM PINOY HORROR STORIES TO OTHER WEBSITES OR FORUMS ARE ALLOWED AS LONG AS YOU PROPERLY CREDIT IT TO US. THANK YOU AND GOD BLESS!

Share

Biyernes, Agosto 24, 2012

Santa Monica: A Filipino Ghost Story Chapter IV: Ella


Alas diyes ng gabi ay nasa sala pa rin si Ella ng kanilang bahay. Kakatapos niya palang gawin ang mga school requirements na kailangan niyang i-submit bago matapos ang linggo. Bagamat ay busy ay punong puno pa rin ang isip ni Ella tungkol sa maraming bagay: ang mga bangungot, kung paano niya natamo ang kanyang mga sugat, at kung ano nga ba ang nais ipahiwatig ng mga ito.

Si Ella ay anak ng mayamang mag asawa, bunso siya sa tatlong magkakapatid. Madalas maiwan sa Santa Monica si Ella pagkat ang kanyang mga magulang ay palaging nasa Maynila upang asikasuhin ang kanilang negosyo. Ang dalawang nakatatandang kapatid naman ni Ella ay parehong may mga sarili nang buhay sa ibang bansa.

Nag aayos na si Ella ng kanyang mga gamit ng biglang mag ring ang kanyang cellphone. Agad niya itong sinagot.

“Hello?”

“Hello, Ella.” Mama ni Ella ang tumawag.

“Hello, Ma. Ano pong meron at napatawag po kayo?”

“Sabi kasi sa akin ng Yaya Mariz mo, may mga sugat ka raw. Ano bang nangyari?”

“Ma, gaya po ng sabi ko kay Yaya, kanina pong umaga pagka-gising ko, naisipan ko pong magpahangin sa garden. Nung pabalik na po ako, may pusang dumaan sa harap ko kaya nadapa po ako. Wala po si Yaya nung oras na yun kasi bumibili siya ng tinapay.”

“Pero, kung sa garden ka nadapa, bakit ka nagka-gasgas? Diba grass naman ang garden natin?”

Napalunok si Ella; wala pa kasi siyang pinagsasabihan tungkol sa mga bangungot niya dahil natatakot siyang matawag na baliw.

“Ah, Ma, okay lang po ako. Good night, bye. Love you po.”

Agad niyang ibinaba ang telepono at pinatay.

Paakyat na si Ella nang maisip niyang muli nanaman siyang matutulog; at sa kanyang panaginip, maari nanaman niyang makita ang madilim na kalsada, ang lalakeng humababol sa kanya…at ang chainsaw na tila ba ay pinamputol sa mga bahagi ng kanyang katawan tuwing matatapos ang kanyang mga bangungot.

Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng mga panaginip, o kung ano ang mangyayari sa kanya. Hindi ugali ni Ella ang mag kwento ng mga problema o saloobin kaya hangga’t maari ay gusto niyang manatiling tahimik kahit na meron siyang mga pangamba. Ngunit kahit siya ay natatakot ay desidido siyang alamin ang mga kasagutan sa sarili niyang pamamaraan.

Nasa pangalawang palapag ng bahay ang kwarto ni Ella. Pagpasok niya sa kwarto ay bigla niyang naramdaman na para bang may nagmamasid. Mabigat ang pakiramdam sa kwarto, madilim at walang ilaw, at parang may ibang tao. Bumilis ang tibok ng puso ni Ella.

Huminga siya ng malalim, at tila inihanda ang sarili sa naka-ambang na panganib.

Binuksan niya ang ilaw.

Walang ibang tao.

Kahit na walang ibang tao ay hindi pa rin gumaan ang loob ni Ella. Pakiramdam niya ay nasa paligid pa rin ang kinatatakutan niya, kahit na hindi niya naman talaga alam kung ano o sino ito.

“Hay nako, Ella, masyado ka nang napa-paranoid.” Bulong niya sa sarili.

Bago  natulog ay nagdasal muna si Ella at umasang matapos na ang mga masasamang panaginip, nag dasal siya para sa kapayapaan ng kanyang kalooban.
Maya maya pa ay nakatulog na si Ella. Hindi nagtagal ay nagsimula na ang mga panaginip…

Sa panaginip ay nasa isang maliit na kwarto si Ella. Hindi niya alam kung saan ito. Ang sahig ay gawa sa kahoy, ang mga pader ay madumi at may mga larawan ng hindi kanaisnais na mga imahe; mga demonyo, mga taong duguan, at iba pang mga nakakapangilabot na mga bagay.

Sa isang sulok ay may isang maliit na higaan, malapit sa isang hugis-tatsulok na salaming bintana. Umuulan sa labas at madilim sa loob ng kwarto. Hindi niya alam kung ano ang ginagawa niya sa kwarto, ngunit hindi siya umalis. Sa halip ay tumingin tingin siya sa mga bagay sa loob ng silid.

Habang tumitingin tingin si Ella ay napansin niyang may isang librong hindi maayos na naitago sa ilalim ng unan sa higaan.

Napaisip si Ella sa kung patungkol saan ang libro, at bakit parang sinusubukan itong itago ng may ari.

Dahil sa pagtataka ay kinuha niya ang libro at sinuri. Napagalaman niyang isang diary ang libro. Unti unti ay binuklat niya ang mga pahina at sinimulang basahin ang lumang diary.

Habang binabasa ni Ella ang libro ay nakaramdam siya ng matinding takot; ang mga nakasulat sa diary ay punong puno ng karahasan at galit.

Maya maya pa ay may narinig na pag-tili si Ella mula sa labas ng kwarto. Nagulat siya.

 Dali daling ibinalik ni Ella ang libro sa ilalim ng unan. Tinangka niyang magtago o tumakas, ngunit huli na ang lahat. May pumasok na isang lalake sa kwarto.

Hindi malinaw ang mukha ng lalake, ngunit alam ni Ella na ito ay mapanganib.

“Binasa mo ba ang libro ko?” tanong ng lalake, ang kanyang tinig ay malumanay, ngunit malinaw ang galit sa boses nito.

“A-ah..” hindi nakasagot si Ella.

“Sino ka at ano ang ginagawa mo dito?” muling tanong ng lalake.

Nakita ni Ella na may dalawang babaeng nakabulagta sa labas ng kwarto. Hindi niya napigilan ang sarili na maiyak sa takot.

“Mas humahaba ang buhay ng mga taong hindi masyadong mahilig makialam.” Sabi ng lalake bago niya sinugod si Ella.

 “Aaaaaaaaaahhhhhhhhhh!” nagising si Ella at napaupo sa kanyang higaan.

Madaling araw na.

Pawis na pawis ang kanyang katawan, at bahagya siyang hinihingal. Ang kanyang mata ay basa ng luha.

Sinubukan niyang alalahanin ang panaginip; naalala niyang siya ay nasa isang maliit na kwarto, naalala niya ang libro, naalala niyang binasa niya ito. Pero hindi maalala ni Ella kung ano ang nalaman niya mula sa diary, bagkus ay naalala niyang ikinatakot niya ang kanyang mga nabasa.

Naalala niya rin ang lalake at ang mga sinabi nito, ngunit hindi niya ito makilala.
Medyo kalmado na si Ella at muli na sana siyang matutulog ng may narinig siyang mala-demonyong malumanay na paghalakhak.

“Hehehe.”

Kinabahan si Ella sa narinig. Bubuksan niya na sana ang bedside lamp ng biglang may dalawang pulang matang nagliyab mismong sa may paahan ng kama ni Ella.

“AAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!”

Agad na dumating sa kwarto ang yaya ni Ella at binuksan ang ilaw.

“Ella? Anong nangyari!?”

Lumapit si Yaya Mariz kay Ella at agad siyang niyakap ng mahigpit ng dalaga.

“Nandito siya, Yaya! Nandito siya!”

Chapter V: Ang Hardin of Santa Monica: A Filipino Ghost Story is now on Wattpad. Click here to read in advance.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Your Ad Here

Disclaimer

The pictures and videos posted here in PHS aren't our properties unless stated. We get pictures and videos from the internet and post it here. Some stories also came from the internet and we carefully credit the stories to its respectful owners or sources. However, if you have or if you own something here in PHS, you can tell us to remove it and we will do so if we have confirmed that you're the owner. Tell us at pinoyhorrorstories@gmail.com

Some stories/videos/pictures of PHS are properties of PHS. It can be written by PHS authors, or submitted by a PHS reader.

We allow the readers to share the posts and stories posted here in PHS to other websites as long as they properly SOURCE or CREDIT the story to us.

STORIES, VIDEOS, OR PICTURES that are posted here can either be FICTIONAL or a REAL ENCOUNTER.

WE ARE TERRIBLY SORRY FOR SOME MINOR GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS IN THIS BLOG. WE ARE NOT PROFESSIONAL WRITERS, WE HOPE YOU UNDERSTAND. THANK YOU.

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP