COPYING, REPOSTING, SHARING, AND EXPORTING POSTS FROM PINOY HORROR STORIES TO OTHER WEBSITES OR FORUMS ARE ALLOWED AS LONG AS YOU PROPERLY CREDIT IT TO US. THANK YOU AND GOD BLESS!

Share

Miyerkules, Agosto 1, 2012

Santa Monica: A Filipino Ghost Story Chapter III: Pulang Buwan


Nakaupo si Lola Perla sa labas ng kanilang bahay at nag aabang sa pag uwi ng kanyang apo. Nagtataka siya dahil alasais na at wala pa rin ang kanyang apong si Steve.

Napansin ni Lola Perla ang buwan, maliwanag ito at mistulang malaki sa langit ng Santa Monica. Hindi nagustuhan ni Lola Perla ang nakita, ang buwan ay kulay pula.

Matagal nang panahon ang lumipas nang huling naging pula ang buwan sa bayan ng Santa Monica. Hindi ito isang phenomenon ng siyensya, yun ang alam ni Lola Perla. Nagiging mapula lamang ang buwan sa Santa Monica tuwing mayroong masamang mangyayari.

“Diyos ko,” ang nasambit ng matanda.

***

Nagising si Dr. Mark Elizalde nang narinig niyang may kumatakot sa pintuan ng kanyang kwarto.

Ang ospital sa bayan ng Santa Monica ay isang ospital na pinamamahalaanan ng gobyerno. Mayroon lamang tatlong doktor sa ospital at isa lamang ang duty sa loob ng bawat tatlong araw. Si Dr. Mark ang duty sa gabing iyon.

Nakita ni Dr. Mark sa digital clock sa tabi ng kanyang kama na 6:10 na nang gabi ang oras.
“Nako, napahaba ata ang pag-idlip ko.” Ang sabi ng doktor.

Madilim sa buong kwarto, tanging ang pulang buwan lamang sa labas ang nagibibigay ng mahinang ilaw sa loob ng silid.

Binuksan ni Dr. Mark ang ilaw at isinuot ang kanyang puting blazer. Ngunit nagtaka siya dahil pag bukas niya sa pinto ay wala namang tao.

Bawat doktor sa ospital ay may sariling kwarto. Ang tatlong doctor’s quarters ay nasa isang mahabang hallway sa unang palapag ng ospital, hindi kalayuan mula sa emergency room. Ang mga ilaw sa hallway ay pumipitik at mahina na. Napaisip tuloy si Dr. Mark kung guni guni lang ba niya ang narinig niyang pagkatok.
Maya maya pa ay dumating na isang nurse.

“Good evening po, Dr. Mark, mayroon pong pasyente sa emergency room.” Sabi ng nurse.

“Kararating mo lang ba, Mel?” ang tanong ng doktor.

“Opo, bakit po?”

“Ah, wala naman.”

Nanlamig ang doktor.

***

“Steve, pwede ka nang umuwi. Baka hinahanap ka na ng lola mo.” Sabi ni Mrs. Anchetta, ang principal ng Santa Monica High School sa waiting area ng Santa Monica Hospital, malapit sa emergency room. Kasama ni Steve ang principal na dinala si Josephine nang nawalan ito ng malay sa MQ building, ilang minuto na ang nakalipas.

“Ah, maya maya na po. May kailangan po akong itanong kay Josephine.”

“Diyos ko, Steve, pasado alasais na. Kung nag aalala ka tungkol kay Josephine, magiging okay siya. 

Tinawag na ng nurse ang doktor, at gagamutin nila si Josephine. Umuwi ka na, baka ikaw ang dalhin sa ospital mamaya pag may nangyaring masama sayo.” Giit ng principal. “Besides, baka bukas pa pwedeng kausapin si Josephine, so bumalik ka nalang ulit. Parating na rin ang parents niya kaya wala ka nang dapat ipag-alala.”

Bagamat ay gustong maghintay ni Steve ay wala siyang nagawa.

Paglabas ng binata sa ospital ay agad niyang napansin ang pulang buwan. Ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang buwan na may kakaibang kulay.

Madilim na sa kalsada at malayo layo pa ang kanyang lalakarin. Habang naglalakad siya ay inisip niya ang nangyari kay Josephine, ang mga bakas ng dugo na unti unting naglaho sa pader at sa sahig ng 2nd floor ng Manuel Quezon building ng maabutan niyang walang malay ang dalaga.

Dahil sa kakayahan ni Steve na makakita ng mga kaluluwa ay alam niya kung ano ano sa mga kwentong kababalaghan tungkol sa Santa Monica High School ang totoo at hindi. Sa apat na taon niya sa high school ay dalawang beses pa lamang siya nakakita ng multo, at hindi pa malinaw ang mga imahe nito. Pero ayon sa kanyang lola, hindi raw ibig sabihin nun na dalawa lamang ang multo sa loob ng Santa Monica High School compound.

Sa pagkaka-alam ni Steve, o dahil sa kanyang eksperihensya, hindi kayang makakita ng mga ordinaryong tao ng multo at hindi rin kayang magpakita basta basta ng isang multo sa mga taong walang “espesyal na abilidad”, gaya ng kung anong meron si Steve. Kaya ganoon nalang ang pagtataka niya sa kung ano ang nakita ni Josephine, o kung may nakita nga ba talaga ang dalaga. Sigurado si Steve na walang “third eye” si Josephine.

Patawid na si Steve sa isang highway nang mapansin niyang merong nakasunod sa kanya. Nasa bahagi siya ng bayan kung saan ay halos wala nang street lights at walang masyadong bahay sa paligid. Pag lingon niya ay may nakita siyang isang binata, naka-puting t-shirt pa ito at nakasuot ng uniform pants ng Santa Monica High School. Nakayuko ang lalake at nakabulsa ang mga kamay.

Naramdaman ni Steve ang kakaibang aura ng lalake, kadudaduda, mapanganib.

“Sino ka?” tanong ni Steve sa lalake.

Unti unting iniangat ng lalake ang kanyang mukha, ngunit hindi pa rin siya makita ni Steve pagkat walang masyadong ilaw sa paligid.

“Kanina mo pa ba ako sinusundan?”

“Mas humahaba ang buhay ng mga taong hindi masyadong mahilig makialam.” Napatawa ng mahina ang lalake at tsaka lumakad palayo.

Plano sana siyang habulin at kumprontahin ni Steve ngunit bigla siyang may naramdaman, may nalaman. Malabo ang mensahe, ngunit alam niyang may masamang mangyayari sa Santa Monica bago matapos ang linggo. Sa isang lugar kung saan marami ang tao, dadanak ang dugo.

Bumilis ang tibok ng puso ni Steve.

***

Nasa master’s bedroom si Olivia at iniisip ang mga bagay bagay sa kanyang buhay. Pinapakinggan niya ang nakakabighaning tunog ng dagat at nilalanghap ang preskong hangin mula sa malaking bintana.

“Sana maging maayos na ang lahat.” Sabi ni Olivia sa sarili.

“Olivia, tara kain.”

Nagulat si Olivia sa narinig. Napatayo siya sa kanyang inuupuan. Bumilis ang tibok ng kanyang puso sa dahilang hindi niya malaman.

“Sino yan?”

Ang boses ay nanggaling sa dining area, mataas ito at nanggaling sa isang babae.

Pagdating ni Olivia sa dining area ay wala namang tao. Agad niyang inikot ang buong bahay, ngunit walang bakas ng kahit sino.

Chapter IV: Ella of Santa Monica: A Filipino Ghost Story is already published on Wattpad. Click here to read in advance.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Your Ad Here

Disclaimer

The pictures and videos posted here in PHS aren't our properties unless stated. We get pictures and videos from the internet and post it here. Some stories also came from the internet and we carefully credit the stories to its respectful owners or sources. However, if you have or if you own something here in PHS, you can tell us to remove it and we will do so if we have confirmed that you're the owner. Tell us at pinoyhorrorstories@gmail.com

Some stories/videos/pictures of PHS are properties of PHS. It can be written by PHS authors, or submitted by a PHS reader.

We allow the readers to share the posts and stories posted here in PHS to other websites as long as they properly SOURCE or CREDIT the story to us.

STORIES, VIDEOS, OR PICTURES that are posted here can either be FICTIONAL or a REAL ENCOUNTER.

WE ARE TERRIBLY SORRY FOR SOME MINOR GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS IN THIS BLOG. WE ARE NOT PROFESSIONAL WRITERS, WE HOPE YOU UNDERSTAND. THANK YOU.

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP