“Ma’am, pasensya na po, I guess you aren’t ready to talk about her yet.” Sabi ni Joshua nang makitang naging emosyonal si Alicia. “Alis na po muna kami. Balik nalang po kami bukas..”
“Hindi, sige maupo kayo. Magku-kwento na ako.” Sabi ni Alicia nang muntikan nang umalis sila Joshua at si Frankie. Si Frankie naman ay patuloy sa paglilibot ng tingin sa bahay na iyon dahil kamanghamangha talaga ang disenyo nito at mamahalin.
Umupo sila Frankie at Joshua upang makinig sa iku-kwento ni Alicia. Natapos na ang kwento ni Alicia. Dito napag alaman ni Joshua at Frankie at maiksi ngunit makulay na buhay ni Agnes.
Ayon kay Alicia, sila ni Agnes ay mag step sister lamang. Ang ina ni Agnes ay namatay noong 3 years old pa lamang siya. At makalipas ang isang taon, nagkita naman ang ama niyang si Frederico Fuentabella, at ang ina ni Alicia na si Amalia Guanzon, isang supermodel noon sa Paris, France para sa noo’y developing clothing line pa lamang ang F Clothes ng FGC.
At ayon pa kay Alicia, simula raw sa kanilang pagkabata ay sobrang malapit na sila ni Agnes.
Si Agnes ay kumuha ng marketing management, samantalang si Alicia naman ay kumuha ng financial management. Magkaiba man ang major ay pareho namang business administration. Kambal tuko, yan ang deskripsyon ni Alicia sa kanilang pagiging malapit na magkapatid. Kailanman umano’y hindi pa sila nagkainggitan.
Nagkaroon raw ng kasintahan si Agnes, si Richard Villarico. Si Richard ay kakambal ni Ronnie na asawa naman ni Alicia. 19 si Agnes nang magkarelasyon sila ni Richard, ngunit pinutol ni Agnes ang kanyang relasyon kay Richard nang mamatay ang ama niyang si Frederico Fuentabella. 23 years old noon si Agnes ng makipaghiwalay kay Richard para tuluyan nang pangasiwaan ang FGC.
Marami raw sa board members ang tumangging pangasiwaan ng 23 years old na si Agnes ang buong FGC, at mas gusto pang hawakan ito ng asawa ni Alicia na si Ronnie. Pero sa tulong ni Alicia at ng kanilang mga kapanalig sa FGC, natuloy ang full take over ni Agnes sa FGC. At sa unang taon pa lang niya sa pamamahala ay nakuha niya na ang loob ng buong FGC, mapa executives man o mga ordinaryong empleyado, liban kay Richard.
Dito na nagsimula ang mga pagdududa kay Richard ni Joshua na baka ito ang dahilan o ang may pakana ng sunog sa mansion ni Agnes.
At mas tumindi pa ang mga pagdududa ni Joshua ng malamang sinubukan ni Richard na maging CEO ng FGC, pero hindi ito nagtagumpay dahil mas pinili ng mas nakararaming board members si Alicia bilang CEO ng FGC.
“Kung ganun, di kaya kaya pinatay ni Richard si Agnes dahil mas gusto niyang siya ang CEO ng buong FGC?” tanong ni Joshua sa isip.
Martes, Mayo 3, 2011
The Whisperer Chapter 6
Mga etiketa:
Filipino,
Pandemic,
Stories,
The Whisperer Series
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento