Isang gabi sa kwarto ni Alicia sa ospital na pinagdalhan sa kanya, nag iisa na lamang siya pagkat ang kanyang asawang si Ronnie ay bumaba para bumili ng kape.
Nagising siya dahil ang telebisyon sa kwarto ay bigla nalang nabuksan. Walang satellite kaya ang tunog ng TV ay napakasama sa tenga. Isang araw rin siya halos na walang malay dahil sa sama ng bagsak ng ulo niya.
“Ahhh..ano ba yan!?” inis na sabi ni Alicia dahil sa ingay ng TV.
Tumayo siya dala ang kanyang dextrose para patayin ang TV. Pag pindot niya sa button ng switch ay hindi namamatay ang TV. Minabuti niyang tanggalin ito sa pagkakasaksak. She was surprised to death when she found out that the TV is actually unplugged. So what the hell could ever made the TV turned on?
Awhile later, the lights again went turned on and off. And there, the ghost of Agnes is back.
“Agnes! Agnes! Manahimik ka na!” Alicia said nervously.
“Alicia! Alicia! Gising! Nanaginip ka!” bigla nalang narinig ni Alicia ang tinig ng asawa.
“Haaaaaaaaaa… Panaginip lang pala..” nagising si Alicia.
“Ano bang nangyari sayo Alicia?” tanong ni Ronnie.
“Si Agnes, siya ang dahilan kung bakit ako hinimatay at nawalan ng malay!” pagdedeklara ni Alicia.
“Ha? Anong ibig mong sabihin?”
“Si Agnes, ginugulo niya ako!”
“Tok tok tok..” biglang antala ng isang katok. Alas otso na ng umaga noon.
Pumasok na sila Joshua, Frankie, at Jessica.
“Good morning po Mr. Villarico and Ms. Alicia.” Bati ni Joshua.
“Hello po sir, hello mam!” bati naman ni Jessica.
Kung bumati ang mga kaibigan niya ay wala namang kibo si Frankie dahil sa ilang mga bagay niyang pinaghihinalaan.
“Good morning naman.” Bati ni Ronnie.
“Good morning din. Kamusta na ang imbestigasyon ninyo?” tanong ni Alicia.
“Mam, maari na raw buksan muli ang imbestigasyon at maari na ring makasuhan si Richard pag nagkataon.”
“Paano Joshua?” tanong ni Ronnie.
“Kailangan po namin ang kwento ni Ms. Alicia.”
“Ha? Ang kwento ko?”
“Opo mam. Kwento niyo tungkol sa mga ginawa ni Mr. Richard pagkamatay ni Ms. Agnes at ang paghihiwalay nila. Ito ang magbibigay motibo. Pati rin ang half heart bracelet ay malaking tulong.”
Pagkalabas na pagkalabas ni Alicia sa ospital ay nag kwento na siya sa NBI investigators.
Dahil na rin sa testimonya nitong si Alicia ay tuluyang tinanggap ang motion for reinvestigation na sinampa ng pamilya Villarico at di man nakahanap ng sapat na ebidensya ay nakahanap naman sila ng mga bagong testigo.
Ang mga katulong na si Fedra, Gorgonia, at Elena, ay nagsabi na sila ay pinag day off ni Richard bago ang krimen at parang medyo masama daw ang mood nito. Kasama sa pinag day off ay ang driver rin sa si Eliseo, at hardinerong si Maki. Nag bigay rin sila ng testimonya na nagdidiin kay Richard Villarico.
At dahil mukhang sapat na ang lahat ay makalipas lang ang isa o dalawang linggo ng imbestigasyon ay tuluyan ng binigyan ng subpoena ang kampo ni Richard para sa pagdinig. Wala namang ano ano ay hindi tumanggi si Richard.
Makalipas ang halos isang buwan, napatawan na si Richard ng reclusion perpetua o habang buhay na pagkabilanggo. Walang reaksyon dito si Richard, parang buhay na walang emosyon na ito. Hindi na ito nagtrabaho ng hindi siya piliin ng board members ng FGC na maging bagong pangulo ng kumpanyang ito.
“The case is closed” sabi ni Joshua.
Martes, Mayo 3, 2011
The Whisperer Chapter 9
Mga etiketa:
Filipino,
Pandemic,
Stories,
The Whisperer Series
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento