COPYING, REPOSTING, SHARING, AND EXPORTING POSTS FROM PINOY HORROR STORIES TO OTHER WEBSITES OR FORUMS ARE ALLOWED AS LONG AS YOU PROPERLY CREDIT IT TO US. THANK YOU AND GOD BLESS!

Share

Lunes, Disyembre 3, 2012

Santa Monica: A Filipino Ghost Story Chapter IX: La Oscuridad


Ala una ng madaling araw, Miyerkules.

Naabot na ni Steve ang bahagi ng Santa Monica kung saa’y halos wala nang nakatira. Maliit lamang ang bayan ng Santa Monica, ngunit ang malaking bahagi nito ay hindi pa rin okupado ng mga tao.

Ang hilagang bahagi ng Santa Monica ang pinaka-tahimik sa buong bayan. Habang naglalakad si Steve patungo sa La Oscuridad ay hindi mawaglit ang matindi niyang pakiramdam na may mga matang nakasunod sa kanyang paglalakad, at ang kanyang tinutungong daan ay magdadala lamang ng kapahamakan sa kanya.
Di gaya ng mga ordinaryong tao, ang mga pakiramdam ni Steve sa mga bagay bagay ay hindi lamang basta pakiramdam. Ang espesyal na abilidad ng binata ay higit na mas makapangyarihan sa nakararami. Hindi lang niya kayang makakita ng multo o mga supernatural na mga elemento, kaya niya ring makita ang nalalapit na hinaharap o mga bagay na nagdaan na o kaya naman ay maramdaman kung ano ang iniisip o nararamdaman ng mga tao. Ngunit ang mga abilidad niyang ito ay hindi niya nako-kontrol. Nagkakaroon lamang si Steve ng “instinct” o mga “pakiramdam” kung kailan lamang, at hindi kung kalian niya ito gustong gamitin.

Habang naglalakad sa isang madilim na daan patungo sa kakahuyan ay palakas ng palakas ang kutob ni Steve na may masamang mangyayari sa kanya, ngunit palakas rin ng palakas ang kanyang pakiramdam na papalapit siya ng papalapit sa sagot na kanyang hinahanap, sa bagay o impormasyon na tutulong sa kanya upang mapigilan ang nalalapit na pagkagat ng dilim sa Santa Monica.

At kung ano man ang mangyayari kay Steve, handa siyang isugal ang kahit ano kapalit ang kaligtasan ng Santa Monica.

***

Narating na ni Steve ang daanan papasok sa La Oscuridad. Dala ang isang maliit na flashlight at ang kanyang backpack, maingat na pumasok si Steve sa pagitan ng mga barbwires papasok sa La Oscuridad, kung saan ang katahimikan ay nakakabingi.

Napakadilim at napakalamig sa kakahuyan. Maingat niyang binaybay ang daanan, at habang siya ay naglalakad papasok sa kakahuyan ay pakapal din ng pakapal ang mga puno na siyang tumatakip sa mahinang liwanag ng buwan.

Di gaya ng ibang kakahuyan, talagang walang ingay na naririnig si Steve; walang ingay ng mga dahon ng puno na sumasayaw sa pag ihip ng hangin, walang ingay ng mga insekto, walang ingay ng mga mababangis na hayop. Ang katahimikan ay sadyang kaduda-duda.

Maingat na naglakad si Steve sa kakahuyan ng La Oscuridad, halos lahat ng dako na kanyang nadadaanan ay iniilawan niya ng kanyang flashlight upang masigurong walang sinuman ang malapit sa kanya o walang kahit anong nakaambang panganib ang nasa paligid niya.

Pero alam niyang kahit hindi malapit sa kanya ang panganib sa kasalukuyan, ay darating at darating pa rin ito. Sigurado siya sa bagay na iyon.

***

Naglalakad si Ella sa lugar na hindi niya batid kung saan. Nakasuot ito ng pantulog, at walang saplot ang kanyang mga paa. Dahil sa layo ng nilakad ni Ella, ang kanyang mga paa ay duguan at sugatan na.

Wala pa rin siya sa kanyang sarili. Ang tinig na tumatawag sa kanya ay dinadala ang kanyang mga paa sa lugar na kailanman ay hindi niya akalaing pupuntahan niya.

Kahit pa siya ay nasa napaka-dilim na lugar sa napaka-delikadong oras ay, dahil sa boses na naririnig, tila ba walang takot sa kanyang dibdib. Parang ang tinig na kanyang naririnig ay ang tinig na magdadala sa kanya sa kung saan siya nararapat, at kung saan siya pinaka-ligtas.

Doon siya nagkakamali.

