Dalawang double deck bed ang nasa loob ng kuwarto. Sa isang double deck, kami ni Lulu ang magkasama--siya sa baba, ako sa taas. Sa isa namang kama ay sina Zenia at Rona ang magkasama. Si Zenia ang nasa baba at si Rona ang nasa taas. Magkatabi lamang ang mga double decker namin kaya naman madali sa amin ang magkuwentuhan kahit pa nakahiga kami.
Dahil mga freshmen pa kami, ang schedule na binigay ng unibersidad ay yung walang pasok kapag araw ng Miyerkules. Supposedly, library day daw ito. Pero kaming apat, nanatili lamang kami sa boarding house. Wala pa kami hilig sa paglalabas ng bahay nun. Inubos lang namin ang buong araw sa pagkukwentuhan, pagbabasa ng novels, at pagkain.
Mga bandang alas-otso, bored na kami sa pag uusap tungkol sa mga artistsa, mga kaklase, at mga buhay-buhay namin sa probinsya. Bakit hindi nalang daw kami magkwentuhan ng ghost stories. At dahil nga bored na kami at maaga pa naman para matulog, pumayag kaming tatlo.
Nakahiga na kami noon. Mula sa kama ko ay tanaw ko sina Zenia at Rona at naririnig ko lang ang boses ni Lulu mula sa baba ng kama ko. Hindi ako masyadong nagkwento ng mga bagay na kakatakutan. Kasi simula bata pa ako, weird na ang feeling ko kapag nagkukwento ako ng ghost stories--naiiyak ako. Totoo, as in naluluha ako. Weird, diba? Hindi ko maexplain kung bakit basta ganun lang ako.
Lalaht sila, may kani-kaniyang kwento. At effective sila magkwento. Lahat kami natatakot na mga 30 minutes after magsimulang mag kwentuhan ng katatakutan.
Maya maya, bilang umihip ng malakas ang hangin. Ang unit na tinitirhan namin ay nasa isang government housing project na apat-palapag. Nasa fourth floor kami. Natural lang yung minsan ay biglang lalakas ang ihip ng hangin. Tuloy pa rin sa kwentuhan at pagtatakutan ang lahat.
Maya mata pa ay bigla na namang lumakas ang ihip ng hangin. This time, tumahimik na kami. Ibana ang pakiramdam namin. Parang biglang naging stuffy ang room, parang biglang sumikim. Maya maya pa ay nagsalita si Rona. Si Rona ay galing sa isa sa mga probisya sa Cordillera region.
"Andito na sila," ang simpleng pahayag nito.
"Ha?" Sinong sila?" ang agad na tanong ni Lulu, gustong makasigurado na naiintindihan niya ang sinasabi ni Rona.
"Ang mga multo, andito na sila." ang sagot ni Rona.
Agad kaming naghiyawang tatlo. Takot na takot na kami.
"Sabi sa amin, kapag pinag uusapan daw ang mga multo, lalapit sila sa inyo. Tingnan niyo ang isang tao, kahit nasa malayo siya mula sa kumpulan ng iba, nararamdaman niya kung pinag uusapan siya. Lalapit at lalapit siya sa mga taong feeling niya ay pinag uusapan siya. Instinct ang tawag dun. At sa mga multo, mas malakas ang pakiramdam ng ganun," ang paliwanag sa amin ni Rona.
Walang umimik sa aming tatlo, ramdam na parang may katotohanan nga ang mga sinabi ni Rona. Kahit na malakas ang ihip ng hangin sa kuwarto, parang napakainit na ng lugar. Yun bang pakiramdam na parang overcrowded na ang room. Halos pagpawisan na kaming lahat sa takot at sa pagiging maalinsangan ng kwarto.
Maya maya pa ay nagsalita ulit si Rona. "Pasensya na po sa paggambala namin sa inyo. Totoo nga pong napag usapan namin kayo pero wala naman po kaming iniisip na masama tungkol sa inyo," ang biglang sabi ni Rona sa mga presensiyang hindi namin nakikita.
Maya maya pa ay parang nagiging normal na ulit ang temperature sa loob ng kwarto. Wala na ang stuffy feeling. Effective ang ginawa ni Rona!
Para maalis sa aming isip ang nangyari, napagpasyahan naming ibahin na lamang ang topic ng aming pag uusap. Bumalik kami sa topic ng mga kaklase, mga instructors na terror, at maging ang mga probinsya.
Pasado alas diyes na nang magpasya kaming matulog na. Pinatay ko ang ilaw since malapit sa kama ko ang switch nito. Maya maya pa ay mahimbing na ang lahat sa pagtulog.
Mga alas dos ng madaling araw nang maalimpungatan ako. Nakaharap ako katabing kama, kitang kita ko ang natutulog na si Rona. Aninag siya sa liwanag ng buwan. Pipikit na sana ako uli ng may makita ako sa paanan ni Rona--isang matanda, parang pinagmamasdan ang natutulog kong roommate. Para niya itong binabantayan. Kitang kita ko sa ekspresyon na mukha ng matanda, para bang tuwang tuwa itong binabantayan si Rona.
Pagkatapos ang initial shock sa pagkakakita ko sa matanda (na nakalutang sa hangin dahil naga itaas ng double deck ang kama ni Rona), parang merong isang mahinhing simoy ng hangin ang pumasok sa kwarto. Napakalma ito sa akin. Hindi man lang ako natakot sa nakita ko. Para pa ngang nagkarun ako ng pakiramdam na safe na safe ako nang oras na iyon. Bumalik ako sa pagtulog matapos kong makita na hindi pa rin tumitinag ang matanda sa pagbabantay kay Rona.
Kinaumagahan habang sabay sabay kaming nagaalmusal, minabuti kong huwag nalang ikuwento sa mga roommates ko ang nakita ko sa kwarto namin. Baka matakot lamang sila. Pero maya maya ay biglang nagsalita si Lulu, "Rona, may nakita ako kagabi sa tabi ng kama mo. Nakalutang ito. Matanda."
Nagulat ako sa sinabi ni Lulu. Agad kong sinabi na nakita ko rin ang matanda. Inilarawan ko ang aking nakita. Kinumpirma ni Lulu na yun nga rin ang kaniyang nakitang nakalutang sa tabi ng kama ni Rona. At gaya ko, hindi rin siya natakot sa multong nasaksihan.
Habang takot na takot na si Zenia sa mga kwento namin, napangiti naman si Rona. "Kagabi nang pakiramdam natin ay may mga pumasok sa kuwarto nating mga multo, nagdasal ako sa aking lolo na pumanaw na. Ang mga paniniwala kasi sa amin ay hindi umaalis sa ibabaw ng mundo ang mga ninuno naming namatay. Nandito pa rin sila at tumutulong sa mga sumusunod na henerasyon. Naniniwala ako na dumating ang aking lolo at siya ang nagpaalis sa mga multong nagambala natin kagabi. Binabantayan niya hindi lamang ako kung hindi tayong lahat."
Nagkatinginan kami nina Lulu at Zenia. Naintindihan na namin kung bakit hindi kami natakot ni Lulu sa nakita namin. Magmula noon, hindi na bago sa amin ang makitang may matandang lalaking nakalutang nagbabantay kay Rona habang natutulog ito.
Story by: D. Ordono, from True Philippine Ghost Stories Book 22
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento