COPYING, REPOSTING, SHARING, AND EXPORTING POSTS FROM PINOY HORROR STORIES TO OTHER WEBSITES OR FORUMS ARE ALLOWED AS LONG AS YOU PROPERLY CREDIT IT TO US. THANK YOU AND GOD BLESS!

Share

Miyerkules, Hunyo 29, 2011

Mga Kasama sa Bahay

Madaming multo dito sa bahay namin. Hindi kalakihan pero bawat sulok ng bahay mararamdaman mong may nakatitig at sumusubaybay sayo. Kahit umaga, andyan yung bigla nalang may kakalabit at sisitsit sayo. Nakakatakot diba?

Madalas akong makakita at makaramdam ng kung ano dito sa bahay. Hindi lang naman ako, lahat kami. Pero ako ang pinakalapitin. One time nga, natutulog ako nang biglang hinatak yung kumot ko, pag tingin ko may nakatayong babae, nakaputi at duguan ang mukha. Hindi ako natakot, kinabahan lang na baka saktan ako. Kaya wala akong ginawa kundi magdasal. Bobo din ako nung madaling araw na yon, di manlang ako sumigaw para manghingi ng tulong. Pero kung sabagay, duwag lahat ng tao dito eh.

Kaya din walang nag tatagal na kasambahay dito samin kasi nag papakita sila. Madalas dito sa taas nag papakita, pero sa kusina namin, nang hahawak ng binte.
Isang beses, 5pm ako lang mag isa sa bahay, kumakain ako sa lamesa sa kusina biglang may humawak sa paa ko. Sa sobrang takot ko, nag lock ako sa kwarto at nagtalukbong ng kumot.

Simula nung nag Ondoy, maraming namatay dito sa lugar namin at mga inanod dito sa ilog malapit samin, mas madalas na silang nag paparamdam. Tuwing umuulan, nakikisilong sila sa bahay-bahay at nag paparamdam. Tuwing nag sisigawan, nag lalaglagan ang mga gamit. Tuwing sobrang tahimik, may mag lalakad na kung ano sa itaas ng bahay.

Minsan gaya-gaya sila. Gagayahin nila yung ibang tao dito sa bahay at biglang tatakbo pagtapos nilang mapagkamalan. Odiba bongga!?

Kaninang 5am nakakita yung kasambahay namin. Habang nag aasikaso daw siya ng mga gamit ng pinsan ko, umakyat siya kasi may maingay sa taas. “Kio, ang ingay mo magigising sila” pero nagulat daw siya nung papalapit na sya sa hallway ng bahay biglang lumakas yung kalabog ng tumatakbo, pag bukas niya ng pinto nagulat daw siyang may batang naka uniform at biglang nawala. Akala niya yung pinsan ko yon. Bumaba daw siya tapos nagulat siyang andun yung pinsan ko sa CR naliligo. Sa sobrang takot niya, napaiyak at napasigaw siya.

Kaninang 2pm nasa sala kaming lahat, nag kakasayahan sa Omegle. Nakaupo si lola sa sofa malapit sa madilim na part ng bahay papuntang CR, Biglang sabi nya “Sino yung dumaan na nakaputi?” Edi lahat kami napatingin sakanya. Sabi ni tita “Baka si Ab.” Nag kakatakutan na, pinilit nila akong pumunta don para i-check kung may tao nga. Pag lapit ko, wala naman. Walang tao kasi lahat kami nasa sala. Takbuhan silang lahat sa labas ng bahay, habang ako inikot ko yung buong bahay para ma-sure na walang kung sinong nananakot. Tapang ko no?

Sobrang takot lahat ng tao ngayon dito samin :\ Tapos ako nagtatapang tapanggan nalang kasi sobra na. Ilang days nang may something na nag papakita at nag paparamdam. Andito ako sa taas mag isa ngayon, nag-aantay.

“Kausapin ang mga gumagalang espirito para di na manggambala pa.” -tito
At yan ang gagawin ko.

Source: ohitsarianne.tumblr.com

1 komento:

Tiradauno ayon kay ...

Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Your Ad Here

Follow by Email

Disclaimer

The pictures and videos posted here in PHS aren't our properties unless stated. We get pictures and videos from the internet and post it here. Some stories also came from the internet and we carefully credit the stories to its respectful owners or sources. However, if you have or if you own something here in PHS, you can tell us to remove it and we will do so if we have confirmed that you're the owner. Tell us at pinoyhorrorstories@gmail.com

Some stories/videos/pictures of PHS are properties of PHS. It can be written by PHS authors, or submitted by a PHS reader.

We allow the readers to share the posts and stories posted here in PHS to other websites as long as they properly SOURCE or CREDIT the story to us.

STORIES, VIDEOS, OR PICTURES that are posted here can either be FICTIONAL or a REAL ENCOUNTER.

WE ARE TERRIBLY SORRY FOR SOME MINOR GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS IN THIS BLOG. WE ARE NOT PROFESSIONAL WRITERS, WE HOPE YOU UNDERSTAND. THANK YOU.

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP