COPYING, REPOSTING, SHARING, AND EXPORTING POSTS FROM PINOY HORROR STORIES TO OTHER WEBSITES OR FORUMS ARE ALLOWED AS LONG AS YOU PROPERLY CREDIT IT TO US. THANK YOU AND GOD BLESS!

Share

Linggo, Hulyo 22, 2012

Santa Monica: A Filipino Ghost Story Chapter II: Santa Monica High School



Halos nagsisimula na lahat ng klase sa Santa Monica high school, Lunes, alauna ng hapon.
Ang Santa Monica High School ay isa sa pinaka-matatandang gusali sa buong bayan ng Santa Monica. Mahaba-haba na rin ang kasaysayan ng paaralan na naitatag noon pang 1922. Sa loob ng Santa Monica High School compound ay may tatlong mga gusali. Sa bandang kaliwa ay ang Andres Bonifacio building o AB Building, sa gitna naman ang Jose Rizal o JP building, at sa kanan naman ang Manuel Quezion o MQ building. Sa gitna ng tatlong gusali ay ang Santa Monica High School grounds na binubuo ng basketball court, stage, maliliit na benches at parks, at iba pang amenities.

Bago magsimula ang klase araw araw ay puno ang high school grounds ng daang daang mga estudyante. May mga naglalaro ng basketball, may nag aaral sa maliit na park, may nagtatawanan, may naghahabulan. Halos di mahulugang karayom ang high school grounds.

Isang hapon, hingal na hingal si Steve na dumating sa kanyang klase na nasa ikatlong palapag ng Manuel Quezon building.

Nagsisimula nang magturo ang beterano at matandang History teacher na si Mr. Ramirez.

“G-good morning po, Sir Ramirez.” Hinihingal na bati ni Steve sa guro. Basang basa ng pawis ang kanyang ulo at leeg. Lahat ng mga estudyante ay napatingin sa binata.

“Afternoon, Steve! Late ka na naman!” ang matigas na sagot ng guro.

“Ay, afternoon po pala. Sorry po, sir. Di na po mauulit.” Sagot ni Steve na basang basa ng pawis. Nagtawanan ang mga estudyante ng Fourth Year “Kalayaa” section.

Pumwesto si Steve sa bandang likuran ng classroom at bahagyang nagmasid sa mga estudyante.
Napansin ni Steve si Ella na bahagyang nakayuko at tahimik na parang may sinusulat sa kanyang notebook. Ang mga siko ng dalaga ay may mga gasa na tilaba ay nasugatan. Ipinagtaka ni Steve kung ano ang nangyari sa dalaga.

Bandang Pebrero na nang taon noong panahong iyon. Kaya karamihan sa mga babae sa classroom ay palihim na nag uusap tungkol sa gaganaping JS Prom sa darating na Sabado, February 13, 2010. Kung ang ibang babae ay masaya at excited sa gaganaping prom, nagtaka si Steve kung bakit tahimik si Ella gayong isa siya sa pinaka-tinitingalang mga dalaga sa buong paaralan. Imposibleng hindi ito interesado sa prom, o imposibleng pinoproblema nito na wala siyang makaka-date.

Hindi mapalagay si Steve dahil alam niyang may mali, may hindi magandang nangyari o mangyayari.
May espesyal na talento si Steve na hindi basta basta nahahanap sa mga ordinaryong teenagers o ordinaryong mga tao. May kapangyarihan siya na kadalasan ay nagiging paksa lamang sa mga horror movies.

May kakayahan siyang makakita ng mga taong yumao na, meron rin siyang espesyal na abilidad na magkaroon ng pangitain at malaman ang mga bagay dahil sa kanyang “instincts”. Ayon sa kanyang lola, ang kanyang abilidad ay “espesyal na biyaya mula sa Diyos”, pero minsan, iniisip niya kung ang Diyos nga ba talaga ang nag bigay sa kanya ng kanyang “espesyal na biyaya”. Minsan, pati siya ay natatakot sa kanyang kakayahan.

Naramdaman ni Steve na merong hindi sinasabi si Ella sa mga tao sa paligid nito. Alam niyang may bumabagabag sa dalaga, alam niyang may itinatago ito. Alam niyang may masamang mangyayari sa Santa Monica. Alam niya na ang kadiliman ay muling kakagat sa maliit na bayan.

 ***

Alas singko y medya ng hapon ay unti unti nang humuhupa ang dami ng mga estudyante sa loob ng Santa Monica High School compound. Merong mangilanngilan sa mga classroom na pawang kakatapos lamang mag linis, may konti pang mga estudyante sa basketball court, meron din mga tumatambay at nag uusap sa maliit na park, ngunit halos wala nang tao sa Manuel Quezon building.

Ang mga estudyante sa Manuel Quezon building na apat na palapag ang taas ay pawang mga Juniors at Seniors. Dahil na rin sa mabibigat na requirements ay palaging maagang nauubos ang bilang ng mga estudyante sa gusali upang makauwi sila ng maaga.

Bagamat karamihan sa kanyang mga kaklase ay nag siuwian na, si Steve ay naka upo lamang sa hagdan ng entrance ng MQ building. Iniisip niya kung ano ang saloobin ni Ella. Bagamat ay may kakayahan siyang malaman o maramdaman ang mga bagay bagay, hindi nagagamit ni Steve ang kakayahan kung kalian lamang niya gusto, kusa itong dumarating, parang electric bill buwan buwan, mas madalas lang ng konti.

Isa pa sa mga dahilan kung bakit siya ay nasa paaralan pa rin ay dahil bulong sa kanya ng isip ay merong mangyayaring hindi kagandahan at dapat siyang mag hintay at mag abang.

Habang ang kanyang isip ay naglalakbay ay bigla na lamang siyang may narinig na sigaw sa 2nd floor ng MQ building.

***

Naglalakad si Josephine mula sa CR ng mga babae sa West Wing ng 2nd floor MQ building habang kumakanta ng Love Story ni Taylor Swift nang maganap ang isang bangungot na kailanman ay hindi niya akalaing mangyayari sa kanya.

Lahat ng mga gusali sa Santa Monica High School ay apat na palapag ang taas. Mula ikalawa hanggang ikaapat na palapag ay pawang mga silid aralan lamang, samantala ang mga unang palapag ng lahat ng gusali ay binubuo ng admin office, faculty office, function rooms, music rooms, at iba pa.

Hugis L ang lahat ng corridor sa mga gusali. Sa west wing ng bawat corridor ay makikita ang mga CR, sa gitna naman ang mga hagdan, habang ang ibang bahagi ay mga classroom lamang. Umaabot hanggang 12 classroom bawat palapag.

Mabagal na naglalakad si Josephine habang inaayos ang kanyang buhok. Masaya pa siya at napakakanta. Ang kanyang mga kaibigan ay nasa park nang siya ay magpaalam para mag CR. Habang papalayo siya ng papalayo mula sa west wing ay may narinig siyang pagsutsut.

Agad na napalingon ang dalaga.

“Sino yan?” tanong niya.

Walang tao.

Ipinagkibit balikat ni Josephine ang narinig at pinag patuloy ang paglalakad.

“Psssss….” Isa nanamang sutsot ang narinig ng dalaga. Muli siyang napatingin sa kanyang likuran.

“Sino yan? Nako, hindi ako mahilig sa good time.” Saad ni Josephine.

Ngunit wala paring tao ang nagpakita. Ang mga pintuan ng mga classroom na kanya nang nadaanan ay pawang naka-kandado na, at walang kabakas bakas na meron pang estudyante o guro sa lugar.

Nangilabot si Josephine. Sa takot ay binilisan niya ang paglalakad. Nasa ilang metro nalang ay hagdanan na pababa. Ngunit bigla nalang siyang napatigil ng makarinig siya ng ungol.

Napalingon sa likod ang dalaga, at muntik na siyang mawalan ng malay nang masilayan ang katakot takot na pangitain.

Ang dating malinis na corridor ay nabakasan ng napaka-raming dugo. Ang puting pader ay animo’y binuhusan ng dugo, ang sahig ay parang pinaghilahan ng duguang tao at ang amoy ay parang nabubulok na bangkay.

Nanlaki ang mata ni Josephine pagtingin niya sa kanyang paa, direkta siyang nakatapak sa napaka-pulang dugo. Hindi makalagaw ang talaga, para bang may pumipigil sa kanya. Pag tingin niya sa harap ay halos tumigil ang mundo.

Napatulo na lamang ang luha sa mata ni Josephine, hindi siya makagalaw o makasigaw.

Mula sa dulo ng corridor ay may isang lalakeng naglalakad mula sa CR, nakasuot ito ng lumang uniform ng Santa Monica high school. Ang kanyang lumang polo ay basa sa dugo, nakayuko ito habang unti unting lumalapit kay Josephine. Ang mga kamay nito ay parang nilatigo, duguan at sugatan. Ang leeg nito ay balot ng barb wire, nag durugo at halos gray na ang kulay.

Lumakas ang tibok ng puso ni Josephine, ang kanyang mga tuhod ay nangatog habang palapit ng palapit ang duguang lalake. Hindi pa rin siya makagalaw at makasigaw. Sa sobrang takot ay bumaha na lamang ang luha sa kanyang mata, ang kanyang bibig ay bukas at paralisado, ang kanyang mata ay hindi makaiwas mula sa nakakagimbal na tanawin hanggang sa halos isang metro na lamang ang distansya nila ng lalake.

Unti unting inangat ng duguang lalake ang kanyang ulo. Ang mga labi ng lalake ay tinahi ng sinulid, ang kanyang mga mata ay nagdurugo dahil sa sobrang pambubugbog. Kitang kita ni Josephine ang pagkalas ng mga sinulid sa pagkakatahi nito sa labi ng lalake ng bigla itong sumigaw. Ang hininga mula sa bibig ng lalake ay nakakasulasok.

Dahil sa nakita ay nakabalik si Josephine sa sarili at napatili ng pagka-lakas lakas, halos mabaliw na ang third year high school student.

“AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!” sigaw ng dalaga. Ilang sandali lang ay nawala sa sarili si Josephine.

Wala nang malay si Josephine nang maabutan ito ni Steve. Nakita ni Steve ang bakas ng dugo sa corridor at sa sahig na unti unting naglalaho, ngunit wala na ang duguang lalakeng sumigaw sa harap ni Josephine.

CHAPTER III: Pulang Buwan of Santa Monica: A Filipino Ghost Story is already published on Wattpad. Click here to read in advance.

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Your Ad Here

Disclaimer

The pictures and videos posted here in PHS aren't our properties unless stated. We get pictures and videos from the internet and post it here. Some stories also came from the internet and we carefully credit the stories to its respectful owners or sources. However, if you have or if you own something here in PHS, you can tell us to remove it and we will do so if we have confirmed that you're the owner. Tell us at pinoyhorrorstories@gmail.com

Some stories/videos/pictures of PHS are properties of PHS. It can be written by PHS authors, or submitted by a PHS reader.

We allow the readers to share the posts and stories posted here in PHS to other websites as long as they properly SOURCE or CREDIT the story to us.

STORIES, VIDEOS, OR PICTURES that are posted here can either be FICTIONAL or a REAL ENCOUNTER.

WE ARE TERRIBLY SORRY FOR SOME MINOR GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS IN THIS BLOG. WE ARE NOT PROFESSIONAL WRITERS, WE HOPE YOU UNDERSTAND. THANK YOU.

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP