Malalim ang kadiliman ng gabi, akoy naglalakad sa gilid ng kalsada. Ibat-ibang uri ng mga kotse, mga truck at jeepney, sadyang makulay ang paligid habang silay mabagal na umuusad sa kalsada.
Napansin ko na may ilang mga tao ding naglalakad sa kalsada, mga chicks, manong at mga kabataan. Hindi ko maisip na sa dami ng jeepney na umuusad, hindi nila piniling sumakay. Pinapagod nila ang kanilang sarili sa paglalakad.
Medyo traffic, naglalakad nga ako sa isang avenida. Diretso ang daan ng kalsada at medyo dumadami ang mga taong naglalakad. Nakakasalubong ko silang lahat mapungay ang mga mata at nakangiti.
Sinasabi nila sa kanilang mga mata at sa kanilang isipan sa akin habang isa-isa ko silang nakakasalubong. “Saan ang patungo mo, Kaibigan?.” Sinagot ko sila sa aking isip “Papunta ako sa aking kamag-anak”.
Malayo pa ang daan at patuloy ako sa paglalakad. Maganda ang lugar, puno ng ilaw at mga huni ng mga sasakyan sa kalsada samantalang tahimik ang mga tao sa paglalakad. Medyo weird ang mga nangyayari.
Walang dahilan bakit sa kamag-anak namin ang destinasyon ko. Sabi ko sa aking sarili “Bakit ko kailangang lakarin ang napaka-habang daan na ito samantalang may shortcut naman banda jan”, kaya naman pinili ko ang shortcut na daan.
May eskinita sa gilid ng daan. Pinili kong dumaan sa shortcut. Sa Dami ng beses na dinaanan ko na ang shortcut na ito, di ko mapagtanto na parang iba ang lugar na ito. Alam at alam kong eto ang tamang daan na lagi kong dinaraanan pero parang ang weird. Pinagpatuloy kong dumaan at medyo lumalamig.
Ang shortcut na dinaraanan ko ay isang gubat. Maraming puno, mga damo at panay kurba ang daan. May mga ilang bahay na kalahating bato at kalahating kahoy ang tuktok, yero ang mga bubong.
Sadyang madilim ang shortcut na ito habang akoy naglalakad. Ang tanging ilaw lang na maaaninag ay ang mga ilaw ng mga bahay, dilaw na ilaw ng mga bumbilya.
Sa aking paglalakad may humarang sa akin na isang napakalaking aso, kulay itim ito at umiilaw ang mga mata. Umaamba ang aso at kumuha naman ako ng malaking bato para ipagtanggol ko ang aking sarili.
Kumahol ang malaking aso. “Roar!!, Roar!!, Roar!!”. Handa naman ako sa isang mabilis na pagtakas papalayo, pero tumigil ang aso at pumasok sa bahay ng amo.
Kaya naman pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Lalong lumalamig at tumatayo ang aking mga balahibo sa balat. Sinabi ko sa aking sarili “Iba na tong mga nangyayari.”
Nakaramdam ako ng isang malakas na aura na sanhi ng malamig na pakiramdam at pagtaas ng aking mga balahibo. Alam ko sa sarili kong aura yun ng isang mangkukulam.
Nangangamba ako sa aking sarili na wag nang magpatuloy sa daan na yun. Pero nang tumingin ako pabalik sa pinanggalingang daan papalabas ng shortcut, wala na ang daan. Wala na akong maaninag, sobrang madilim, alam kong pag bumalik pa ako, mahuhulog ako sa isang napakalalim na hukay. Wala nang paraan para bumalik pa.
Sa isang malaking bahay, kalahating bato, kahoy ang tuktok ng bahay at yero ang bubong na may bumbilyang dilaw. Lumabas ang isang matandang babaeng mangkukulam na may dalang lampara, matabang babaeng nakaitim na medyo singkit ang mga mata.
Tiningnan niya ako sa aking mga mata at nanigas ang aking katawan, may pumasok na malamig na hangin. Siyay humihiyaw-hiya at nag-sisisigaw. Hindi ko maintindihan ang sinisigaw niya. Namutla ako na parang mamamatay.
Pinilit kong labanan ang kaniyang aura, sinigaw ko ang ganito “Isa kang mangkukulam!! Mangkukulam ka!! Layuan mo ako kung ayaw mong pumutok ang katabaan ng katawan mo!!.”
Umusok ang kaniyang katawan, kulay itim, mabaho ang amoy na hindi mo maintindihan. Kumaripas na ako ng takbo pabalik, palabas ng shortcut.
Lumiliwanag ang daan, galing sa kaitaasan. Naaninag ko na ang daan palabas. Ang bilis ng aking takbo, kumakaripas.
“Nasa anong uri ba ng lugar ako, bakit kakaiba ang mga nangyayari?”. “medyo nagagalak ako pakiramdam koy napatay ko ang mangkukulam”.
Nakalabas na ako sa gubat, naaninag ko na muli ang siyudad puro ilaw at ang diretsong mahabang kalsada. Nang tumawid ako may nakasalubong akong isang lalaki, nagsalita siya at sinabing.
“Hindi mo dapat na dinaanan ang eskinitang iyon sapagkat sinumpa ang lugar na yun, Ililigaw ka sa gubat na pugad ng maraming mga mangkukulam, Wala nang iba pang nakalabas dun, silay ginawang hapunan ng mga mangkukulam at habang buhay na silang makukulong dun.”
Maya maya pa, naramdaman kong may kumalabog sa kusina. At akoy nagising sa panaginip. Hindi ko alam na panaginip lang pala yun. Sobrang nakakakilabot ang panaginip na yun, katulad ng isang bangungot.
Dumiretso ako sa kusina para uminom. Binuksan ko ang ref, kinuha ang malamig na tubig sa pitsel at uminom. Ang oras ay 12:30 ng medaling araw. Sa pagsara ko ng ref, tumingin ako sa taas.
Nakita ko ang aking uncle na nakabarong na puti at nakalutang sa taas ng refrigerator namin. Natumba ako sa sobrang takot, wala namang ibang tao sa bahay namin kundi ako lang. Nakatingin siya sa akin na parang nakangiti at unti unti siyang naglaho sa taas ng ref.
Kinabukasan nabalitaan ko, ang aking uncle ay patay na. Inatake siya sa puso sa kahabaan ng tour nila sa Zambales. Hindi na siya inabot na buhay sa Hospital.
Story by: erwinmilitar99@yahoo.com
Lunes, Nobyembre 19, 2012
Sa Isang Madilim na Gubat ang Daan
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento