Isa na dito ang gig nila sa may Quezon province. Isang probinsya na hindi pa narinig ni Fritz, o ng kahit sino man sa banda niya. Ang bassist ng banda niyang si Neil ay may maliit na van. Lima sila sa banda. Kaya tuwing may out of town gigs sila ay si Neil na din ang nagda-drive papunta sa location ng gig. Si Neil na din ang nag aasikaso ng mga bagay bagay sa trabaho nila dahil wala pa silang manager.
Mga alas tres na ng hapon ay nasa daan pa rin sila Fritz. Alas otso yung oras na magsisimula ang selebrasyon ng pista sa pupuntahan nila. At around 10 sila makakapag perform kung maging madali ang takbo ng programa.
Nagsisimula nang bumaba ang araw, nasa daan pa rin sila kung saan ay halos walang dumadaan at walang katao tao. Tanging mga halamat at puno lamang ang nasa gilid ng daan pero walang sign na may nakatira sa malapit doon.
Maya maya ay napatingin si Fritz sa bintana ng van dahil may nakita siyang isang napakali at napaka-kakaibang puno sa tabi ng daan. Sobrang laki ng puno at halatang matandang matanda na rin ito. Pero sa kabila ng kataandaan ay matikas at makisig pa ring nakatayo.
Nakuha ng puno ang atensyon ni Fritz dahil mahilig si Fritz sa horror movies, at parang nakakita na siya ng puno na pareho ng mga napapanood niya lang sa TV.
Pagkadaan nila sa puno ay medyo pumikit muna si Fritz dahil wala nanaman ang kanyang tinitignan. Medyo naiinip na siya sa biyahe kaya medyo sinubukan niya munang umidlip.
"Pre, malayo pa ba tayo?" Tanong ni Fritz ng hindi binubuksan ang mata kay Neil na nagda-drive.
"Pre, alam ko malapit na eh. Pero ewan. Parang naliligaw tayo. Pero astig lang, mahahanap ko din ang daan. Kung gusto niyo, matulog muna kayo." sagot ni Neil.
Kaya natulog si Fritz at ang iba pa nilang bad members.
Mga limang minuto ang lumipas, naalimpungatan si Fritz. Tinignan niya ang oras, malapit na mag alas kwatro. Hinanap niya ang cellphone niya para tignan kung may nag text ba. Pero habang sinusukang dukutin ni Fritz ang cellphone sa masikip na bulsa ng maong, nagulantang siya sa nakita niya sa bintana..Yung malaking puno, dinadaan ulit nila.
"Neil, nahanap mo na ba ang daan?" tanong ni Fritz na medyo nagulat sa puno.
"Hindi pa eh. Pero sigurado ako ito ang daan."
"Di mo ba napansin yung malaking puno, diba nadaanan na natin yun?"
"Ha? Hindi eh."
"Baka paikot ikot lang tayo ha."
"Hindi. Imposibleng umikot ikot tayo, isa lang naman ang daan dito, walang mga likuan."
Kinabahan si Fritz. Ilang segundo pa ang dumaan, nakita nanaman niya ang puno.
"Neil, yan oh yung puno! Pangatlong beses ko na yan nakikita!" wika ni Fritz.
"Guni-guni mo lang yan."
Napasandal si Fritz. Pero makalipas ang ilang segundo..
"Oo nga no! Bakit tayo pabalik balik? Anong nangyayari?" tanong ni Neil na halatang kinakabahan na rin.
"Hindi ko alam. Huminto ka muna."
Inihinto muna ni Neil ang sasakyan. Mga isang minuto ang lumipas, inii-start na sana ni Neil ang van pero may babaing naka brown na may sayang pareho ng mga sinusuot ng nurse ang lumapit sa sasakyan. Kumatok siya sa may bintana. Binuksan ni Neil.
"Tulungan niyo naman po ako." sabi ng babae.
"Ha? Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Neil. Napatingin naman si Fritz at ang kakagising lamang nilang mga kabanda.
"Naliligaw po kasi ako, hindi ko mahanap yung bahay namin."
Nagtaka si Fritz, kung taga dito siya, bat siya maliligaw?
"Oh sige, tara, sakay ka. Hanapin natin." Sabi ni Neil. Medyo hindi agree si Fritz sa gustong gawin ni Neil.
"Ha? Malapit lang po kasi dito yun. Kahit di na po ako sumakay. Sige na po. Dumidilim na kasi, baka magalit si Nanay." sabi ng babaeng medyo may kaba sa kanyang tinig.
"H-ha?" medyo naguguluhan si Neil sa gusto ng babae. "O sige. Pare, tara samahan niyo ako."
"Dito nalang kami pare, bantayan namin yung sasakyan." sabi ng isa sa mga kabanda nila na nasa likod.
"Ako nalang sasama." sabi ni Fritz.
Tapos binaybay nila ang halos walang katao tao o sasakyan na daanan. Puro puno at halaman pa rin ang nasa tabi nila.
Nakita ni Fritz na ang paa ng babae ay walang suot na tsinelas o sapatos. Medyo sugatan din ito na parang nilatigo ng maliliit na hibla ng matinig na halaman.
Maya maya ay may natanaw na silang maliit na kubo.
"Ayun na!" natutuwang sabi ng babae. "Gusto niyo bang magkape muna?" tanong niya ng nasa harap na sila ng kubo.
"Ahhh..sige..salamat nalang." sabi ni Fritz.
"Sige na, wag na kayong mahiya." sabi ng babae.
Kahit gusto ni Fritz ay parang ayaw niya nalang dahil sa hindi kalayuan ay may babaeng naglalaba malapit sa bumbahan at nakatingin sa kanya na para bang sobrang galit.
"Sige ha, hintayin niyo lang ako. Magtitimpla ako ng kape." sabi ng babae tapos pumasok na siya sa kubo at sinarhan ang pinto.
"Neil, pre, anong meron?" tanong ni Fritz kay Neil ng mapansin niyang tahimik ito.
"Ha? Wala.." sabi ni Neil.
Naghintay sila. Dalawang minuto. Limang minuto. Sampung minuto.
"Ang tagal naman." sabi ni Fritz.
"Pre, tara na."
"Ha? Teka. Nakakahiya naman dun sa babae."
"Pre, tara na."
"Bakit ba? Sige, magpapaalam muna ako."
Lumapit si Fritz sa may pintuan ng maliit na bahay kubo. Kumatok siya. Pero walang nagbukas. Medyo madilim sa lugar na iyon dahil sa malalaking puno na tumatakip sa sinag ng lumulubog na araw.
Walang nagbukas. Nagtaka na si Fritz. Tumingin tingin siya sa paligid ng bahay. May nakita siyang butas sa maliit na kubo. Naisip niyang silipin kung may tao ba sa loob o kung ayos lang ang babae.
Sinilip niya ang maliit na butas. Laking gulat nalang niya ng...
May isang matandang babae na nakaupo sa tabi ng isang mesang gawa sa kawayan. Nakatitig ito direkta sa mata ng sumisilip na si Fritz. Ang buhok niya ay halos umaabot na sa lupa. Ang tingin nito ay sobrang nakakatakot. Parang may malaking galit kay Fritz. Ang mga mata niya ay, dahil sa dilim, napansin ni Fritz na nagliliyab ng kulay berde. Napansin ni Fritz na ang suot ng matanda babae..ay parang..yung suot ng babaeng tinulungan nila kanina.
Agad na inalis ni Fritz ang mata sa butas at dali daling hinila sa Neil paalis sa lugar. Kinakabahan ito at takot na takot. Napansin niya kasi na ang paa ng matanda ay sobrang duguan.
"Pre, anong nakita mo?" tanong ni Neil habang nililisan nila ang lugar. Kinuwento ni Fritz ang nakita niya.
"Sabi ko sayo eh, umalis na tayo!" sabi ni Neil, na nanginginig pa ang boses.
"Bakit pre, may nakita ka din?" tanong ni Fritz.
"Oo pre! Yung naglalaba kanina na nakatingin sa atin, yung parang nanay. Napansin ko, yung tubig ng nilalabhan niya nag kulay pula na parang dugo!"
Nung nahanap na nila ang van ay agad na nilang nilisan ang lugar. Mag aalas kwatro na. At salamat sa diyos ay hindi na sila pabalik balik sa malaking puno. Naisip ni Fritz na baka ang dahilan ng mga nangyari ay baka dahil medyo naistorbo niya ang mga 'nakatira' sa malaking puno sa pagtitig niya kaya sila napag laruan ng kung ano mang uri ang mga nakita nila.
-PandemiC-
(Haven't edited this yet. What you read is written as is. Sorry. I'm busy. I'm going to fix this ASAP if in case there are mistakes. Thank you for understanding!)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento