COPYING, REPOSTING, SHARING, AND EXPORTING POSTS FROM PINOY HORROR STORIES TO OTHER WEBSITES OR FORUMS ARE ALLOWED AS LONG AS YOU PROPERLY CREDIT IT TO US. THANK YOU AND GOD BLESS!

Share

Miyerkules, Hunyo 1, 2011

Babae sa May Puno

Lasing na lasing at sobrang inaantok na si Perry, isang 24-year-old engineering graduate. Kakauwi niya palang sa probinsya nila sa Romblon at nag imbita ang kababata niyang si Popoy na makipag inuman. Since kararating lang ni Perry sa bayang kinalakhan niya at birthday din ng kababatang si Popoy, pumayag ito.

Ngunit nawala sa isip ni Perry ang oras, at nakalimutan din niyang i-moderate ang pag inom. Kaya mga alas dose na ng umaga siya umalis mula sa bahay ng kaibigan. Sinubukan siyang pigilan at sa halit, doon na lamang patulugin, pero ininsist ni Perry na siya ay uuwi nalang.

Habang nag lalakad sa isang kalyeng walang ka-tao-tao, pagewang gewang ang lakad ni Perry, at halos hindi na rin niya mabuksan ang kanyang mata sa sobrang kalasingan. Pero may isang bagay ang gumising sa kanya.

May nakita siyang napagandang babae mula sa isang napakalaking puno. Napakahaba ng buhok nito, hanggang bewang at sobrang itim. Nakasuot ito ng napakapulang sleeveless na blouse, at maiksing saya. Nakasuot din ito ng sapatos na may mataas na takong. Walang make up ang babae ngunit napakaganda ng itsura niya, mistulang isang artista. Pero may napansin si Perry, hindi match ang itsura ng babae sa suot niya. Pero ipinagwalang bahala niya ito lalo na ng kinausap siya ng babae.

"Hi, ayos ka lang ba?" tanong ng babae kay Perry.

"Hi miss. Ah oo, ayos lang ako." sagot ng lasing na lasing na si Perry. ("Ayos!" pabulong na sinabi ni Perry.

"Mukhang lasing na lasing ka ah. Gusto mo, ihatid kita sa inyo?" wika ng babae.

"Ah, wag na miss. Baka makaabala pa ako sayo eh. Hehe." napangiti si Perry.

"No, I insist. May kotse ako, gusto mo dumaan muna tayo sa bahay?" muling sabi ng babae.

Napatingin si Perry sa paligid, at hindi niya inaasahang makakita ng isang napaka garbong pulang Ferrari na kotse. Kani-kanina lang ay walang kahit anong sasakyan. Pero dahil sa ganda ng babae, muli, ipinagwalang bahala niya ang kakaibang pangyayari.

"Dahil mapilit ka, sige. Hehehe.."

"Ipapakilala kita sa parents ko."

"Agad agad?" natatawang sabi ni Perry. ("Lakas ng tama sa akin ng babaeng ito!" muling bumulong si Perry sa sarili.

Maya maya pa ay sumakay na ang napakaganda at sexing babae sa kanyang Ferrari.

"Tara na!" sabi nito kay Perry. Excited naman na sumakay sa kotse ang lalake.

"Pero pag dating sa bahay, wag na wag kang hihingi ng asin, kung hindi, mawawala ang lahat."

Hindi man masyadong na-gets ni Perry, um-oo pa rin ito makasama lamang ang napakagandang dilag.

Maya maya pa ay dumating sina Perry at ang babae sa isang napaka grande, malaki, at sobrang gandang bahay. Nagulat si Perry dahil sa di kalayuan ay narating niya na ang bahay, na sa pagkaka alam niya ay wala sa kanilang lugar.

Pumasok sila, doon nakita ni Perry ang tatay at nanay ng babae. Bata pa ang magulang ni Perry. Halos kuya at ate lang ang dating nila para kay Perry. Ngunit hindi niya na ito iniisip. Kagaya ng babaeng nakapula, ang nanay at tatay niya ay lubhang gwapo at maganda. Mga mistiso, matangos ang ilong, matangkad, at artistahin.

Nakipag usap sila kay Perry habang nasa habag, napakaraming masasarap at pang mayaman na pag kain. Kung ano ano lang ang pinag usapan nilang apay. Mistulang nagpapaalam na si Perry na magpakasal sa babae.

Pagkatapos kumain ng masasarap na ulam, nag hain naman ang mga magulang ng babae ng iba't ibang prutas. May mga preskong mangga, dalandan pinya, saging, mansanas at iba pa. Mahilig si Perry sa dalandan, pero bago niya kagatin ang mangga, nakalimutan niya ang bilin sa kanya ng babae.

"Pwede po makahingi ng asin?" tanong ni Perry. Saka pa lamang niya naalala ang bilin ng dalaga.

Bigla, naglaho ang lahat. Ang magarbong bahay, magandang paligid, ang babae at ang kanyang mga magulang. Lahat naglaho.

Ang nangyari, nahanap niya ang sarili sa taas ng napaka taas at laking puno. Sa kanyang alaala, ito rin ang puno kung saan nang galing ang babae nakita niya.

Sinubukan niyang magtawag ng mga tao, ngunit wala pang mga taong dumadaan sa mga oras na iyo. Kinabukasan na siya nakuha.

Sa sobrang taas ng puno, hindi makapaniwala ang mga tao na maakyat iyon ni Perry. Hindi nila alam kung ano ang tunay na nangyari.

Sino ang babaeng nakita ni Perry kagabi? Totoo ba ang nangyari, o dulot lamang iyon ng kalasingan niya? Maari kayang ang babae ay isang.. engkanto?


1 komento:

ballpen88 ayon kay ...

natakot ako dun creeppy naman, naku kahit maganda sya, di ko parin yun papatulan

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Your Ad Here

Follow by Email

Disclaimer

The pictures and videos posted here in PHS aren't our properties unless stated. We get pictures and videos from the internet and post it here. Some stories also came from the internet and we carefully credit the stories to its respectful owners or sources. However, if you have or if you own something here in PHS, you can tell us to remove it and we will do so if we have confirmed that you're the owner. Tell us at pinoyhorrorstories@gmail.com

Some stories/videos/pictures of PHS are properties of PHS. It can be written by PHS authors, or submitted by a PHS reader.

We allow the readers to share the posts and stories posted here in PHS to other websites as long as they properly SOURCE or CREDIT the story to us.

STORIES, VIDEOS, OR PICTURES that are posted here can either be FICTIONAL or a REAL ENCOUNTER.

WE ARE TERRIBLY SORRY FOR SOME MINOR GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS IN THIS BLOG. WE ARE NOT PROFESSIONAL WRITERS, WE HOPE YOU UNDERSTAND. THANK YOU.

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP