COPYING, REPOSTING, SHARING, AND EXPORTING POSTS FROM PINOY HORROR STORIES TO OTHER WEBSITES OR FORUMS ARE ALLOWED AS LONG AS YOU PROPERLY CREDIT IT TO US. THANK YOU AND GOD BLESS!

Share

Martes, Mayo 3, 2011

The Whisperer Chapter 16 - Finale

Dahil smoker si Frankie, sinuwerteng nagkaroon sila ng paraan para makatakas. Pasimpleng kinuha ni Frankie ang lighter niya sa bulsa sa likod ng kanyang pantalon. At swerte namang busy ang mga bantay nila mga 20 metro ang layo sa pag iinuman at pag lalaro ng baraha.

Unti unti niyang sinunog ang makapal na lupid na nagtatali sa kanyang mga kamay sa likod ng silya. Hindi nagtagal ay nakakalag na siya.



“Frankie, may nakikita akong maliit na bintana dun!” sabi ni Jessica sabay turo sa kaliwa. May isang parihabang bintana na pwede nilang daanan palabas. Mga 50 metro ang layo. Malamang ay di ito napansin ng mga tauhan ni Alicia dahil sa tingin nila, ay minadali ang planong pag papapatay sa kanila.

Hindi nagtagal ay bumalik si Alicia.

“Nga pala, ii-install na ang bomba sa ilang sandali. Kaya guys, stay tuned lang kayo. Maya maya ay nasa heaven na kayo sa sobrang kadakilaan niyo.” Sabi ni Alicia sa isang sarcastic na tono sabay ngiti.

Nag pretend naman si Frankie na mahigpit pa ring nakatali ang mga kamay niya sa silya at nag make face siya na kunwari ay galit na galit at inis dahil mamatay na sila. Lalong tumingkad ang mala-demonyong ngiti sa mukha ni Alicia.

“Oh siya, paalam muna. Hihintayin ko lang sa labas ang bombang galing pa sa Mindanao na papatay sa inyo.” At umalis na ito.

“Ngayon na ang oras…” bulong ni Frankie kay Jessica at Joshua.

Unti unting kinalag ni Frankie ang nasunog na lupid sa kanyang mga kamay. Sunod niyang kinalag ang hindi masyadong mahigpit na pagkaka tali sa kanyang paa. Gumapang siya patungo sa likod ng upuan. Hindi sila masyadong napapansin ng mga bantay nila dahil medyo mahina ang kaisa isang ilaw na malapit sa kanila.

Pumunta si Frankie sa likod ni Jessica at kinalag ang mga lubid, sunod ang kay Joshua.

Hinay hinay silang lumakad patungo sa makitid na parihabang bintana. Maliit lang ang daan papunda doon dahil may mga malalaking makina na bakal na gumigitna sa daanan.

Kinailangan pa nilang umakyat sa mga malilit na kahon para makaakyat sa makitid na bintana. Nauna si Frankie upang tingnan kung gaano kataas ang bintana mula sa madamong lupa sa labas.

“Ayos! – May isang kotseng kinakalawang na pwede nating tungtungan pababa sa labas!” Bulong ni Frankie na halatang natuwa masyado sa kanilang kaswertehan.

Bumaba na silang tatlo. Silang tatlo ay bahagyang nakadap bilang pag iingat dahil baka may mga tauhan pa sa labas na nakabantay.

Sa di kalayuan, may isang lalaking nakatayo malapit sa isang van at may kausap sa cellphone.

“Akalain mo nga naman o, may sasakyan na rin tayo. Hehehe.” Muling sambit ni Frankie.

“Tara na! Kailangan nating patulugin ng hindi gumagawa ng maraming ingay ang lalaking yan!” Sabi ni Joshua.

Unti unti silang lumapit sa lalake. Dumaan sila sa likod ng van. Si Jessica at Frankie ay pinanatili ni Joshua muna sa likod ng van. Hawak ang isang malaking kahoy, pinalo ni Joshua sa batok ang lalake na agad na nagpatulog dito. Pinulot ni Joshua ang cellphone para may magamit sila mamaya kung ka-kailanganin.

Bumalik si Joshua sa likod ng van, “Tara na!” bulong nito.

Kaya pumasok na sa van si Jessica. Si Frankie at si Joshua naman sa unahan ng van umupo. Si Joshua ang nagmaneho. Agad agad ni Joshua pinaandar ang van paalis sa lugar na iyon.

Dun lamang napansin ni Alicia kung ano ang nangyari dahil nasa may labas siya ng bodega at nag aabang sa bombang binili pa lamang niya dahil nga ay madalian ang planong pag patay sana sa tatlo.

“RONNIE!!!” sigaw nito.

“ANONG NANGYARI?” tanong ng gulat na si Ronnie.

“NAKATAKAS SILA!”

“ANO?”

“WAG KA NANG MAG ANO ANO DIYAN! HAHABULIN NATIN SILA! BILISAN MO, ANG KOTSE!”

Agad na tumakbo si Ronnie patungo sa isa pa nilang kotse. Hindi na sila nag abalang tawagin pa ang mga tauhan nila dahil sabi ni Alicia, tatawagan niya na lang sila na humabol.

Kaya agad na sumakay ang mag asawa para sundan ang van na sinasakyan nila Joshua.

Hindi masyadong malayo ang agwat ng van nila Joshua sa kotse nila Alicia. Tumatakbo na ang mga kotse sa bilis na 150km/h sa madilim na daan. Sila lamang ang dumadaan dun sa mga oras na iyon. Halang medyo liblib talaga ang napuntahan nila.

Sinabayan pa ito ng malakas na ulan, panaka nakang pag kidlat at mga nakakatakot na pag kulog.

“HINDI SILA PWEDENG MAKATAKAS!” sigaw ni Alicia. Sabay bukas sa binta ng kotse at tutok ng baril sa van nila Joshua. Hindi inalintana ni Alicia ang malakas na ulan na unti unting bumabasa sa kanya.

Bahagyang pinahirapan rin siya ng pag ulan dahil hindi niya masyadong maasinta ang van at paliko liko pa ang daan.

Maya maya pa ay nagpaputok ng nagpaputok ng baril si Alicia sa van nila Joshua. Natamaan ang bintana sa likod ng van nila Joshua. Dumapa silang tatlo sa van.

Patuloy na nagpaputok si Alicia. Maya maya ay gulong naman ang natamaan. Sapat para mawalan ng control si Joshua sa van. Nalihis ito mula sa sementadong kalye at unti unting bumulusok pababa sa isang abandonado, madilim, at lumang gusali.

Lalong lumakas ang ulan, at patuloy rin ang pagkidlat at ang pag kulog.

“Dali! Bumaba na kayo! Kailangan nating magtago sa loob ng gusaling yan!” sabi ni Joshua.

Bumaba agad silang tatlo at pumasok sa luma at madilim na gusali. Ang gusali ay parang lumang bahay na nasunog at iniwanan. Sa loob nito ay isang maluwag na entrance hall. Sa harap nito ay isang animo’y eleganteng hagdan na pinaglumaan na ng panahon.

Agad agad silang umakyat patungo sa second floor. Sa kabilang banda ay bumaba na rin sa kotse sina Alicia at Ronnie. Dumating na rin ang mga nasa apat na tauhan nila.

“Dali!” sabi ni Alicia. “Sigurado akong nandyan lang sila sa loob. Wala na silang pwede pang puntahan! Ang mga baril niyo, ilabas at ikasa niyo na dahil baka dito na natin sila patayin!”

Pumasok sila Joshua sa isang malaking kwarto. May isang balconahe doon at tanging ang mga kidlat lamang ang nag bibigay ng konting ilaw sa walang laman maliban sa isang salamin na kwarto.