***

Mga tatlumpung minuto na ang lumipas mula ng mapasok ni Steve ang La Oscuridad ay narating niya ang isang bilugang patag na napapaligiran ng mga puno. Nagtaka si Steve pagkat kalianman ay di pa niya narinig na may ganitong bahagi ang La Oscuridad.

Habang sinusuri ang paligid ay napansin ni Steve na sa gitna ng patag ay may isang napakalaking puno. Sa pagkakataong nakita ito ni Steve ay bigla na lamang siyang nagkaroon ng napaka-lakas na pakiramdam; ang sagot! Ang sagot ay nasa puno!

Agad na tinakbo ni Steve ang malaking puno na halos ay nasa isang daang metro ang layo mula sa kanya. Hindi niya mapigilang matuwa sa nakita, ngunit habang siya ay tumatakbo papalapit sa malaking puno ay naramdaman din niyang muli ang papalapit na panganib.

***

Dumating na si Ella sa lugar kung saan siya nais na dalhin ng tinig na tumatawag sa kanya.

Napaka-lamig ng gabi, ngunit hindi ito iniinda ni Ella. Ang kanyang mga mata ay nakatingin lamang sa isang lugar, at gustuhin niya man ay hindi niya maalis ang kanyang pagtitig dito.

“Dito ka lamang, Ella, walang masamang mangyayari sa’yo. Mayroon lamang tayong hinihintay.” Paulit ulit na sabi ng malumanay at malalim na tinig na naririnig ni Ella.

Wala pa rin siya sa kanyang sarili, ngunit unti unti na siyang bumabalik. At habang unti unti siyang bumabalik sa kanyang sarili ay patindi rin ng patindi ang takot na kanyang nararamdaman.

Gustuhin niya mang mag-pumiglas o sumigaw ay hindi niya magawa. Ang tinig na nagdidikta sa kanya ay higit na mas makapangyarihan sa sarili niyang isipan.

Ang tinitignan ni Ella ay isang treehouse sa isang napakalaking puno, at siya ay nasa kakahuyan din ng La Oscuridad.

***

Ilang metro mula sa malaking puno ay napansin ni Steve na may isang babaeng nakaputi ang nakatayo sa ilalim nito. Agad niyang nakilala kung sino ito.

“Ella!” bulong nito.

Dahil sa nakita ay lalo pa niyang binilisan ang kanyang pagtakbo.

Bakit narito si Ella?

Labis ang kaba na nararamdaman ni Steve habang papalapit siya ng papalapit sa malaking puno, lalo pa’t nasa kakahuyan rin pala si Ella. Dahil narito rin ang dalaga ay kapwa na buhay nila ang nasa kapahamakan.
“Ella? Ella?” sabi ni Steve ng maabot nito si Ella. Nagtaka ito pagkat napaka-misteryoso ng itsura ng babae, hindi ito sumasagot o gumagalaw. Sinubukan niyang yugyugin si Ella upang gisingin ito pagkat parang nasa isang panaginip ito. “Ella? Ella? Bat ka narito?”

Hindi pa rin umimik ang dalaga. Naka-iling lamang ito sa taas ng puno. Nang mapansin ni Steve kung saan naka-iling si Ella ay tinignan niya ang direksyon nito.

Pansamantalang natigilan si Steve sa nakita: ang treehouse. Nang makita niya ang treehouse ay naramdaman niya ang napaka-lakas at napaka-itim na enerhiya na bumabalot rito. Malakas din ang kutob ni Steve na ang sagot ay nasa loob ng treehouse.

“Ang sagot,” bulong nito. “Ella, dito ka lang, wag kang aalis. Aakyat ako sa bahay.” Hindi sumagot si Ella at nanatili lamang ito sa kung saan ito nakatayo.

Agad na sinubukang akyatin ni Steve ang puno. Mano mano niyang inakyat ang treehouse pagkat sira na ang hagdang lubid na nagsisilbi sanang daanan paakyat rito.

Nang maakyat niya na ito ay dali dali niyang sinuyod ang maliit na treehouse gamit ang kanyang flashlight.
Luma na ang treehouse at halatang matagal nang walang nakatira. Nabubulok na ang mga gamit at marami na ring mga dahon at ugat ang tumubo sa loob nito, maging ang bubungan ay marami na ring butas.

Kinakabahan si Steve, pero dahil alam niyang ang sagot na kanyang hinahanap ay malapit na ay nilakasan na lamang niya ang kanyang loob.

Maya maya ay napansin ni Steve ang isang maliit na pintuan sa isang banda ng treehouse. Pinuntahan niya ito at binuksan. Dito’y natagpuan ni Steve ang isang maliit at napaka-lumang kwarto.

Sa loob ng kwarto ay may sirang higaan, bookshelf, at mesa. Lahat ng mga gamit ay pawang nabubulok na. Kapansin pansin rin ang hugis tatsulok na bintana sa loob ng kwarto. Ang bintana ay gawa sa salamin, at dahil na rin sa paglipas ng panahon ay puno na ito ng lumot.

Ang mga pader ng kwarto ay puno ng mga napaka-lumang iginuhit na larawan ng mga bagay na hindi kanaisnais makita, gaya ng isang babaeng nagbigti, isang batang babaeng may mapupulang mata, isang matandang lalakeng sumusuka ng dugo, at iba pa.

Matapos tingnan ang mga larawan ay sunod na sinuri ni Steve ang mga libro sa bookshelf. Karamihan sa mga libro ay nakasulat sa Latin, kaya hindi mawari ni Steve kung ano ang ibig sabihin ng mga ito.

Paalis na sana si Steve sa loob ng kwarto ng mapansin niya ang isang napaka-liit na itim na librong nakasuksuk sa pinakasulok sa bandang kaliwa ng bookshelf. Halatang nais itong itago ng kung sino man ang may ari nito.

Agad na kinuha ni Steve ang maliit na libro at binuklat niya ito. Noon ay napag-alaman niyang isang diary ang libro. Binasa niya ito at siya’y nagimbal sa mga nakasulat dito.

“Ito ang sagot!” sambit ni Steve.

Isinara niya ang libro at nagmadali siyang lisanin ang lugar. Ang panganib na kanina pa niyang nararamdaman ay napaka-lapit na, halos nasa paligid na nila ito ni Ella.

“Ella! Nakuha ko na ang sagot!”

Si Ella ay tulala pa rin at nakatingin lamang sa treehouse.

Nagmadaling bumaba si Steve mula sa puno na halos ay malaglag na siya.
Nang makababa ay sinubukan muli ni Steve na gisingin si Ella.

“Ella, kailangan na nating umalis dito. Ella!” hindi pa rin sumasagot si Ella. Dahil dito ay kinuha na lamang ni Steve ang kamay ni Ella at sinubukan itong hilahin palayo sa lugar.

“Saan kayo pupunta?” isang malalim at nakakatakot na boses ang narinig ni Steve. Sa pagkakataon ding iyon ay nagising na si Ella. Tumingin tingin ang dalaga sa paligid, tiningnan niya si Steve.

“Steve?”

“Ella, gising ka na!” Sa loob ni Steve ay nagulat siya dahil alam ni Ella ang kanyang pangalan.

“Nasaan tayo? Bakit kasama kita? Anong ginagawa ko dito?”

“Hahaha.” Muli nilang narinig ang nakakatakot na boses. “Narito ka, Ella, upang mamatay kasama si Steve. Hahaha.”

Natatakot si Steve ngunit pinilit nitong lakasan ang kanyang loob. “Nasaan ka? Sino ka?” sambit ng binata.

“Steve, anong nangyayari? Sino yun?” tanong ni Ella, ang mga mata nito ay puno ng pangamba.

“Mahabang kwento. Mamaya ko na sasagutin ang mga tanong mo. Sa ngayon ay kailangan nating lisanin ang kakahuyan!”

“Tumakbo kayo hanggang kaya niyo.” Sabi ng boses. “Pero hindi kayo makakatakas.”

Sa pagkakataong iyon ay nakita na ni Steve at ni Ella kung saan nagmumula ang boses. Sa di kalayuan, napansin nila ang isang anino.

“Hindi kayo makakatakas.” Muling sabi ng lalakeng di nila makilala, at sa pagkakataon ding iyon ay nagliyab ang mga mata nito.

Chapter X: Ang Demonyo of Santa Monica: A Filipino Ghost Story is already published on Wattpad. Click here to read in advance.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Your Ad Here

Disclaimer

The pictures and videos posted here in PHS aren't our properties unless stated. We get pictures and videos from the internet and post it here. Some stories also came from the internet and we carefully credit the stories to its respectful owners or sources. However, if you have or if you own something here in PHS, you can tell us to remove it and we will do so if we have confirmed that you're the owner. Tell us at pinoyhorrorstories@gmail.com

Some stories/videos/pictures of PHS are properties of PHS. It can be written by PHS authors, or submitted by a PHS reader.

We allow the readers to share the posts and stories posted here in PHS to other websites as long as they properly SOURCE or CREDIT the story to us.

STORIES, VIDEOS, OR PICTURES that are posted here can either be FICTIONAL or a REAL ENCOUNTER.

WE ARE TERRIBLY SORRY FOR SOME MINOR GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS IN THIS BLOG. WE ARE NOT PROFESSIONAL WRITERS, WE HOPE YOU UNDERSTAND. THANK YOU.

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP