COPYING, REPOSTING, SHARING, AND EXPORTING POSTS FROM PINOY HORROR STORIES TO OTHER WEBSITES OR FORUMS ARE ALLOWED AS LONG AS YOU PROPERLY CREDIT IT TO US. THANK YOU AND GOD BLESS!

Share

Sabado, Mayo 28, 2011

31st Floor

"Call center butterfly" ang tawag nila sa tulad ko. Hindi kasi ako mapirmi sa isang call center. Hindi ko usually inaabot ang regularization, lumilipat ako agad sa iba after a few weeks on the floor. Ewan ko. Siguro that is how I was wired.

It works for me. Kung pwede nga lang mag kulong sa kwarto at mag DVD marathon o mag sound trip, yun ang gagawin ko maghapon.

But sometimes it bothers me. Hindi ko ito nababanggit sa iba. Pero I'm a ghost magnet yata. Most of the time, graveyard ship ako so pag lumabas ako ng house mga past 6 na. Madilim na dun sa nilalakaran ko papunta sa saayan ng jeep na magbababa sa EDSA. Maraming beses na kasi nangyari na may makakasalubong akong naglalakad--weird--nakatitig sa akin na para bang nanlilisik ang mga mata. Tas pag pinilit kong i-spot nilalakaran nila, nakalutang ang mga paa nila sa lupa.

Alam ata nila na nakikita ko sila. May mga kaluluwang gumagala na ayaw talaga magpaabala. Nagagalit sila pag sinusundan sila ng tingin. Naalalala ko minsan nung bata pa ako, naglalaro ako sa bangketa tas may dumaang karo ng patay. Dun sa mga kapamilyang nakabuntot sa karo, may nakita aong maputlang lalaki na nakapamburol, nakatitig sa akin. Hindi na naalis yun sa isip ko.

Dun sa isang call center na pinasukan ko, sabi nila may bata raw na naglalaro sa mga training rooms sa 25th floor. Madalas hinahampas niya yung swivel chairs.

Yung CR nga sa dulo, wala nang gumagamit dahil madalas siya roong nagpaparamdam. Akala mo may laman ang isang cubicle dahil me maririnig kang mga kaluskos, wala naman pala. Minsan nga nag CR ako dun mag isa. Habang naghuhugas ako ng kamay, biglang kumindat yung ilaw. Tas sa gilid ng mga mata ko, para bang may nakita akong payat na nakablue uniform sa tapat ng ihian, nakalutang ang mga paa niya mga 2 feet mula sa sahig. Baka iyon yung multo ng namatay sa elevator. May isang utility man daw kasing nagkukumpuni ng sirang elevator tas nag short [circuit] ata yung mga kable. Ayun, nabagsakan siya ng elevator mismo. Patay agad.

Isang madaling araw, nang mag rounds yung guwardiya, binuksan niya yung Training Room 3. May nakita raw siyang tao na nakaharap sa computer. Akala niya agent. Pagsasabihan daw niya sana kasi bawal mag stay sa training room kahit before mag start ang class kaso nakatalikod ito sa kanya so tinawag niya. Hindi ito sumagot. Pagbukas niya ng ilaw, wala siyang nakitang tao.

Sa workforce naman namin, may isang area na sobrang lamig kahit nakapatay ang aircon. Isang araw, nung kinakausap ko yung kabatch ko dun bigla nalang tumilapon yung Avaya, yung phone na ginagamit namin sa calls. Nagtaka sila. Minsan kasi bigla nalang umikot yung isang upuan ng 360 degrees. Sa takot nila, nagtakbuhan daw sila lahat. "Baka poltergeist yung multo," sabi ng kabatch ko. Hindi ko nalang binanggit na nakita ko yung reflection ng bata sa salamin ng window. Tumakbo siya at nagtago sa ilalim ng isang computer station na parang naglalaro.

Parang nasanay na ako sa dami ng mga manifestations. At least, hindi pa ako nakakakita ng mga multo na sabot ang bungo o putol ang kamay, yung tipong naaksidente.

Hanggang sa mag work ako sa isa pang kompanya sa Ortigas. Sabado kaya konti lang ang agents na may work saka rest day ng mga nag oopisina. Mga 8 pm yun kaya si manong na lang ang inabutan ko. Sa 36th floor ang mga work stations namin. Bago ko i-swipe ang ID ko bigla akong kinilabutan. Sabi ko, baka malamig lang kasi malakas ang ulan sa labas. Nag good evening si manong--"Pauwi na?" usisa niya--saka binusisi ang bag ko. Tapos kinuha ko yung payong ko dun sa lagayan sa tabi ng door.

Hanggang sa tapat ng elevator sa 36th floor ay parang aburido ako. Pinindot ko yung "down" button. Binilang ko sa isip yung changing numbers sa itaas. Nag ding ang elevator at bumukas ang pinto. Walang tao. Nakita ko yung reflection ko sa salamin. Nilingon ko si manong tas nag wave siya sa akin. Pumasok ako sa elevator at pinindot yung "G" para bumaba sa ground floor.

Kulob yung katahimikan. Binibilang ko ulit sa isip ko yung numbers..nang biglang huminto yung elevator. Nag stop sa 31st floor. Bumukas yung door. Walang tao. Nung magsasara na yung door, biglang may lumapit na matandang babae, may kasunod na bata. Pinindot ko yung button para bumukas ulit ang pintuan. "Salamat." sabi niya. Nakahawak sa braso niya yung bata.

Nakatingin sa akin yung bata. Nakakapote siya, yung bata transparent. Pero basang basa yung buhok niya. Basa pati yung gilid ng mga mata niya. Sumugod ito sa ulan, sabi ko sa sarili ko. Ito namang nanay, kako, hindi pinayungan ang anak niya. Ang lakas pa naman ng ulan sa labas.

Hindi ko gaanong napansin yung mukha nung nanay. Medyo stocky ang katawan niya. Naka t-shirt lang siya at maong. Parang ahente ng mga cosmetic products, yung tipong mag oorder ka gamit ang brochures nila. May dala siyang malaking shoulder bag. Ang naaalala ko yung kuwintas niya na may parang jade na pendant yung nabibili sa mga Muslim sa greenhills.

Dinukot ko ang cellphone ko. Isinaksak ko ang earphones sa mga tenga ko. Inopen ko yung playlist at iniscroll down ko sa "On The Radio" ni Regina Spektor. Clinick ko yung play. Sa itaas ng pintuan ng elevator, pababa nang pbaba yung mga numbers: 28, 27, 26, 25...

Biglang bumukas ang pintuan ng elevator sa 23rd floor. Nagulat ako. Nagkatinginan kami ng babae. Hinintay naming may pumasok. As usual, walang tao. Nakakayamot. Nung magsasara na yung elevator, nagbubukas ulit. Ganun siya mga dalawang beses ata. Parang nagha-hang nang half open. Pinindot ko yung "close" button.

Pagkababa namin sa ground floor, nauna akong lumabas ng elevator. Sumunod sa akin yung ale. Tsinek ng guard ang bag ko. Gumilid ako para isa ang zipper ng bag ko. Yung bag bag naman ng babae ang tsinek ng guwardiya.

"Asan po yung anak niyo?" tanong ko sa babae.

"Ha? Anong anak?" pagtataka niya.

"Kanina po may kasunod kayong bata e. Nakakapote."

"Mag isa lang akong bumaba." sagot niya.

"Nagbiro yung guard. "Baka yung batang multo raw ang sumabay sa amin sa elevator. "Manong naman!" ang takot ng ale. Natahimik nalang ako.

Story by: Mark Angeles, courtesy True Philippine Ghost Stories book 22

3 komento:

Camx ayon kay ...

But sometimes it bothers me. Hindi ko ito nababanggit sa iba. Pero I'm a ghost magnet yata. Most of the time, graveyard ship ako so pag lumabas ako ng house mga past 6 na.

proofread this one po.. baka Shift ang gusto sabihin ng writer.. dami ko po nakita na kailangan nyo iproofread sa mga articles niyo.. but really had fun reading stories :)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

sa Telus ba to? Feeling ko sa telus to e. Naging call center agent ako ng telus and i can attest na may paranormal activity dun sa 31st floor at 25th floor.. Gosh nun nabasa ko to dun ko lang npatunayan na totoo pala at di lang ako nkranas ng mga ghost stories dun.. share ko lang sa snoozebox - sleeping quarters nmn i was sleeping together with a friend mgkatabi kme ng bed ng friend ko, nsa kaliwa ko sya, then ngcng ako kc may nrmdaman akong kakaiba, nakatalukbong akong mtulog then sobrang takot akong magbaba ng kumot, pero ngmatapang ako, pglingon ko sa kaliwang bed after ng bed ng friend ko my nkta akong lalaki parang wax figure, shit prang naimajin ko anu un nkta ko bangkay ba un? -- it turned out ung friend ko nrmdaman ung same kaba tas nagmatapang dn syang tanggalin talukbong nya pgka tingin nya sa kaliwa nya shit un dn nkta nya.. Same description pparang bangkay na wax figure. 2nd story, my mga guards dun sa 33rd floor nglog out nko sa sleeping quarters nsa reception area nako, pglingon ko sa kanan ko may prang guard na nktignin sakin from afar, sbe ko sa guard na nsa reception area kuya 2 uniforms nio no its either black or white. Sbe nya opo ma'am bkt po. Ah kc ung guard nktingin skn nkablack sya matangkad -- ay mam sbe nya wg nmn po kayo manakot kc white po color nmn for the day. Eeeee grabe takot kme pareho eto ang catch..



Kya kme ntkot preho kc alam nmn story nun guard DAW na nmatay bgo pa mgduty, nakamotor sya had a freak accident ppunta dpt ng work sa telus. Sbe nagroroving prin sya naglilibot sa floors sa discovery suites. Mostly sa 35th 33rd at 37th

atnikel96 ayon kay ...

Sa tektite din meron nung run pako nagwowork, sorry ka na lang pag sumabay sayo kasi ung elevator pagdating ng ground di sya pantay kailangan mong lumakdang....

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Your Ad Here

Follow by Email

Disclaimer

The pictures and videos posted here in PHS aren't our properties unless stated. We get pictures and videos from the internet and post it here. Some stories also came from the internet and we carefully credit the stories to its respectful owners or sources. However, if you have or if you own something here in PHS, you can tell us to remove it and we will do so if we have confirmed that you're the owner. Tell us at pinoyhorrorstories@gmail.com

Some stories/videos/pictures of PHS are properties of PHS. It can be written by PHS authors, or submitted by a PHS reader.

We allow the readers to share the posts and stories posted here in PHS to other websites as long as they properly SOURCE or CREDIT the story to us.

STORIES, VIDEOS, OR PICTURES that are posted here can either be FICTIONAL or a REAL ENCOUNTER.

WE ARE TERRIBLY SORRY FOR SOME MINOR GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS IN THIS BLOG. WE ARE NOT PROFESSIONAL WRITERS, WE HOPE YOU UNDERSTAND. THANK YOU.

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP