Bata palang ako ng namulat na ako sa aming relihiyon, bininyagan kasi akong Katoliko. Malaking porsyento kasi ng mga Pilipino eh Roman Catholic. Di mawawala sa kanila ang tradisyong gumalang sa mga santo. Ang iba pinupunasan pa nila ng panyo. Ang iba pinapasan sa kanilang balikat.
May celebrasyon na tinatawag na Mahal na araw, uso na naman ang Pasyon. Inaalala nila ang pagkamatay ni kristo sa krus. Inilalabas nila ang mga rebulto at larawan ni kristo, naglalagay ng kandila sa altar, sinisindihan at binabasa ang bibliya na parang umaawit.
Isang dapit hapon kasama ko ang aking mga kaibigan na si Sarah at Mark labing isang taong gulang palang kami nung araw na yun. Naglalaro kami nang taguan nang may makita kaming isang malaking bahay na luma na, panahon pa ng mga kastila ang disenyo nito di kalayuan sa aming bahay.
Hindi namin maisip na may ganitong bahay pala dito sa subdibisyon na ganito ang disenyo at nag iisa lang ito sa maraming bahay.
Ako ang taya at kailangan kong hanapin sila Sarah. Nag-bilang ako ng isa hanggang sampo hanggang sa mawala sila Sarah at Mark. At oras na para hanapin ang mga kolokoy, pinasok ko ang malaking bahay na mukhang haunted house na walang pag aalinlangan. Nagbabakasakaling ma-taya ko ang aking mga kaibigan pero mukhang tahimik at walang sumasagot.
Nakita ko ang loob ng bahay, walang mga gamit at puro agiw sa kisame at medyo madilim. Mayamaya may narining akong tunog ng gitara na nag strum ng isang beses at nawala rin ang tunog. Gusto kong hanapin kong saan nagmula ang tunog.
Naglakad lakad ako at umakyat sa 2nd floor nito. Nakakatakot talaga ang loob ng
matandang bahay na ito. Hinanap ko ang mga kaibigan ko pero parang wala namang tao sa loob.
At may nakita akong isang kwarto, may umaawit na pang pasyon sa loob na isang
matanda, di ko maintindihan ang kanyang salita, pinasok ko ang kwarto. Bumungad sakin sa loob ng kwarto ang napakadaming Rebulto at larawan ng mga taong may ibat ibang mukha. Nakita ko rin ang mga kandilang kulay itim na may sindi. Nakakakilabot, nagsimula na akong manlamig at halos kulay violet na ang aking labi.
Nakita ko ang isang matandang babae na nakaluhod sa altar na may hawak na
isang maliit na libro na parang bibliya pero ibang letra ang mga nakasulat. Bumubulong siya sa hangin na parang umaawit, di ko maintindihan ang salita na ginagamit niya, parang kastila o latin pero alam kong nagpapasyon siya.
Ang matanda ay lumingon sa akin. Siyay nakatalukbong ng itim, at sobrang kulukulubot na ang balat. Nakakatakot ang mga mata nito.
Akoy takot na takot at nanlalamig, at di makagalaw. Gusto kong tumakbo palabas
pero hindi ako makagalaw at hinihigop ako papasok ng dahan dahan at parang may nagpipilit sakin na tumingin sa isang krus.
Isang Tao ang nakapako sa krus kulay itim ang mukha nito at maiksi ang buhok,
nakasulat ang aking pangalan sa uluhan ng krus, nakalagay rin ang date ng birthday ko at isa pang date pero napakalabo at di ko mabasa, ang nabasa ko lang na word eh “Date Died:”
Pinipilit ko ang aking sariling makagalaw pero hinihigop ako ng altar papalapit sa matandang babaeng naka itim.
“Wag po! Wag po!! Ayaw ko pang mamatay!” akoy napasigaw sa takot hanggang sa madampi ko na ang kamay ng matandang babae na nag sasabing “Halika!! Halika!!” na ang boses niya ay parang isang ugong na nanggaling sa di ko malamang napakalalim at nakakatakot na lugar. Napakalamig ng kamay nito na parang multo ng isang kaluluwang patay na. Pinipilit ako ng matandang babae na magmano sa kanya sa harap ng altar.
Sabi ng nanay ko pag nasa bingit daw ako ng panganib o sa nakakatakot na lugar banggitin ko daw ang pangalan ni Kristo. Binanggit ko ang pangalan ni Kristo ng tatlong beses “Dios ko, Tulungan nyo po ako!” at unti unting uminit at lumuwag ang pakiramdam ko at nakatakas ako sa kamay ng matandang babae.
Kumaripas ako ng takbo pababa ng 2nd floor at takbo takbong lumabas palayo sa matandang bahay na inaamag na. Hindi ko na inisip na hanapin ko pa ang aking mga kaibigan.
Nang nakalabas na ako dinungaw ko ang matandang bahay at napansin ko na parang palabo ng palabo ang bahay hanggang sa naging transparent at nawala na parang bula.
Maya maya natagpuan ako ng aking mga kaibigan at sinabi sa akin.”Hoy Mathew, nandito ka lang pala? hinahanap ka na ng mama mo, isang araw ka nang nawawala!” nabigla ako sa sinabi nila, eh parang 10 minuto lang ang mga nangyari nung nasa loob ako ng matandang bahay eh. Hindi pa rin ako makapag salita hanggang sa dinala ako sa bahay namin at konti konti kong ikinuwento ang lahat sa kanila.
May nagkuwento rin sa amin na ang matandang bahay daw na iyon ay 50 years ng giniba dahil araw araw may nagpapakitang ligaw na kaluluwa ng isang matanda doon. Sa paglipas nang araw pinaganda ang lugar at ginawang subdibisyon. At matapos nun wala nang ibang balita pa tungkol sa matandang babae.
Story by: erwinmilitar99@yahoo.com
Lunes, Nobyembre 19, 2012
Ang Pasyon ni Lola
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
2 komento:
Grabe naman, Gabing gabi na bakit ngayon ko pa naisipan na magbasa nito.
Katakot gbi pamo
Mag-post ng isang Komento