“Sigurado akong nandito na sila at paakyat na sila. Wag kayong masyadong gumawa ng ingay. Maghanap kayo ng mga pwedeng gamiting pamalo. Maya maya ay maghihiwa-hiwalay tayo. Sa ngayon, kailangan kong tumawag sa mga pulis!” saad ni Joshua.

Ginamit ni Joshua ang cellphone na nakuha niya kanina mula sa lalaking tumatawag malapit sa van na ginamit nila.

“Mag ingat kayo dahil baka nasa tabi tabi niyo lang sila!” bulong ni Alicia kay Richard at sa mga tauhan nila. “Maghiwa-hiwalay tayo. Siguraduhin niyong iputok ang mga baril niyo pag nakita niyo sila at pupunta tayong lahat sa pinagmulan ng putok ng baril. Intiendez?

Tumango silang lahat pati si Ronnie.

“Dalian na natin!”

“Ronnie, dun ka pumunta!” sabay turo sa daanan papunta sa kusina.

“Kayong dalawa,”samahan niyo ako sa taas.

“Ikaw naman,” sabay turo sa isa pang tauhan. “Pumunta ka dun!” sabay turo sa may lumang swimming pool.

“At ikaw,” sa pinakahuling lalakeng tauhan nila. “Abangan mo sila dito dahil baka lumabas sila. Naintindihan?”

Atsaka pumunta na sila sa mga sinabing lugar ni Alicia. Umakyat sila Alicia, dahan dahan papunta sa 2nd floor. Maluwag at malaki rin ang 2nd floor. Samantala, nagkaroon rin ng sapat na oras sina Frankie, Jessica, at Joshua na maghiwa-hiwalay. May 4 na kwarto sa malaking 2nd floor ng malaking bahay na iyon.

Si Frankie ay pumasok sa isang maliit at sobrang dilim na kwarto. Nagtago siya sa likod ng pintuan. Ang isa sa mga tinawag na kasama ni Alicia ay doon pumunta. May hawak na matigas na bakal na tubo si Frankie, at batid niyang papasok na ang isang lalake.

Pag pasok ng lalake na may hawak na baril, tumingin tingin muna ito sa tabi tabi. Wala naman siyang nakikita. Unti unti, dumiretso ito sa loob. Nag bukas ng isang maliit na flash light at iniikot sa buong kwarto.

Nang matutukan na ng ilaw si Frankie ay nagulat ito sabay tutok ng baril kay Frankie. Si Frankie naman, agad na ipinamalo ang tubong hawak, at ang baril ay tumilapon. Sinipa niya sa tiyan ang lalake. At bahagyang sinipa ulit sa ulo para mawalan ng malay. Walang kahirap hirap na napatumba ni Frankie ang isa sa mga tauhan ni Alicia.

Si Joshua naman ay mabilis na bumaba sa hagdan. Doon, nakaabang ang isang lalake. Ilang beses rin siya sinubukang barilin ng lalake pero magaling umiwas si Joshua hanggang sa naabot niya na ang lalake. Sinubukan niyang kunin ang baril mula sa lalake. Ilang segundo nilang pinag agawan ang baril at naiputok kung saan saan. Ang putok ay narinig na ni Ronnie at ng isa pang nilang tauhan. Hanggang sa sinipa na siya ni Joshua sa may singit at napahiga ito sa sobrang sakit. Kinuha ni Joshua ang baril at ipinukpok ito sa mukha ng lalake para mawalan rin ito ng malay.

Maya maya pa ay tumakbo papasok na sila Ronnie at isa pang tauhan. Nakatutok kay Joshua ang mga baril nila, gayun din si Joshua na itinututok ang baril kay Ronnie.

“Sumuko ka na, Joshua.” Sabi ni Ronnie. “Pasasaan pa’t mamatay ka rin.”

“Talaga? Manghuhula ka na ba ngayon Ronnie, pagkatapos mong maging murderer? Ha?” sagot ni Joshua.

“Kahit anong sabihin mo, wala ka nang mapupuntahan!”

Sa kabilang dako, lumabas si Frankie sa madilim na kwarto upang subukang tulungan si Jessica kung sakaling nangangailangan ito. Laking gulat nalang niya ng may isa pang lalake na papasok pala sa kwarto. Binaril ng lalake ang tubo, sapat na para mabitawan niya ang tubo.

Sinipa naman ni Frankie ang baril, at tumilapon din ito sa malayo.

“Pano ba yan? Mukhang mano mano na tayo dito ah!”

Sabay suntok ng lalake kay Frankie. Umilag siya. Sa pag ilag niya ay sinuntok niya naman ito sa tiyan. At siniko sa may bandang batok, natumba ang lalake at natulog na rin.

“Sweet dreams!” sabi ni Frankie sabay alis.

Sa kwartong may balcon naman nagtatago si Jessica. Unti unting bumubukas ang pinto. Nasa may balcon si Jessica nagtatago. Kahit malakas ang ulan ay naririnig niyang may pumapasok. Ang mga dahon ng puno sa malapit ay maingay pagkat malakas ang hangin. Hinigpitan pa niya ang hawak sa kanyang dalang kahoy na pamalo.

Lumalakad unti unti pa punta sa balcon si Alicia. Handa na siyang iputok ang baril sa anu mang oras. Lumakad siya, dahan dahan. Si Jessica naman, habang nagtatago ay lalong kinakabahan at nabibingi na sa lakas ng tibok ng dibdib niya.

BAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAANG. Isang malakas na kulog ang lalong nagpakaba kay Jessica.

Hindi naglaon ay tumatakbong pumasok sa kwarto si Frankie para tulungan si Jessica. Nagulat si Alicia at pinutukan agad si Frankie. Natamaan si Frankie sa tiyan. Bahagyang napahiga siya, patuloy ang pagtulo ng dugo mula sa kanyang tiyan.

“Ha! Kamusta ka naman ngayon? Gaya ng sabi ko, ang nangyayari sa inyo ay parang sa pelikula lang. Kaso nga lang, mamatay kayo. HAHAHAHAH!” sabi ni Alicia habang nakaharap sa duguan at nakahigang si Frankie.

Narinig ito ni Jessica. Kaya habang nakatalikod pa siya, tumakbo ito galing sa balcon at pinalo sa likod si Alicia. Lubhang nasaktan si Alicia pero hindi siya natumba.

“ISA KA PA!” sabi ni Alicia. Nakaharap na siya ngayon kay Jessica at nakatutok ang baril kay Jessica. “KATAPUSAN MO NANG PAKIALAMERANG BABAE KA!”

Meanwhile..

“Pag bilang ko ng tatlo, katapusan mo na!” sabi ni Ronnie. “Barilin mo man ako, babarilin ka rin ng tauhan ko. Ha. Kaya sumuko ka na!”

“Kung susuko man ako, mamatay pa rin ako. Kaya mas gugustuhin ko nalang—“

BANG.

Binaril ng tauhan ni Ronnie ang baril ni Joshua, nabitawan niya ang baril.

“At ngayon, paalam muna sayo, Joshua.”

Nang biglang nahulog ang malaking lumang Chandelier mula sa ceiling. Natamaan si Ronnie at ang tauhan niya. At nawalan sila ng malay.

“Ha? Agnes? Ikaw ba yan?” Nagtatakang tanong ni Joshua. Nang bigla niyang maalala… “SILA JESSICA!”

Tumakbo siya agad papunta sa malaking kwarto. Doon, nakita niya si Frankie, duguan, at nakahiga. Si Alicia, nakatutok ang baril kay Jessica.

“At sumama ka pa. Buti naman at ngayon, sabay sabay ko na kayong papatayin!” sabi ni Jessica. “Sawakas, matatapos na ang mga panggulo sa buhay ko! At maliligo na ako sa yaman pagkatapos ng gabing ito!”

“Mahaba haba na rin ang gabi, kaya oras na para tapusin ang kasamaan mo.” Isang tinig ang nagsalita.

“SINO YUN!?” tanong ni Alicia.

Sa kaliwa ni Alicia ang isang salamin, malaking salamin. Gaya ng mga salamin pag tinitignan mo kung ayos ang suot mo. Sapat para makita mo ang reflection ng buo mong katawan. Pag harap ni Alicia, nandun ang step sister niyang si Agnes. Ang kapatid niyang siya mismo ang pumatay.

Nanigas si Alicia sa takot. Ang mata ay nadikit sa pag tingin sa multo ni Agnes sa salamin. Ang medyo sunog na katawan ni Agnes. At ang mga mata nitong masalimuot at puno ng galit na nakatingin sa mga mata ni Alicia.

“Panahon na para pag bayaran mo ang mga kasalanan mo!” sabi ni Agnes.

Lalong nanigas si Alicia.

Maya maya pa ay may mga crack na nabuo sa salamin. Hindi nagtagal ay tumalsik ang mga bubog nito sa mukha ni Alicia. Nabitawan niya ang baril at natumba rin siya sa sahig. Malaking sugat ang dulot ng isang malaking basag ng salamin sa mukha ni Alicia.

Hindi makapaniwala si Alicia sa nangyari sa kanya. Hinawakan niya ang mukha niya, at tumingin sa palad niyang naduguan. At pagkatapos nun ay humagulhol sa sinapit ng mukha niya.

Si Jessica, Frankie, at Joshua naman ay nagulat sa nakita. Sabay rin nilang naisip na tapos na ang paghahanap ng hustisya para kay Agnes Fuentabella. Tumakbo si Jessica at Joshua patungo kay Frankie.

“Frankie, are you okay?” tanong ni Jessica.

“I’m fine Jess, wag mag alala. Konting sugat lang ito. Hehe.” Sagot ni Frankie.

“Hold on, Frankie, dadating na ang mga pulis sa isang saglit at tutulungan nila tayo.” Sabi ni Joshua.

“Oo, dude. Promise, di pa ako mamatay. Hehehe.”

“Ikaw talaga. Hehehe.”

And all three of them felt relieved. 2 minutes later, the policemen had arrived. May mga ambulansya rin.

A week passed, ayos ang lahat. Walang namatay. Si Alicia, nagkaroon ng malaking sugat sa mukha.

Si Ronnie naman, dahil sa pagbagsak ng Chandelier ay naputulan ng dalawang paa at di na kailanman makakalakad pang muli.

Si Frankie naman ay nasa ospital pa rin, pero pwede nang lumabas on that very day.

“Dude, kamusta?” tanong ni Joshua, sabay kuha ng mansanas mula sa fruit basket na dala ni Jessica.

“Eto, makakauwi na mamaya. Ang saya no, tapos na ang pag hahanap natin ng hustisya. At sa wakas, nahuli na ang tunay na may sala.” Sabi ni Frankie. “Teka, kamusta nga pala si Sir Richard Villarico?”

Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto. Si Richard, laya na. Ngumiti ito sa tatlo, at di gaya ng dati, punong puno na ng buhay at saya ang mga mata nito.

“Hello!” bati niya.

Nag blush naman si Jessica dahil crush niya si Richard.

“Hi!” sabi ni Jessica.

“Hello!” sabi ni Joshua.

“Sir!” sabi naman ni Frankie.

“P-paano kayo nakalaya agad, Mr. Richard?” tanong ni Jessica.

“Ahmmm, dahil sa inyo. Kahit di pa nagtatagal mula ng nahuli niyo ang mga tunay na may sala, ay pinalaya na ako. Masaklap ang nangyari sa kakambal kong si Ronnie at kay Alicia, but I guess, that’s what they should get.”

“Tama. Hindi yun mangyayari sa kanila kung wala silang masamang ginawa. Kaya, I guess they deserve it.” Sabi ni Frankie.

“Anyway pumunta lang ako dito para kamustahin ka, Frankie. At magpasalamat na rin sa inyong tatlo. Sayo, Joshua, at sayo na rin, Jessica.”

Lalong namula si Jessica.

“Weleng eynumen…” sabi ni Jessica. Natawa si Richard.

“Salamat ulit sa inyong tatlo. At least ngayon, matatahimik na si Agnes. Pupuntahan ko muna siya sa sementeryo. Sige, aalis na ako.

“Teka, Mr. Richard, kararating niyo lang ah..”

“Hindi, ayos lang. I just dropped by to thank you all.”

“Ah ok po. Sir, ingat po kayo :’’>” Sabi ni Jessica.

“Sige…”

Umalis na si Richard.

Samantala, mas lalong gumanda ang mga sunod na nangyari. Si Joshua, na-promote bilang Editor in Chief. Dahil yun sa maraming attention na ibinigay ng madla sa heroic deed niya kasama si Jessica at Frankie.

Na-cover ng media ang kwento nila. May mga gumawa ng documentary tungkol dito, meron ding isinulat sila sa magazines, newspapers, libro, at iba pang porma ng media.

Kung si Richard ay na-promote, si Alicia naman ay na-expose ang talento sa mga tao. Kinuha siya ng isang lifestyle-home magazine para maging writer at consultant. Lalo rin siyang nakilala bilang isang magaling na interior designer para sa elite society.

Si Frankie rin ay kinilala ng mga social magazines at binansagan bilang Hot Hero Bachelor na nag bigay daan para mapasok niya ang mundo ng modeling at showbiz. Sumikat rin siya. At nagkaroon ng maraming TV ads.

Lahat ay naging maayos na.

Pati ang kaso laban sa mga Villarico ay mabilis na umusad. Sa tulong na rin ng media, naging high profile ang kaso at mahigpit na binantayan at tinutukan ng buong sambayanan. Na nag bunga para patawan ng habang buhay na pagkaka-kulong ang mag asawang dating icon ng business society.

At si Richard Villarico ang nag take over sa Fuentabella Group of Companies. At gaya ng gusto ni Agnes, lalong naging matagumpay ang FGC. Umani ng papuri si Richard, kasama ang buong team ng FGC.

Isang perfume line din ang ni-release, sa pangalan ni Agnes. Ito ay tinawag na Agnes: Scent of Purity sa ilalim pa rin ng FGC.

Si Joshua at si Jessica, ay naging power couple sa publishing industry. Samantalang mas dumami ang babae ni Frankie.

At lahat sila ay naging masaya. Si Agnes, kahit di na ulit nagparamdam, ay alam nilang nanahimik na sa langit at masaya.

THE END

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Your Ad Here

Disclaimer

The pictures and videos posted here in PHS aren't our properties unless stated. We get pictures and videos from the internet and post it here. Some stories also came from the internet and we carefully credit the stories to its respectful owners or sources. However, if you have or if you own something here in PHS, you can tell us to remove it and we will do so if we have confirmed that you're the owner. Tell us at pinoyhorrorstories@gmail.com

Some stories/videos/pictures of PHS are properties of PHS. It can be written by PHS authors, or submitted by a PHS reader.

We allow the readers to share the posts and stories posted here in PHS to other websites as long as they properly SOURCE or CREDIT the story to us.

STORIES, VIDEOS, OR PICTURES that are posted here can either be FICTIONAL or a REAL ENCOUNTER.

WE ARE TERRIBLY SORRY FOR SOME MINOR GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS IN THIS BLOG. WE ARE NOT PROFESSIONAL WRITERS, WE HOPE YOU UNDERSTAND. THANK YOU.

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP