Sadyang napakainit ng araw nang dumating ni Olivia sa Santa Monica. Hindi niya mapigilan ang mairita pagkat kaya lamang siya napadpad sa maliit na bayan ay dahil gusto niyang umiwas sa magulo at masikip na mundo ng Maynila.
Si Olivia ay isang 26-year-old bank manager mula sa Metro Manila. Nanggagaling pa lamang siya sa isang hiwalayan, at isa yun sa mga dahilan kung bakit niya naisip na magpaka-layo layo muna. Limang taon rin kasing tumagal ang relasyon niya sa dating kasintahan, ang engineer na si Ricky.
“Ma’am, tulungan ko na po kayo.” Sabi ng trycicle driver.
Nasa limang naglalakihan na maleta ang dala ni Olivia.
“Salamat ho.” At binuhat ng driver ang mga gamit ng dalaga.
Bagamat ito ang unang beses ni Olivia sa Santa Monica, meron siyang pakiramdam na tila ba ay nakapunta na siya dito noon. Pero alam niyang imposible iyon, pagkat lumaki siya sa Australia, at nang magbalik ang pamilya nila sa Pilipinas noong siya ay kinse anyos ay sa Maynila na sila tumira.
Ang bahay na tutuluyan ni Olivia ay isang malaki at ancestral na tahanan na umano’y dating pag aari ng isang Gobernador-Heneral noong panahon pa ng mga Español. Natagpuan ni Olivia ang bahay sa pamamagitan ng internet. Pinili niya itong rentahan kahit na may kamahalan pagkat isang malaki at nakaka-relax na bahay lang talaga ang kanyang kailangan sa isang lugar na hindi madaling mahanap. Isa pa ang magandang dagat sa likod ng bahay kung bakit ay nabighani si Olivia sa lugar na ito.
Hindi pa alam ni Olivia kung hanggang kalian siya mananatili sa Santa Monica, pero plano niyang magsulat ng isang nobela habang siya ay nandito.
Pansamantala ring pinutol ni Olivia lahat ng komunikasyon niya sa mga kakilala. Isinarado niya ang kanyang Facebook, nagpalit siya ng cellphone number, at plano rin niyang wag munang buksan ang kanyang email sa mga susunod na linggo o buwan.
“Magandang tanghali ho,” bati ng isang matandang babae na kalalabas lamang mula sa bahay. “Ako po pala si Rosing, ako po ang caretaker ng bahay.”
“Magandang tanghali rin po, Aling Rosing. Ako po si Olivia, Olivia Montes.” Sagot ni Olivia, sabay ngiti.
“Tara ho, pasok na ho tayo.” Sabi ni Aling Rosing, sabay dukot ng mga susi mula sa bulsa ng kanyang duster.
Pag pasok sa gate ay mistulang nang iimbita sa ganda ang hardin. May mga rosas, santan, daisy, mga cactus, at iba pang halaman. Ang lupa ay balot rin ng napaka-gandang Bermuda grasses.
Bagamat ay halos nakita na ni Olivia ang kabuuan ng bahay mula sa mga larawan sa internet page kung saan niya ito natagpuan, pagka akyat na pagka akyat niya sa loob ay namangha pa rin siya sa natatanging ganda ng tahanan.
“Eto po ang living room. Maganda po itong bahagi ng bahay para po kung may mga bisita kayo, o kung gusto niyo pong mag isa. Kumpleto na po rito.” Sabi ni Aling Rosing pag pasok nila sa bahay.
Nasa pangalawang palapag ng bahay ang sala ng bahay, pag-kaakyat sa batong hagdan sa labas ay dito agad ang patutunguhan. Manghang mangha si Olivia kung paano napanatili ang mala-Español na pakiramdam ng bahay. Pakiramdam niya ay nagbalik siya sa panahon ni Crisostomo Ibarra.
Ang sahig ay gawa sa matibay at napaka-gandang kahoy. Ang mga bintana ay maka luma rin, malaki at maaliwalas. Ang mga kurtina ay sumasayaw sa tila ba ay masayang musika ng hangin.
“Napaka-ganda ho rito. Nakakapag-taka lang kung bakit hindi piniling tumira dito ng mga may ari. Asan nga ho pala sila?” tanong ni Olivia habang sinusuri ang napakagandang bahay.
“Ah, ang mga may ari po ay sila Dr. at Dra. Razon, na kasalukuyang sa Australia na po nakatira. Limang taon na rin pong pinapa-rentahan ang bahay sa iba’t ibang tao. Minsan, sa mga artista na gustong magtago, sa mga manunulat na gustong ma-inspire, mga travel blogger, mga turista sa bayan. Kaya masaya naman po ang mga Razon tungkol sa bahay na ito. Kahit noon pa man na nasa Pilipinas pa sila, hindi na nila pinipiling tumira dito. Sa Maynila sila dati nakatira.”
“Australia? Doon rin po ako nanggaling.” Sabi ni Olivia, sabay ngiti. Iniwanan ng tricycle driver ang mga gamit ni Olivia at lumisan na. “Pero, kung wala na po silang planong bumalik dito o tumira dito, bakit hindi nalang po nila ibenta ang property? I’m pretty sure this would be an expensive one, bank manager po kasi ako.”
“He-he. Yun po ang hindi ko alam, Ms. Olivia.” Sabi ni Aling Rosing, bagamat napansin ni Olivia na parang may tinatago ang matandang babae. “Tara ho sa kusina.”
May isang kahoy na hagdan sa isang sulok ng malaking sala, papunta sa baba. Pagka baba nila ay nakita ni Olivia ang isang malaking kusina, sa isang banda ay may dalawang malalaking banyo. Naka-tiles na ang silong ng bahay, isa sa mga parang modernong bahagi ng tahanan. May mga jalousie windows rin kung saan makikita ang magagandang bulaklak sa paligid ng buong property.
“Ito po ang kusina. Huwag po kayong mag alangan na gamitin lahat ng gamit dito pagkat kasama ho iyon sa inyong renta.”
“Wow, ang laki pala ng kusina dito.”
“Mahilig ho ba kayong magluto, Ms. Olivia?”
“Opo.”
“Ay, maganda po. Pagkat kumpleto po ang mga panluto dito. Tara po at ipapakita ko na sa inyo ang masters bedroom. May tatlong kwarto po dito sa bahay, pero sigurado po akong masters bedroom ang pipiliin niyo.”
Ngumiti lamang si Olivia.
Naunang umakyat si Aling Rosing. Papaakyat na sana si Olivia ng bigla niyang naramdaman na para bang may tao sa likod niya at humawak sa kanyang balikat, sabay patay naman sa ilaw ng matandang babae.
“Uh,” gulat na expresyon ni Olivia. Tumingin siya sa likod, ngunit wala siya agad nakita dahil hindi pa naka-pag adjust ang mata niya mula sa liwanag at dilim. Pero sigurado siyang may humawak sa kanya, bagamat mukhang wala naman ibang tao sa kusina. Napaka-lamig at gaan ng kamay, nakaka-pangilabot.
“Ms. Olivia, may problema po ba?” tanong ni Aling Rosing na nasa ikalimang landing na nang hagdan, habang si Olivia ay papaakyat palang.
“Wala ho, nagulat lang po ako sa pag patay niyo sa ilaw.”
“Ay, pasensya na po.”
“It’s okay.” Sabay ngiti ni Olivia, bagamat malakas ang pakiramdam niya na meron talagang tao sa likod niya kani-kanina lang.
***
“Eto po ang masters bedroom.”
Napa-tigil hininga si Olivia sa ganda ng kwarto. Kani-kanina lang ay lumilipad ang kanyang isip dahil sa narasanasan sa kusina, pero pansamantalang naibaling ang kanyang atensyon. Napaka-laki ng kwarto at ay may malaking bintana sa gitna na may napaka-gandang tanawin ng halos buong karagatan sa likod ng bahay. Napaka-lakas rin ng ihip ng hangin, napaka-presko.
“Wow.” Napabulong si Olivia.
Sa bandang kaliwa ng kwarto ay nakalagay ang isang king sized bed, sa kabilang sulok naman ay isang aparador na may malaking salamin sa pintuan nito. Gawa sa kahoy halos ang buong kwarto.
“Napaka-ganda talaga dito. Walang talagang pagsisisi sa bahagi ko na rentahan ito.”
“Salamat ho,” sabi ni Aling Rosing, sabay abot ng mga susi. “Eto po ang susi ng buong bahay. Naka-plaster po at nakasulat sa mga susi kung saan saan sila naka-assign. Ang dalawang kwarto po ay naka-lock, pero pwede niyo rin pong tignan kung gusto niyo. Nasa kabilang bahay lang po kami nakatira, magkapit bahay po tayo. Kung may kailangan kayo o tanong, puntahan niyo nalang po ako. Salamat po, ako’y mauuna na.”
“Salamat po, Aling Rosing, at magandang tanghali” Kinuha ni Olivia ang susi, sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang kasiyahan na talagang napaka-tunay, pagkat sa loob ng matagal na panahon ay makapag iisa na siya. Pansamantala niyang nakalimutan ang malamig na kamay na dumampi sa kanyang balikat kani-kanina lamang sa kusina.
CHAPTER II: SANTA MONICA HIGH SCHOOL is already published on Wattpad. Click Here to read in advance.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento