COPYING, REPOSTING, SHARING, AND EXPORTING POSTS FROM PINOY HORROR STORIES TO OTHER WEBSITES OR FORUMS ARE ALLOWED AS LONG AS YOU PROPERLY CREDIT IT TO US. THANK YOU AND GOD BLESS!

Share

Miyerkules, Mayo 16, 2012

Si Aling Ursula

si aling ursula

May kuwento si lola ko ang tungkol sa kapitbahay nilang si Ursula.

Isang mayaman at maraming katulong.

Maldita at naninigaw.

May mga kumakalat na tsismis na isa daw itong aswang.

Lagi siyang tumitingin sa baba o yumuyuko kapag kinakausap.

Mahilig mamigay ng kamote, mani at suman.

Sabi pa nga ng mga matatanda sa lugar, si Ursula daw ay matandang matagal ng nabubuhay sa mundo.

Kaya 'wag na 'wag daw tatanggap ng mga pagkaing binibigay niya. Dahil nanghahawa daw yan ng pagka aswang.

Minsan pa nga daw kapag may buntis sa kanila lola nilalapitan daw ito at hinahapuhap ang tiyan na tila baga naglalaway.

At may isang eksenang ikinagimbal sa lahat. May burol daw sa lugar nila. Yung iba, abala sa pagsasakla at halos wala ng bantay sa burol dahil ang mga bantay ay napagod sa ilang araw na pagbabantay.

Sa pagkagulat nila kinaumagahan, nawala ang bangkay at ang nasa kabaong ay mga mais na tuyot at mga sanga ng puno ng saging na pinagbigkis. Kumbaga, pinalitan ito.

At ang hinala nila, ay si Ursula daw ang nagnakaw dahil napapansin nilang nagkaroon ng pagtitipon ng kamag anakan ni aling ursula sa malaki niyang bahay.

Ang pinakamalupit na ikinuwento sa kin ni lola ay nambiktima daw ng buntis si Ursula at di nagtagumpay, dahil ang asawa ng buntis ay nahuli niyang bumababa ang dila ng aswang. Pinutol ito gamit ang itak. Bigla daw sumigaw at nang hahabulin ng asawa ng buntis, nakita niya ang pusang kulay brown na napakalaki na kumakaripas ang takbo.

Kinabukasan, pinuntahan ng asawa ng buntis ang bahay ni ursula. Nakita niyang nakanganga daw ito at putol ang dila. Nanghihina.

Nang nalaman nila na aswang si Ursula nagsipulasang umalis ang mga katulong niya at ang iba pa nga daw nagnakaw pa.

Di na rin pinatay ng lalaki dahil alam niyang ang aswang na iyon ay di na magtatagal at mamamatay rin.

Nabalitaan daw namatay daw iyon agad dahil kapag tumuntong sa bahay ng aswang ang taong nanakit sa aswang ay tiyak na ang kamatayan nito.

 Source

Walang komento:

LinkWithin

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...
Your Ad Here

Follow by Email

Disclaimer

The pictures and videos posted here in PHS aren't our properties unless stated. We get pictures and videos from the internet and post it here. Some stories also came from the internet and we carefully credit the stories to its respectful owners or sources. However, if you have or if you own something here in PHS, you can tell us to remove it and we will do so if we have confirmed that you're the owner. Tell us at pinoyhorrorstories@gmail.com

Some stories/videos/pictures of PHS are properties of PHS. It can be written by PHS authors, or submitted by a PHS reader.

We allow the readers to share the posts and stories posted here in PHS to other websites as long as they properly SOURCE or CREDIT the story to us.

STORIES, VIDEOS, OR PICTURES that are posted here can either be FICTIONAL or a REAL ENCOUNTER.

WE ARE TERRIBLY SORRY FOR SOME MINOR GRAMMATICAL AND TYPOGRAPHICAL ERRORS IN THIS BLOG. WE ARE NOT PROFESSIONAL WRITERS, WE HOPE YOU UNDERSTAND. THANK YOU.

  © Blogger templates Romantico by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP