“Oo, kami nga. Hahahaha.” Sagot ni Alicia.
“B-bakit?” tanong ni Joshua.
“Bakit ko kayo hinuli? Hmmm… Simple lang naman, dahil masyado na kayong maraming nalalaman!” sagot ni Alicia.
“Ibig sabihin, kayo ang pumatay kay Ms. Agnes?” tanong ni Jessica.
“Oo naman. Hahaha.”
“Sabi na nga ba eh!” sabi ni Frankie.
“So kasalanan ko pa ngayon kung bakit naging tanga ka at nanahimik?” sagot ni Alicia.
“Napaka walang hiya mo naman at pinatay mo ang tunay na taga pag mana ng FGC!”
“Matagal ko na talagang gustong gawin yun. Kaso, dahil medyo mabait pa nga ako, eh hindi ko muna pinatay si Agnes. Haha.”
“So anong plano niyo ngayon?” tanong ni Jessica na halatang natatakot.
“Ha? Anong plano namin? Just like in the movies, of course you we’ll kill you! Pero iba ang ending ngayon. Dahil garantisado ang kamatayan ninyo!”
“Oo nga. At sisiguraduhin naming malinis ang kamatayan ninyo. Yun nga lang, walang burol.” Sabat ni Ronnie at sabay silang humalakhak ni Alicia.
“Tutal, papatayin niyo na rin lang kami, maari bang ikwento niyo nalang ang lahat kung ano ano ang ginawa niyo sa pag patay ninyo kay Agnes?” tanong ni Joshua sa malumanay na tinig.
“Ah yun ba? Ikwento mo nga, honey…” sagot ni Alicia sabay akbay kay Ronnie upang ipa-kwento ang kabuuan ng plano.
“Dahil nga sa katangahan nitong si Richard, ay nagamit namin siya upang maging primary suspect ng kasong ito. “ paunang salita ni Ronnie. “At dahil kambal kami, sa araw bago mamatay ang bobang si Agnes, pinaalis ko lahat ng katulong niya.”
“Siyempre, hindi ko gamit ang pangalan ko, ginamit ko ang pangalan ni Richard. Ano pang silbi ng pagiging magkambal namin diba? So yun. Pagkatapos umalis ng mga katulong, driver, at iba pang trabahador ni Agnes, hinintay ko sa Alicia para dumating. Nag usap kami. Tinanong namin siya ng maayos na i-turn over ang lahat ng shares niya sa kumpanya. Pero ano ang sinabi niya? Pag hirapan daw muna namin yun sa pagta-trabaho sa FGC. At kung ma-impress siya, handa siyang ibigay lahat ng yaman niya hindi lang ang FGC sa amin. At dahil nga planado na namin ang lahat na pag tumanggi siya, ay susunugin namin siya.”
“Tapos ano? Anong ginawa niyo?” sigaw ni Joshua na mistulang naging halimaw na sa galit sa pakikinig sa kwento ni Ronnie.
“Relax ka lang. Mamatay ka na nga eh. Tapos yun, binugbog ko siya para mawalan siya ng malay. Hindi ko rin sinadyang mawaglit ang half heart bracelet sa akin na mukhang nag palakas ng kaso laban kay Richard. So yun, nung wala nang malay si Agnes, umalis na kami. Kaya ko ginustong mawalan siya ng malay para masigurong matutupok siya at mamatay.. ng hindi siya masyadong masaktan! HAHAHAHAHA!”
“Napakasama ninyo!” bulaslas ni Joshua.
Ngunit sa kabilang banda ay napangiti siya dahil recorded na lahat ng nasabi ni Ronnie. Ang kulang na lang ay makaalis sila na hindi pa niya sigurado. Natuwa si Joshua dahil hindi nakuha sa kanya ng mga goons ang maliit na recorder sa leeg niya. Mga cell phones at ibang gadget lang ang nakuha sa kanya.
Pagkatapos ng salaysay ni Ronnie ay umalis na sila. Ngunit bago tuluyang naka-alis…
“Nga pala, ang kamatayan ng gusto mo sanang tulungang si Agnes ay gayun din ang magiging kamatayan ninyo. Haha. Pakialamero kasi kayo. Hehehe.” Sambit ni Alicia.
“Nako Joshua, kelangan nating maka alis dito!” sabi ni Jessica na halatang kinakabahan at takot.
“Wag kang mag alala, makakahanap tayo ng paraang makatakas.” Sagot ni Joshua.
“Tama. Ngayong abot kamay na natin ang hustisya para kay Agnes. Kailangan nating makaalis dito at ibigay ang hustisya!” sabi naman ni Frankie.
Martes, Mayo 3, 2011
The Whisperer Chapter 15
Mga etiketa:
Filipino,
Pandemic,
Stories,
The Whisperer Series
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento