"condolence pare, were sorry for your lost doug.." Rinig kong pahayag ng kaibigan kong si butch kay doug.
Tumango lang si doug at tipid na ngumiti sa amin.
Tatlo kami sa barkada.
Ako, si butch, at si rain.
Si doug ay kapitbahay at matalik na kaibigan ni butch.
Kilala na namin si doug kahit minsan pa lang namin itong nakasama. Madalas kasi itong makwento ni butch sa amin kaya ganun na lang ang pagkagulat namin nang makareceive kami ng tawag mula kay butch, patay na daw ang tatay ni doug.
Kaya heto kami ngayon, nasa lamay. First night ng lamay.
Doug's father, mang Lito, met an accident isang gabing pauwi ito galing sa opisina.
We patted doug's back as if telling him everything's gonna be okay.
Mag aalas nueve na ng gabi nang dumating kame doon.
Pagpasok namin sa bakuran ng bahay nila,
nadaanan namin ang mga nakalatag na lamesa para sa mga hardcore fans ng sugal.
Present din sa eksena ang mga uzi(usisero/usisera) sa likuran ng mga sugarol habang panay ang dukwang ng mga ito sa plato ng mani, mixed beans, butong pakwan,butong melon at kung anik anik pang buto na pwedeng ngatngatin.
"Ay korek mare, narinig ko nga na may ibang babae yang mister ng kumare mo!" chismis ng isang ginang sa kanyang mga diehard fans na chismosa na tutok na tutok naman sa kanya.
"oist tol,"
Naputol ang aking pagmamasid sa paligid ng siniko ako ni rain.
o
"tara silip tayo sa kabaong. Natatakot akong pumunta magisa eh. Baka bumuka ang mata."
"eh di isara mo kung bumuka. hehe" tugon ko.
"Har-har very funny. I overheard kasi kanina na dapat daw closed casket,kasi medyo hindi raw kid friendly yung mukha nung patay."
Nacurious naman ako sa scoop niya.
"ay, bakit daw?"
Luminga linga muna si rain bago nagsalita. Gamit ang mahinang boses, nagsimula siyang magkwento.
"sumuot daw yung sinasakyan niyang owner type jeepney sa ilalim ng ten wheeler truck. The car was totaled tol. Tsk tsk,"
Umayos ng upo si rain bago muling itinuloy ang pagku-kwento.
"at syempre, asa ka pa bang mabuhay sa ganun? Muntik pa nga daw maputol yung ulo eh. Ang finished product, puro tahi ang mukha. Ang tragic ng death niya noh?" umiiling iling na kwento ni rain.
"Kung makapag emote ka naman akala mo affected ka masyado noh, close kayo nung namatay?"Pabirong sagot ko.
"pero oo nga nho," dagdag ko. "Ang tragic masyado. Pwede namang atakihin na lang, o kaya nakalimutan na lang niyang huminga. Yung ganun para peaceful."
Rain rolled his eyes in response to my weird humor. He fished out his phone from his pocket at nagsimulang tumipa sa keypad nito.
Napasulyap ako sa kabaong. Dalawang matanda ang nakaupo sa gilid nito. I wondered ano kaya ang itsura ng namatay?
"Tol," pukaw ko kay rain.
"huh?" marahang sagot niya without peeling his eyes off of his phone.
"tingnan mo yung dalawang damatands" turo ko sa dalawang oldies gamit ang nguso ko.
"talagang kailangan may bantay sa gilid ng kabaong ano? 24 hours yan. Salit salitan sila. hindi ko alam bakit, pero isa siguro sa mga pamahiin yan."
Nagkibit balikat lang si rain habang nakatingin pa din sa cellphone.
"saka alam mo," pagpapatuloy ko.
"pag yung biktima ay na rape or pinatay, naglalagay ng chick sa ibabaw ng kabaong para sumayaw, este sisiw pala. Hehe. Sabi ng lola ko, kapag may sisiw na kumakayod sa taas ng kabaong, uusigin nito ang konsensiya ng taong lumapastangan sa biktima."
Nag angat ng tingin si rain saka sumagot.
"ganyan yung nakita ko sa tv. Kaya pala."
"wag kang magpanggap rain, wala kayong tv." pabirong banat ko.
"haha, gagu!"
Sumulyap uli ako sa kabaong. I suddenly remember yung mga pamahiin tuwing may patay.
"lam mo," pukaw kong muli kay rain, "kapag inilalabas na ang kabaong sa pinto dapat daw una lagi ang ulo. Saka bawal mauntog ang kabaong sa hamba ng pinto. Kasi may susunod agad na mamamatay."
And I went on by telling rain about one incident. Nauntog yung kabaong sa hamba ng pinto habang nilalabas na. Weeks after, may sumunod na namatay.
Pagdating naman sa simbahan, yung mga bumubuhat would always complain how the coffin would suddenly get heavy.
Biglang bumibigat. Paniniwala ng matatanda na sumasakay ang lahat ng kaluluwang nasa simbahan as a way of welcoming the new member. And then there are numerous accounts where family members would expirience 'dalaw' from their departed ones. Mga naglalakad na sapatos, umuubo, apparations sa mga lugar where the deceased person used to frequent nung nabubuhay pa ito.
"o yan, mainam yan." putol ni rain sa pagkekwento ko. "uunlad ka sa ginagawa mong pananakot saken."
"eto naman walang ka thrill thrill sa buhay. Etong piso, bumili ka ng hapiness sa tindahan para magkaroon ka naman ng konting excitement sa katawan." tumatawang pangaasar ko.
Rain is such a scaredy cat. You wouldn't want him for a friend kung mahilig ka sa mga paranormal things.
I glanced sa side ko to find butch talking to doug. Both have serious faces.
I stood up para silipin yung namatay. Niyaya ko si rain pero parang nagbago na daw ang isip niya. I nudged him a little para tumayo na and reluctantly, he gave in.
Pasimple kaming lumapit sa puting ataul.
The scent of the flowers assailed my noise as we got nearer.
I felt lightheaded as we stand right beside the coffin. There lay doug's dad, cold, and lifeless..
Humpak ang pisngi at bahagyang maga ang ilang bahagi ng mukha nito.
The mortician must have had a very hard time covering up the stiches that run in every direction on his face.
Mang lito's face doesn't seem happy at all, you can almost tell that he died a very painful death.
Kung yung ibang patay ay parang natutulog lang, ibang klase ito.
"tara na," yaya agad ni rain saken. "a little bit more longer at mamemorize ko na yang mukha nya." rain said while looking away.
I obliged and we went back to our seats.
Soon as we were seated, rain asked me kung nasan yung lata ng biscuit that we are supposed to bring.
I gave him a confused look.
"yung lata ng biscuit na dala namen sa inyo kahapon. Diba? Nilagay ko pa sa gilid ng tv rack mo."
I chuckled. I remember seeing a can of biscuits. And remember leaving it half full pagkatapos kainin.
"whaaat? Kinain mo?!Para sa patay yun!"
Rain feigned a shocked expression. "what's new. Masiba ka talaga."
I just smirked at him.
It was almost midnight nang naisipan na naming umuwi.
"tara, daan muna tayo sa bahay nila rain." yaya ko.
Butch gave me a puzzled look.
"kasi diba, wag muna daw didiretso sa bahay pagkauwe pagkagaling sa patay. Kasi susunod yung kaluluwa sayo. Pumunta muna daw elsewhere para iligaw yung spirit, so I suggest we head to rain's place first. Para dun pumunta yung spirito." natatawang biro ko. Being the unbeliever that I am, hindi ako masyadong naniniwala sa mga pamahiin. But yeah I do believe in ghosts.
We all laughed about my idea. They asked me to hang out muna sa starbucks but I refused dahil maaga pa ako gigising kinabukasan. So we parted ways. Ako, dumiretso uwe na para makapagpahinga.
Bad idea. For I was in for the greatest shock of my life...
Pagkabukas ng pinto, napatingin ako sa lata ng biscuit na nasa gilid ng tv rack. Natawa ako ng marahan dahil aksidente kong nakain yun.
I live alone sa flat ko. My friends love going here and would bring foods para may nakakain kami. Akala ko tuloy pagkain namin yung biscuit.
I went straight to my room and took a quick shower before going to bed.
After bathing,I sat on my bed and I was toweling my hair dry when I felt something cold and smooth press against my left foot.
Puzzled, I looked down to see what it was.
Lata ng biscuit.
Vague, I don't remember bringing it to my room. I didnt give much thought about it since im alone. Crazy scary ideas would be the last thing I needed.
Confused, I picked it up to return it sa sala.
After returning the can of biscuit, I paced my way back to my room. Napansin kong malamig ang paligid. Weird I said to myself, since when did it get to be so cold here on a summer's night?
Nagtataka man, binalewala ko na lang yun at dumiretso na sa kwarto. Pagpasok ko,I closed the door and locked it. I
was putting a shirt on para makatulog na nang may maamoy ako.
Amoy bulaklak!
Nagtaka ako.
I sniffed my shirt.
Amoy downy naman.
Inaamoy ko yung paligid.
Amoy bulaklak talaga.
Kinilabutan ako.
Sumunod, napalitan ng amoy ng kandila ang paligid.....
Tension was now building up inside my stomach. My palms were getting sweaty, my heart was beating wildy, I can feel the rush.. Im scared as hell. I thought that was it, but no. It is just the beginning of a long night.
I crept my way towards my bed at umupo sa pinakadulo malapit sa wall. nagkumot ako at kinuha ang lahat ng unan as if maproprotektahan ako ng mga ito.
Naglilikot ang mga mata ko sa paligid.
The smell lasted for about 15 mins. When it died, I heard a knock sa pinto ko. 3 soft knocks. Napatingin ako sa pinto.
"tok tok tok"
With Pulse racing, my heart wanting to jump out of my chest, I reached for my phone beside my bed to call my mom.
And then I heard loud footsteps..
Mabibigat na yabag. Paroot parito.
Panic mode. Gusto kong sumigaw pero anong isisigaw ko?
You can almost tell na kung sino man ang naglalakad na iyon, tumitigil at tumitigil siya sa harap mismo ng pinto ko bago muling maglalakad palayo.
Halos mabaliw ako sa anticipation sa kung ano ang susunod na mangyayari.
Pano kung pumasok siya sa loob ng kwarto?
I gritted my teeth in attempt to calm my raging nerves. Then the footsteps disappeared. Just like that. Snap. Everything went silent. Like the calm after the storm. Shivering, I slowly, I edged towards the left side of my bed.
Then came that awful smell again.
Amoy ng kandila at bulaklak ng patay.
Sa kabila noon ay may maamoy kapa na tila amoy ng nabubulok na karne.
Napakasangsang.
Takot na takot ako ng ng mga oras na yon ate charo. Gusto kong tumakbo pero hindi ko magawa. Gusto kong sumigaw pero para akong pipi.
All of a sudden, the lights went off.
At bumukas ang bintana ko.
Tila mala pelikulang hinangin ang aking mga kurtina. At mula sa dilim,
kitang kita ko ang isang pigura ng tao na nakasideview.
Tila may malamlam na liwanag na nanggagaling mula dito.
Dumaan ito sa bintana ko nang
pagkatagal tagal, animo slow motion.
Just as it was about to reach the middle of the window, it slowly turned its head towards me.
At nakita ko ang mukhang alam ko na hinding hindi ko makakalimutan.
Ang tatay ni doug.
Malungkot ang kanyang mga mata na tumunghay sa akin. Ang kanyang balat ay napakaputla, animo tissue paper.
When it opened its mouth, isang maitim na likido ang tumulo mula dito.
That's it. Everything went blank.
Hinimatay ako sa takot.
The next thing I knew, nakahiga na ako sa sahig at umaga na.
Kinapa ko ang pisngi ko. Panaginip lang ba ang lahat?
Tuliro man ay tumayo na ako mula sa sahig upang tumungo sa kama.
Isang tanong ang paulit ulit na umu-ukilkil sa aking isipan. Totoo ba ang mga nangyari kagabi?
With that in mind, nakaramdam ako ng banayad na ihip ng hangin sa aking katawan. Napatingin ako sa pinagmulan nito.
Bukas ang bintana..
Ang bintana kung saan ko nakita ang kaluluwa ng tatay ni doug.
Isa ito sa mga hinding hindi ko makakalimutan na pagpaparamdam. My clairvoyant friend told me maybe doug's father sensed that I can see them, and that he needed help that's why he followed me.
Story Written by: IAmZevi
Sabado, Mayo 21, 2011
I Will Follow You
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento